CHAPTER 15

973 35 3
                                    

________

Sobrang nagimbal si Magda sa natuklasan sa nakaraang araw.

Kaya minabuti niya na munang hindi pansinin si Dough upang ng sa gayon ay siya ay makapag-isip. Ibig niya naring kausapin si Megan ngunit naguguluhan pa siya kung ano ang kaniyang sasabihin..

labis na kahihiyan naman ata kung sasabihin niya kaagad sa kapatid ang natuklasan.. Mahirap iyon sapagkat nasa malayo pa si Megan, mainam nalang sigurong sa pag-uwi niya na ito kausapin ulit

"Excuse me maa'm Megan, may sulat po galing sa class adviser ng kambal, ipinaabot po saakin ng Guro kanina bago po ang uwian."

Kunot noo niyang sinulyapan ang sobre na inaabot sakaniya ng katulong, Anong gagawin niya? ni hindi siya marunong magbasa?

Muli niyang nilingon ang katiwala, waring nag-aantay ito na buksan at basahin niya ang sobre, napalunok siya dala ng kaba.

"What's that?" bungad sakanila ni Dough, kakagaling lamang nito sa sarili nitong Opisina.

Napadta siya sakaniyang kinatatayuan ng mapansin ang mga mata ng lalaki na sa hawak niyang sobre nakatingin. Oh no! Ayan na naman at wala na naman siyang choice! Ayaw niya pa sanang kausapin ito ngunit anong magagawa niya e' mukhang kailangan niya na ata ang tulong nito, No! Kailangan niyang talaga!

Madali niyang iniabot ang sobre sa lalaki't nakangiting nilingon ang katiwala na ngayon ay puno na ng pagtatakang nakatitig sakaniya, hindi niya nalamang iyon pinansin

"S-sulat raw galing sa guro ng mga bata." Aniya kay Dough

"Binasa mo na ba?"

Umiling siya

"Hindi pa, Ikaw na magbasa! tutal naman anak mo mga yun!" kunwari natatawa niyang sambit

"ngunit anak mo rin ang mga yun maa'm Megan." sabat ng katulong

"Ay oo nga pala—I mean alam ko uhm—"

Napansin ni Dough ang pagkabalisa ng dalaga kaya naisip niyang paalisin na ang katulong.

"Sige na manang bumalik ka na sa trabaho mo, Kami na ang magbabasa nito."

pagkasabi nun ng lalaki ay agad namang sumunod ang katulong, may pahuling lingon nga lang ito sakaniya na sinabayan pa ng pag-ngiwi

Di nalamang niya muli iyong pinansin.. Napapitlag pa siya ng maramdaman ang paghapit ni Dough sakaniyang bewang, Di siya agad nakatutol sapagkat muli niyang nilingon ang katulong, hindi pa ito gaanong nakakalayo kaya di paniya pwedeng itulak ang lalaki

"Dough!" may himig pagbabanta niyang sambit

"Let's go to our room honey, dun natin to basahin at pag-usapan." Magiliw na saad ni Dough na tila sinasadyang lakasan ang boses upang madinig ng tila nagdududa ng katulong

Gusto man niyang tumutol wala narin siyang nagawa kundi ang sumabay nalang sa agos.

Nagkaroon lamang siya ng lakas ng loob na maitulak ang lalaki ng sa wakas ay nasa loob na sila ng kwarto

"Hindi mo naman kailangan na paulit-ulit nalang na hapitin ako sa bewang sa tuwing may nakakakita saatin ano!"

"So gusto mong lalo kang pagdudahan ni Manang ganun ba? kita ko sa mga mata nung matanda na nagdududa nasiya sa'yo, kahit na nung una ka palamang na dumating dito. Kilala ko si Manang Magda, gaya ko madali rin siyang makahalata." Mahabang lintanya ni Dough, humakbang ito ng kauti patungo sa kama at naupo roon saka nito pinasiya ng buksan ang sobre at basahin ito

Bagsak ang balikat ni Magda na sumunod rito't naupo narin katabi nito, kahit di siya marunong magbasa ibig niya paring maki-usyoso sa nilalaman ng sobre

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon