CHAPTER 14

941 39 3
                                    


________

Nanlaki ang mga mata ni Magda sa narinig, mag-eexplain pa sana siya ngunit bigla itong nagsalita

"Anong sinabi mo? K-kung ganun alam mo na!?" Hindi siya makapaniwala

Nakangiting tumango ang lalaki't Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay, na agad din naman niyang iwinaksi sapagkat lagi niyang iniisip na asawa ito ng kaniyang kapatid at ayaw niyang magkasala. Bakas sa mga mata ni Dough ang kalungkutan sa tuwing ginagawa iyon ni Magda.. Nasasaktan siya.

"Nalaman ko ang lahat noong malasing ka—Magda, bakit mo ako kinalimutan?"

"H-ha?"

"Threo, you used to call me that right?"

Nasapo ni Magda ang kaniyang bibig sa nadinig, ngunit blanko parin ang kaniyang isipan pilit na nirerehistro sa isipan ang tinuran ng lalalak't inaalala ang nakaraan..

Napasinghap siya ng siya ay may mapagtanto. Kaya pala pamilyar sakaniya ang mukha nito!

"Threo! Ibig sabihin ikaw si Threo?" Hindi niya makapaniwalang sambit

Tumango ito

"Yup, Ang unfair lang kasi—ikaw hindi kita makalimutan pero ako limot mo na. [pout]"

"S-sorry, Hindi ko naman kasi inakalang—"

Muling natigilan ang dalaga, Kung talagang si Threo nga si Dough, ang lalaking asawa ng kaniyang kapatid. Ibig sabihin wala na pala siyang aantayin pa sa kaniyang nakaraan.. Sa loob ng sampung taon ay pinanghahawakan niya ang pangako ng kababata noon—Ngunit huli na pala siya, sapagkat  Kasal na ito at sa kapatid niya pa talaga..

Lihim na napangiwi si Magda sa naisip, di niya maitatangging nasasaktan siya. Kaya pala iba ang pakiramdam niya sa lalaki—gaya lamang iyon ng pakiramdam niya noon sa tuwing nakakasama niya ito..

Tama nga siya noon sa isiping wala siyang laban sa mga babaeng nagkakagusto rito, maging sakaniyang kapatid. Sapagkat Maganda si Megan, mayaman at higit sa lahat may pinag-aralan.

Samantalang siya? hanggang ngayon Pangalan lamang niya ang alam niyang isulat, yun lang rin ang alam niyang tama siya ng spelling.

Napabuntong hininga nlamang siya.

"Magda.. yung pangako ko sa'yo dati—"

"Wag na nating pag-usapan pa yun, Matagal na yun eh! kalimutan nalang natin." Agad niyang pag-pigil dito't Tumayo nang muli at nag tungo sa Closet—gusto niyang gawing abala ang kaniyang sarili sapagkat nasasaktan siya at ayaw  niya iyong ipakita.

"Magda hindi naman ata tama na basta—basta nalang natin kakalimutan yun, Kakaamin ko lang sa iyo noon at nangako akong babalikan kita.." Mahinang sambit ni Dough..

Sumunod siya sa pagkakatayo ni Magda at pinigilan ito sa paghahalungkat ng mga damit

"Bitawan mo ako Dough!"

"Magda galit ka ba saakin?" Pagsusumamo nito

Hindi niya ito pinansin bagkus nagpatuloy lamang siya sa paghahanap ng kaniyang damit upang makaligo na. Galit? Totoong nagagalit siya rito ng kaunti, paano ba naman kasi siya ang pinangakuan nitong babalikan tapos ngayon malaman—laman niya nalang na sa iba ito ikinasal, at ang malala pa ay sa kapatid  niya!

"Babaero." Bulong niya

Na di nakawala sa pandinig ni Dough

"What did you just say?" Awat uli nito sa paghahalungkat niya

"Ano ba!"

"Magda mag-usap tayo ng maayos please!"

"Hindi pa ba tayo nag-uusap Dough?" Inis niya itong inirapan,Dahilan upang mapa-igting ng panga si Dough

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon