____
Sakanilang kwarto
Kakatapos lamang maligo ni Magdalena at naka-bathrobe lamang siya ng siya ay lumabas ng banyo. Lumilipad kasi ang kaniyang isipan—ibig niyang mainis sa sarili. Kung di sana siya nagloloko noon baka nakapagtapos pa sana siya ngayon kahit Elementarya man lang.
Ni Di siya gaanong makaintindi ng Ingles—'Bobo' yan ang palaging tawag sakaniya ng mga Estudyanteng nakakaaway niya noon. Mga estudyanteng nasa baitang siyam at sampu.
Napangiwi nalamang si Magda ng kaniyang tunguin ang Malaking aparador ng kwarto.
Ng bigla niya nalang maramdaman ang matipunong braso ni Dough na pumulupot sakaniyang bewang habang ang mukha nito'y isinisiksik sakaniyang leeg
Nasa ganoon lamang silang ayos nang magsalita si Dough
"I think it's time for you to go back to School Love." Bulong nito sakaniyang tenga na tila dala sakaniya ay kuryente
Hinarap niya ito upang titigan sa mga mata
"Anong sinabi mo?" Di kasi niya iyon gaanong naintindihan
"Ang sabi ko, pag-aaralin kita." Ani Dough na ang mga kamay ay nagsisimula nang tanggalin ang tali ng suot niyang Bathrobe
Ng mapansin niya iyon ay agad niyang pinalo ang kamay nito saka mabilis na pinandilatan. Tumawa lamang si Dough at sinundan siya sa paghakbang patungo sa kama.
Inis siyang nagtungo roon
"Pag-aaralin mo ako? bakit-Bobo narin ba tingin mo saakin Dough?"
Mabilis na umiling ang lalaki
"Hindi ah—katunayan nga niyan ikaw lang ata ang pinakamatalinong babaeng nakilala ko—"
Tinapunan niya ito ng Unan kaya di nito natapos ang sasabihin
"Echosero!"
"Totoo yun! I mean—in a way na.. Mas pinipili mong gumawa ng tama kesa sa mali. Yung ganoong klaseng katalinuhan Magda."
Nginitian niya ito ng mapakla
"At itong makikipag Relasyon ko sa iyo sa tingin mo hindi ito Pagkakamali?" Mariin niyang sambit
Na ikinagulat ni Dough
"Iba naman ata itong saatin Magda, Ikaw yung dapat na asawa ko hindi si Megan. Ikaw dapat—"
"Ngunit hindi nga ako Dough!" Sigaw niya
Tila napadta si Dough sakaniyang kinatatayuan
"Bakit Magda? Mali na ba talaga na ipaglaban natin ang pagmamahalan natin?"
Napairap si Magda ng mata, Naiinis siya sa sarili dahil nasasaktan siya sa tuwing isinasampal sakaniya ng Realidad na Wala siyang karapatan kay Dough sapagkat kahit saang angulo man tignan Impostora parin siya, kabit—hindi tunay na Asawa ng lalaking mahal niya!..
"Ipaglaban? Paano Dough? Paano! sige nga sabihin mo nga! Paano mo sasabihin sa mga bata na hindi naman talaga ako ang tunay nilang Ina? paano mo ako ipapakilala sa mga magulang mo! sa lahat! sa pangalan ba ni Megan o pangalan ko? sige nga! Ang hirap—hirap ng sitwasyon ko alam mo ba yun! Kung bakit—kung bakit ba kasi ako nagpadala ulit sa nararamdaman ko!" Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ng dalaga sa kaniyang mga pisngi
Kanina niya pa iyon pinigil ngunit hirap siya—Isipin niya palang kung paano pag bumalik na ang kaniyang kapatid, paano nasiya?
Hindi lang Relasyon nila ni Dough ang Magtatapos kundi pati narin sila ng kaniyang kakambal—bagay na pinaka-ayaw niyang mangyari lalo pa't matagal na siyang nangungulila rito.
"Magda kaya kong gumawa ng paraan! If only you could wait!" Ani Dough na gaya niya ay sumisigaw narin
"Ewan ko sa'yo! Pwede ba wag mo akong ini-Ingles! Hah! sabagay nakapag-aral ka nga naman—"
"Magda ano bang problema mo! Gusto lang naman kitang pag-aralin dahil naaawa ako sa iyo, gusto kolang namang tumulong!"
Hindi na lamang sumagot pa si Magda, bagkus kaniyang tinalikdan si Dough at padabog siyang naupo sa kama.
Saglit na katahimikan ang namayani sa buong silid—walang ni isa ang nagsalita.
Parehong nakikiramdam lang sa bawat isa.. Hanggang sa si Dough narin mismo ang nagwasak sa katahimikang iyon. Hindi niya kaya..."Kung ayaw mong mag-aral, ako nalang ang magtuturo sa iyo. Pa-konti konti basta ba meron."
Hinawakan niya ang magkabilaang kamay ni Magda
"Magda look, Hindi porket gusto kitang pag-aralin ay tingin ko na agad sa'yo bobo na. No! Kahit kailan hindi ka naging bobo sa paningin ko Magda, Oo nga hindi ka nakapagtapos but that doesn't mean na bobo ka na agad. Hindi lahat ng nagtapos matalino Magda, gaya lang rin ng mga di nakapagtapos bobo na. Don't say something that you are not. Mahal kita, Mahal na mahal. Naiintindihan mo ba yun?"
Malungkot ang mapupungay nitong mata nang siya ay sulyapan..
"Ngunit nakakahiya ako Dough, pag nalaman ng pamilya mong Wala man lang akong natapos—"
"Ke-nakatapos kaman o hindi Mahal parin kita, at ipaglalaban kita. Maniwala ka naman sa sarili mo oh' for once."
pinunasan ni Dough ang kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi, saka siya nito ginawaran ng mainit na halik nasiya namang kaniyang tinanggap. Saglit lamang iyon pagkat iginiya siya nito sa dibdib upang yakapin
"Hindi na ako papayag pang mawalay ka ulit saakin Magdalena, Akin ka na noon paman—at mananatiling akin ka magpakailan man." Sinsero nitong sambit..
Tila kumalma si Magda sa narinig, at kahit pa nahihirapan parin sa kanilang sitwasyon ay napangiti narin siya ng mga katagang iyon ng Lalaki.
BINABASA MO ANG
"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]
RomanceBuong lakas na itinulak ni Dough si Magda sa harap ng malaki nilang Frame sa Kasal. Ibig niyang ipamukha kay Magda ang Kasinungalingan nito, Marahas niya itong Iginawi sa harapan ng Litrato, Umaalab ang kaniyang dibdib sa labis-labis na galit para r...