CHAPTER 12

931 37 1
                                    

______

Nag-iwas nalamang ng Mukha si Magdalena at ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aayos, Kinuha niya sa isang parihabang kahon ang kaniyang susuoting sandals na may 4inches heels, as usual. Meron pa ngang ibinigay sakaniyang 6inches ngunit pakiwari niya'y hindi na niya yata kaya pang isuot yun sa sobrang haba.

Nasa kalagitnaan nasiya ng kaniyang pagsusuot ng sapatos ng Biglang lumuhod sa harapan niya si Dough, napapitlag pa siya ng gawin iyon ng lalaki lalo pa ng agawin nito sakaniya ang isang pares ng kanyang takong

"Akin na Dough!" Pilit niyang binabawi iyon sa lalaki ngunit sadyang mas mahaba ang kamay nito kung kaya hindi siya nagtatagumpay

"Kainis to!" Inirapan niya ito

"[Chuckles] Let me put it for you." He said smirking, pagkuwa'y sinimulan ng isuot sakaniyang paa ang sapatos

Panay ang paglunok niya ng laway ng mapadapo ang kaniyang mga mata sa matikas nitong pangangatawan.

'Wag mong titigan Magda! magkakasala ka sa kapatid mo!' pangaral niya sakaniyang sarili

"Done!" Napapitlag siya ng muling magsalita si Dough at ng kaniya itong titigan ay tila ba napakasaya nito ng may ma-acomplish kahit pa kaunting bagay lang

Dahilan upang mapangiti narin siya rito, Nakangiti pa siya ng muling mag-angat ito ng mukha-kaya nagtama ang kanilang mga mata

Hindi bumitaw sa titigan si Dough, para bang Ang saya-saya nito, ni hindi niya na makita ang poot sa mga mata nito noong nakaraang gabi, napalunok siya ng muling makadama ng kaba kung kaya siya nadin ang agad na nag-iwas ng tingin, at nagpasiya nang tumayo.

"Ah-magbihis ka na, mauuna nalang ako sa baba." Pag-iwas niya rito

"sandali."

'Bakit na naman ba!' gusto niya nang isigaw iyon sa lalaki ngunit pilit nalamang niya itong hinarap muli

"B-bakit?"

"You look beautiful. As always.." Seryosong saad nito na pakiwari niya'y naging dahilan ng agarang pag-iinit ng kaniyang pisngi.

Nag-pikit siya ng mata at humugot ng hininga sabay buga, bago niya ito nginitiang muli. Sinusubukan niyang maging casual o di kaya'y maging maayos ang pakikitungo rito, ngunit papaano niya iyon gagawin gayong sa tuwing magkakasama sila ng lalaki ay labis-labis na kaba ang kaniyang nararamdaman? Ngayon lamang ata siyang muli nakadama ng ganoong klase ng kaba kung kaya nangangamba siya na baka pag-nagpatuloy pa siya sa kaniyang pagpapanggap ay baka lumala lamang ang kabang iyon..

Kabang alam niyang hindi nararapat sapagkat Asawa si Dough ng kaniyang kapatid..

Di naniya sinagot ang lalaki bagkus siya ay tumalikod na at nagmamadaling lumabas na ng kwarto.

Sakto namang nagsipagdatingan na ang mga bisita, kaya gumuhit siya ng matamis na ngiti sakaniyang labi at nagsimula nang salubungin ang mga bisita na kung tutuusin ay wala siya gaanong kilala, maliban sa Magulang ni Dough, magulang ni Megan kasama ang mga bata pati na matalik na kaibigan ni Dough na si Marcov

"Megan! Oh wow you look so stunning dear!" salubong sakaniya ni Esperanza, Ina ni Dough

"H-hello mommy, uh-m kayo din po ang ganda-ganda niyo." balik niya rito na totoo naman sapagkat sa edad na sincuenta ni Esperanza ay di parin maikakaila ang gandang taglay nito, Namana ni Dough ang kaniyang mga mata sa ina. Napakaganda.

"Oh dear don't flatter me naman, [Chuckles]Where's Dough?" Anito

"Ah nasa taas pa po nagbibihis."

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon