CHAPTER 7

859 35 0
                                    

____

Umaga na ng maisipan ni Dough na dalawin ang kaniyang Asawa na si Megan sa Bahay ng kaniyang byenan, it was a surprise visit dahil gusto niya itong surpresahin pati narin ang kaniyang dalawang byenan dahil isasama niya ang kanilang dalawang anak na sina Echo at Elayza.

"Daddy aren't we gonna bring teddy with us? I might not sleep at night if he wasn't with me." Sambit ng maamo niyang anak na si Echo, sanay na kasi ito na katabi matulog ang kaniyang Teddy bear.

"Is it okay if we do not bring him to lola and lolo's crib?"

Umiling ang anak

"No."

Natawa si Dough sa sinagot nito.

"Hindi naman pala e, Then go on and bring teddy. But—you two.. Behave." Paalala niya pa sa mga anak, bago niya ito isa-isang buhatin upang maisakay na sa kotse niyang BMW

"Elayza stop eating that lollipop." pukaw niya sa kakambal nito na halos maligo narin ng laway ang mukha sa kakatutok kasi nito sa pagdila ng lollipop ay nakalimutan na ata nitong pati mukha niya ay nababahiran narin nito, kulay kahel ang lollipop kung kaya naging kulay kahel narin ang kaniyang kanang pisngi at bandang ibabang labi

"Elayza! I said stop eating that Lollipop! throw it out!" asik  ni Dough nasiyang ikinapitlag ng anak, dahilan upang mabilis nitong matapon ang hawak hawak na lollipop sa labas ng sasakyan.

______

Binihisan at inayusan ng mag-asawa si Magda, Sa tulong narin ng kakilala nilang Trainor at makeup artist na si Edmond ay matagumpay nila itong napamukhang gaya ni Megan sa maikling panahon.

Kulang nalang sa kutis talaga at Buhok, kung I-rerebond pa kasi ay kailangang may sapat na oras sila para dun, ang kaso lang biglang—
May nag-doorbell, Patakbo iyong tinungo ng kanilang katiwala.. At gayon nalamang ang pagkagulantang ng mga magulang ni Megan ng makitang si Dough iyon at ang kanilang mga apo

"Lola! Lolo!" Halos sabay pang sambit ng dalawa bago ito lumapit sa gawi nila upang yumakap

Maliban kay Magda na hanggang ngayon ay tulala parin..

Oo, sinabi na sakaniya nina Vicente at Zasha ang kaniyang dapat na gawin, gayon din ni Megan ng muli  niya itong makausap ngunit hindi naman nila sinabi na ngayong araw mismo pala na iyon siya aakto at magpapanggap na ang kapatid niya sa kauna-unahang pagkakataon.

"Hi mom, dad." Nakangiting sambit ni Dough sa mga byenan saka  nito binigyan ng beso ang dalawa, pagkuwa'y sakaniya na napatuon ang mga mata  nito.

Nailunok niya ang kaniyang sariling laway dahil sa tindi ng kabang naramdaman niya, paano siya aakto? ni hindi niya paman din iyon napapraktis ay eto na at susubukan  na siya.

"Mariajoseph!" Singhap niya ng makitang papalapit na ang lalaki sakaniya.

Nanginig ang kaniyang mga binti at tila ba nawawalan siya ng balanse, paano ba naman kasi pinagsuot siya ng mga magulang ng kakambal niya ng 4inches na takong, ni di niya pa nga gaanong napapraktis sa paglalakad iyon.

"Hi baby." Saad ni Dough sa baritono nitong tinig na siya lalong nagpakaba sakaniya, kalila-kilabot ang dala niyon sakaniya maging ang prisensya nito.

Sa pinakamaliit na bahagi ng kaniyang utak ay tila ba pamilyar ang mukha ng lalaking papalapit sakaniya, hindi niya ngalang ito gaanong makilala dahil may bigote ito. Mahina siyang napatikhim ng siya ay kalabitin nito sa bewang saka aakmang hahagkan sa labi ngunit mabilis niyang naiwas ang kaniyang mukha kaya sa pisngi niya tumama ang labi nito.

'Naku naman patay na, mali ata yung ginawa ko? ano bang dapat gawin? dapat ba—sinalubong ko yung halik niya? p-pero pano..' problemado niyang saad sakaniyang isipan

Nangunot ang noo ni Dough ng mapansin ang tila ba pagkabalisa ng babaeng nasa harap niya, ngunit ang mas hindi nakaligtas sakaniya ay ang kulay ng balat nito. Paanong Naging kayumanggi ang kulay ng kaniyang asawa gayong maputi si Megan?

"You look tan baby, naligo ba kayo sa beach or nagpabilad ka masyado sa araw?" Maang nitong tanong ng siya ay muling titigan mula ulo hanggang paa

Di naman talaga maikakailang magkamukha sila ni Megan, Mula sa Tangkad at hubog ng pangangatawan. Ngunit mas Mahaba ngalang ang biyas ni Magda, mabuti nalang at hindi iyon gaanong nahalata ng Lalaki sapagkat nakasuot siya ng Slak na kulay asul na tinernohan naman ng top na pink.

Hindi makaapuhap ng isasagot si Magda mabuti nalang at agad na lumapit si Zasha upang siya ay saluhin

"Ahh, oo Ihjo alam mo na. Miminsan lang kami magkaroon ng bonding moments with our unika Ihja, kaya sinagad na namin. Isang linggo siyang narito at sa loob ng isang linggong iyon ay ibinuhos namin sa pamamasyal at iba pa." Anito habang ngumingiti

Napapangiti narin si Magda ng bahagya kahit pa sa loob-loob niya'y di na siya kumportable. Para bang gusto na niya kaagad na aminin sa lalaki na hindi naman talaga siya si Megan.

"Good to hear that Mom, atleast kahit papaano ay nakapagbonding ulit kayo ni Megan. I'm happy for you babe." Anito nasakaniya nakatingin. Ewan ba niya kung nanunuya ang mga titig nito,o di kay'ay sinsero ba talaga sa mga sinasabi o gusto lamang siyang obserbahan.

Di tuloy niya mapigilang hindi kabahan, Hindi niya ito kilala kaya hindi niya alam kung anong klase ito, isa pa. Hindi rin siya mind-reader upang mabasa niya ang iniisip ng lalaki.

Matagal din siyang pinagmamasdan ng lalaki bago ito tumalikod saglit upang tawagin ang pansin ng mga anak

"Hey kids, come here and say Hi to Mommy. Hindi niyo man lang ba siya bibigyan ng halik?" Anito

Namangha si Magda ng makita ang dalawang bata, Kahawig na kahawig ito ng kakambal niyang si Megan noon—ngunit bakit? tila wala naman ata itong nakuha ni isang resemblance sa ama nito? Napailing siya, baka sa pag laki ng mga bata ay doon lamang lumabas ang pagkakahawig nito sa kanilang ama.

Mahilig si Magda sa bata kaya ng makita niya ang mga ito'y agad siyang kumaway na parang bata, Yung excitement niya ang nangingibabaw sapagkat anak ito ng kaniyang kakambal.

"Hellow babies!" Nakangiti niyang sambit dahilan upang mapalingon sakaniyang muli si Dough, ng nakakunot ang noo. Gayon din ang mga bata

Nagtaka man sa naging reaksyon ng mga ito'y hindi nagpatinag si Magda, Halos patakbo niyang sinalubong ang dalawang bata at binigyan ito ng napakahigpit na yakap.

"Jusmio ang Ku-kyut niyo!" [Chuckles]

"Ah-mm Mom?" Dinig niyang sambit ng dalawa kaya siya napabitaw sa pagyakap sa mga ito saka magiliw na tinitigan ang dalawa sa mata, napansin niya pang mali ang pagkakatali ng buhok ng batang babae kaya nag-angat siya ng kamay at inayos ang buhok nito

"Naku sino ba ang nag-ayos sa buhok mo at ganyan nalamang iyan ka-gulo, Sandali lang ah? at aayusin ko." Aniya

'oh lord, is this miracle? or---' pagtatakang sambit ni Dough sa isipan

Alam niya kasing malayo ang loob ni Megan sa mga anak kung kaya ganoon din ang mga anak nito sakanilang Ina. But seeing her wife right now.. He can't stop smiling. Napakasaya niya maging ng puso niya dahil sa labis na galak, Kita niya rin sa mga mata ng anak na masaya ang mga ito lalo pa ng Makita niyang kilitiin ng bahagya ng kaniyang asawa ang tagiliran ng mga bata

"Okay that's enough, I guess it's time for us to eat? baka nagugutom na yung mga bata." Ani Vicente na sinang-ayunan naman nila

Sinubukang buhatin ni Magda ang dalawang bata ngunit hindi niya kinaya,  nakanguso pasiya sa tuwing hindi siya nagtatagumpay.
Nakita iyon ni Dough kaya lumapit ito sa gawi nila at kinuha si Echo.

"Babe, you can always ask for my help if you want to, di naman halatang na miss mo talaga yung mga bata eh no?" Ani Dough habang nakangiti

Saglit lamang siyang sinulyapan ni Magda, agad na kasi itong nagpatiuna sa paglalakad patungong Dining area.

Di nakaligtas sa mga mata niya ang pamamaraan ng paglakad nito, Megan walk with poise. Hindi parang pakawalang palaka.

Ayaw niyang mag-isip ng masama dahil tunay na napakasaya niya ng makita ang pakikipagkulitan nito sa mga anak ngunit hindi niya rin naman maiwasang di magtaka sa inaakto ng Asawa. Bakit—tila yata ibang Megan ang nakikita niya ngayon?

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon