CHAPTER 13

918 39 2
                                    

____

Sabado ng Umaga

Naisipan ni Magdalena na maglinis ulit, Wala naman si Dough sapagkat nagbalik trabaho na uli ito kaya malaya siyang maglinis ng bahay ng walang asungot sakaniyang paligid!

Wala ngayon ang kambal sa bahay sapagkat inaya ito ng kapatid ni Dough na si Emma lumabas kasama nila ng asawa nito, bayaw ni Dough. Ang dalawa naman nilang katulong ay pinag Day—Off niya na muna, tutal naman ay sa tingin niya kaya niya lahat ng gawain sa bahay.

Una niyang nilinis ang buong bahay gamit ang Vacuum, pagkatapos ay nag map nasiya. Pagkatapos niyon ay naisipan niyang magluto ng Lunch dahil naisip niyang kumain pagkatapos niyang malinis lahat.

Tanghali na ng matapos nasiya  sa paglilinis kaya sinunod niya na ang pagpapalit ng mga Kurtina.

Tapos narin siyang linisan ang Opisina ni Dough, It's time for her to rest now. Bago siya maliligo ay kakain na muna siya.

________

Nasa kalagitnaan siya ng kaniyang pagkain ng madinig niya ang sasakyan ni Dough sa labas ng Gate.

Dagli siyang nakaramdam ng Kaba, mali basiya na pinag-day off niya ang mga kasambahay? at ngayon ay sila nalang dalawa sa bahay?

'TULONG' yan ang gusto niyang isigaw sa mga oras na iyon

"Pakibukas ng gate manang!" Dinig niyang tawag ng lalaki sa katulong ngunit wala ni isang katulong sa bahay maliban sakaniya..

Bagsak ang balikat niyang tinungo ang labasan at tinungo ang Gate at pinagbuksan ang lalaki, Nangunot ang noo ni Dough ng makitang si Magdalena ang nagbukas ng Gate.

"Where's the maid?" maang niyang tanong ng kaniyang ipinapanhik sa garahe ang kaniyang sasakyan. Pagbaba niya'y naabutan niya pa si Magda na nagsasara ng Gate.

Napangiti siya't kibit balikat itong tinitigan mula ulo hanggang paa..

Nakasuot lamang ito ng puting sando at maikling loose na summer shorts. Inantay niya itong matapos sa pagsasara ng Gate..

"Ay buang ka kabayo!" Naibulalas ng dalaga ng makita siya sa harap nito, di niya kasi napansin ang lalaki, akala niya pumasok na ito ng bahay

"Ako? kabayo?" [Smirk]

"Oo!" Taas noong sagot ni Magda pagkuwa'y nagpatiuna na itong pumasok ng bahay at iniwan siya

"Ang gwapo kong kabayo! [Chuckles]"

"Ang yabang mo, kumain ka na ba?" Kahit naiinis siya dito, di niya parin mapigilang tanungin ito kung kumusta na ba ito o kumain na, parte iyon ng pagpapanggap niya bilang asawa.. wala ng iba.

Hindi sumagot ang lalaki, bagkus lumapit lamang ito sakaniya't niyakap siya sa bewang, at sa di inaasahan na inamoy nito ang kaniyang kili-kili

"Dough!!" singhap niya sa ginawa nito

"Ang asim ah! [Chuckles]" Anito na sinabayan pa ng pag-ngiwi

"Eh sino ba naman kasi ang nagsabi sa iyong amuyin mo ang kili-kili ko! shempre maasim yan ano! kakatapos ko lang maglinis!"

"Linis? bakit nasaan ang mga katulong?" Tanong nito bago siya pakawalan, Tumungo ito sa Ref at kumuha ng tubig, sinalin nito iyon sa hawak na baso pagkatapos ay ininom niya iyon.

"Ahh—pinag DayOff ko." Maikli niyang sagot

"Day—off? Bakit?"

"Wala lang, gusto kolang silang magpahinga bakit masama ba?" pagtataray ni Magda

Tumawa lang si Dough, Umupo ito sa bakanteng silya katapat niya. Pinagmamasdan siya ng mataman habang ang mga ngiti nito'y hindi mapawi-pawi ewan ba niya kung bakit.

"Eh yung mga bata?"

"A-yun, inilabas ni Ate Emma at ng bayaw mo." Naiinis nasiya sa mga titig sakaniya ng lalaki, hindi nasiya nagiging kumportable.

Upang makaiwas ay umalis nasiya sa kusina't humakbang na papanhik sa kanilang kwarto, ibig niya nang maligo at ng sa gayon ay makapagpahinga nasiya.

"Sandali!" Maagap nitong pagpigil sakaniyang paghakbang

"Bakit ba!"

Ngumiti ng Pilyo si Dough, Dahilan upang mapalunok si Magdalena..

"A-anong ngini-ngiti ngiti mo riyan!" Kinakabahan niyang turan dito

"Wala ang mga bata, Pinag day-off mo yung mga katulong therefore wala din sila.. Tayo lang, I guess it's time for us to make a baby [Grin]"

Dough tried to pull her closer pero mabilis siyang kumawala

"A-anong make a baby! G-gumawa kang mag-isa mo!" Pagkasabi nun ay tumalikod nasiyang muli at upang hindi siya mahabol ng Lalaki'y tumakbo siya ng napakabilis hanggang sa makarating siya sakanilang kwarto. Ngunit sa ikinamalas-malas niyanga lang, tumakbo din pala ito't hinabol siya.. kaya pagkasara niya palang sa ng pinto ay biglang may matipunong mga bisig na ang pumigil rito't mabilis na naitulak ang pinto para bumukas at iniluwa mula roon si Dough.

Pumasok ito't isinara ang pintuan

"Dough! kung ano man yang iniisip mo itigil mo yan, h-hindi tama! Mali! maling mali!" Singhal niya rito sinabayan pa ng pagku-kruz ng kaniyang mga daliri, animo'y Demonyo ang lalaki na kaniyang pinapaalis.

"What's wrong in making love with my wife? hindi ba't kasal tayo? Asawa mo ako. Asawa kita.. I don't see nothing wrong with that."

"Hindi! Mali to, Lumayo ka nga saakin!" Pilit niyang pagtaboy rito

Mas lalo pang tumindi ang kabang namutawi sakaniyang buong kaibuturan ng makitang hinuhubad na ng lalaki ang Suit nito.. maging ang polong puti nito sa loob, naiiwan nalamang ang necktie at slacpans nito

Hindi na kaya ni Magdalena ang nakikita, Hindi na ito tama. Pumayag siya sa plano para lamang mailigtas ang pagsasama ng kaniyang kapatid at ng asawa nito kahit pa nasa malayo si Megan, Pagpapanggap lang hindi kasama dun ang pagpapaubaya niya sakaniyang sarili para lamang isipin ng lalaki na asawa talaga siya nito, nasiya talaga si Megan!

Hindi niya na kayang magpanggap pa kung ganito lang rin naman pala ang sasapitin niya.

"Let's go honey.." ani Dough sa baritono nitong tinig

Hinapit uli siya nito sa bewang nasiyang ikinakilabot niya.

"WAG!" Sigaw niya't mabilis na itinulak si Dough dahilan upang mawala ito sa balanse't tumama ang likod sa Doorknob ng pinto

"Aray!" Daing nito habang pilit na inaabot ang likod

"Sorry sorry sorry! sorry!" Ani Magda na di napigilang umiyak.. Inaamin niya namang naging pasaway siya noon. Ngunit ang pagpapanggap na ginagawa niya para sakaniyang kapatid ay tila sobra na, ayaw niyanang magsinungaling natatakot siya. Isa iyon sa paulit-ulit na pangaral sakaniya noon ng madreng si Jasmine, Sumama siya sa Maynila sa pag-aakalang makikita niyang muli ang kaniyang kapatid di naman niya inakalang ma-ko-corner pala siya at pagpapanggapin siya ng mga ito.

Kinabahan si Dough ng makita si Magda'ng umiiyak, tila nakalimutan niya ang sakit ng pagtama ng kaniyang likod sa Doorknob. Agad niyang nilapitan ang Dalaga't inalo ito.

"Hey, hey, I'm sorry okay? Oo na hindi na tayo gagawa ng baby nagbibiro lang naman ako eh, I'm just trying to tease you.. Tahan na please?"

Umiling-iling si Magda..

"Hindi kasi tama Dough.. Nahihiya ako na natatakot, Ang totoo kasi niyan—" Saglit siyang tumigil sa pag-iyak at pinunasan ang kaniyang mga luha bago muling tinitigan ang lalaki sa mga mata nito, buo na ang kaniyang loob. Wala nasiyang pakialam kesyo magalit man si Megan sakaniya.. Hindi na niya kaya pa ang magpapanggap, gusto na niyang bumalik sa Probinsya. Mabuti pa dun, kahit na mahirap lamang siya at araw-araw na sumasayaw sa kalye makabenta lang ng sampaguita ay masaya naman siya dahil sakaniyang mga kaibigan, Hindi niya na kinailangan pang magpanggap. Mahal siya ng mga tao roon sa kung sino ang totoong siya.

"Ang totoo niyan—Hindi ako si Megan.. Hindi ako ang asawa mo. Ako si Magdalena Luna, ako ang kakambal ni Megan.. S-sorry! Pumayag lang naman akong magpanggap kasi—"

"I Already know you not her, you are Magdalena.." 

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon