CHAPTER 24

864 34 5
                                    

_____

Nagising si Dough dahil sa napakaraming halik na natatanggap niya mula sa Asawa, halos pudpurin siya nito ng halik sa mukha kung kaya natatawa siyang nagdilat ng mata at agad na hinagilap ang kamay ng Asawa upang hilain ito sakaniya

Ngunit mabilis na umiwas ang babae't Natatawang lumayo sakaniya

"Why?" Naalimpungatan niyang tanong sa babae ng maramdaman ang paglayo nito, nakakunot ang kaniyang noo na mabilis ding napawi ng mapansin ang dala-dalang tray nito na naglalaman ng pagkain

"Goodmorning Hon, breakfast in bed?" She said sweetly

Di mawari ni Dough kung bakit napawi ang kaninang ngiti sakaniyang labi ng makita ang ayos nito, She's Wearing make up with heels and a floral fitted dress na halos iluwa na nito ang kaniyang kaluluwa

"Ano yan? bakit ka nakadamit ng ganiyan?" Aniya sa medyo naiiritang tono

Oo at Asawa niya si Magda, ngunit hindi parin siya sanay na makita ito sa mga damit na masyadong kita ang kaluluwa. Sa nakaraang gabi ng pagnanaig nila ay may napansin siya.. Marami itong Nunal sa katawan just like Megan.. Ngunit si Magdalena ay kakaunti lang?

Inis niyang nahilamos ang kaniyang mukha sa kawalan. Di naman iyon nakalagpas sa babae kung kaya agad siya nitong nilundagan sa kama ng wala man lang hubad-hubad sa sandals nitong may mahabang takong

"Oh come on Honey, please don't give me that look—I just.. I just want to look good in your eyes kaya.. Kaya ako nagdamit ng ganito, but if you don't want me to wear as revealing as this then I'll change right aw—"

Agad na natigilan ang babae ng mapansin ang mga nanlilisik na Mata ni Dough sakaniya, kinabahan siya at napalunok.

"H-honey?" Nauutal niyang sambit

"Stop fooling around Megan, I know it's you." Diretsahang tugon nito

Na tila nagpaigdad sa babae kung kaya halos muntikan na itong malaglag sa kama, Napadta siya sakaniyang kinatatayuan at halos di makapaniwala sa sinabi nito..

Paanong..

"T-teka Dough anong pinagsasabi mo? This is me, Magda!" Anito sa sumisigaw nang tono

"Then why do you act so surprise and defensive at the same time huh?" He said still in a serious tone

Na mas lalo lamang nagpayanig sa kaharap, Sa sobrang gulat na ay tumayo na ito't kinakabahang tinungo ang doorknob ng pinto

Nanatili paring walang emosyon ang mukha ni Dough habang nanatili ang mga mata sa babaeng ngayon ay tila binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan. He smirked.

"A-alam mo, Baka g-gutom kalang.. Kumain ka na muna at magpalamig ha? I-I'll just go check the kids para matawag ko na rin sila sa hapag.. Sige!" Anito ng nakaiwas ang tingin

Saka lamang nakahinga ng maluwag si Dough ng tuluyan na ngang makalabas ang babae sa silid. Hindi niya alam kung saan nang-galing ang mga nasabi niya rito, basta't ang alam niya lang ay may mali—sa mga kinikilos nito, pananalita at pananamit.. Even the shape of her body is different.. Its more like Megan.

Nahilamos niya ang sariling palad sa mukha dahil sa frustrations

"I need to know the truth!" aniya

Kailangan niyang malaman ang totoo kahit pa malakas na ang kaniyang kutob na hindi na si Magda ang babaeng kasama sa bahay. He want a better proof!

______

Club

Maingay, malakas ang tugtog. Just like the usual..

"Are you sure Pare sa binibintang mo sa asawa mo? baka naman nagkakamali kalang?" ani Marcov na kasama niya ngayon sa Club, pareho silang umiinom ng Liquor

"I don't know pare, pero kasi kabisado ko na halos si Megan.. Gayon din si Magda. They may look the same but they are two different people with a different personalities, I know and I felt it. Hindi na si Magda ang nasa bahay.. It was Megan Pare! It was her!" Aniya sabay muling tungga ng alak sa bote

Tumango-tango si Marcov

"Okay, let's say na tama ka nga sa hinala mo but? where is Magdalena then? kung si Megan na ang nakakasama mo ngayon sa bahay then where's Magda? di'ba? Ba't di man lang natin nabalitaang nakabalik na pala si Megan sa pinas? I'm just curious you know" Anito sabay taas ng kilay

Kinunutan niya ito ng noo

"Curious? Pare you know me! pag naghinala ako alam mong tama iyon. I just need to find the truth, and proofs I need to find my wife! Magdalena.. Kung saan man siya dinala ni Megan" Tiim bagang niyang sambit

Sunod-sunod na nilagok ni Marcov ang bote ng alak na hawak bago tinapunan ng tingin si  Dough

"So Kinidnap ni Megan si Magda ganun? tss—Do you think kayang gawin ni Megan yun sa mismong kakambal niya?"

Umiling na lamang si Dough sabay buntong hininga sa kawalan

"I don't know pare, Ang alam ko lang may mali at kailangan kong hanapin ang asawa ko, I'm too worried that there's something bad might happen to her. Hindi ko na kakayanin yun, I can't lose her.. I can't!" He said dearly, di namalayan ang mga luhang lumandas sakaniyang mga mata

Isipin niya palang na hindi na si Magdalena ang nakakasama niya sa kaniyang pamamahay ay nasasaktan na siya. Matagal na panahon ang nagdaan ng hindi niya ito nakikita, ang dami nang nangyari at sa isang iglap nga na matagpuan niya na ito'y bigla nalang rin ba itong mawawala na parang bula sa buhay niya? He can't let that happen.. He will find her no matter what it takes! He will find her.

Lasing at halos pa gewang-gewang na si Dough ng siya ay salubungin ng kanilang katulong, nag taxi lamang siya pauwi.

"Where's the kids?" *Hik*

Mabilis ang galaw ng batang katulong at agad siya nitong inalalayan upang maipasok sa loob ng Mansion

"Nasa salas ho sir, naglalaro" tugon nito sakaniyang tanong "gusto niyo ho ba na dalhin ko muna kayo sa salas para makita niyo sila?"

Umiling si Dough, lasing siya at ayaw niyang makita siya ng kaniyang mga anak sa ganoong sitwasyon lalo pa't hindi pa siya nakikita ng mga ito na lasing

"No, take me to my room instead. Ang maa'm mo pala?" He look around kahit pa medyo blurry ang kaniyang vision dahil sa kalasingan, at ng mapansing wala ang babae'y di niya mapigilang magtanong kung nasaan ito

"Ah umalis ho sir, ang sabi niya lang dadalawin niya raw muna ang mga magulang niya. Baka bukas pa uuwi yun." Anito

Na ikinakunot ng noo niya, bakit di man lang siya nito inantay na makauwi? hindi rin ito nagpaalam na aalis—just like the Megan she knew.. Tila nawala ang kaniyang kalasingan ng maisip na naman ang kasalukuyang sitwasyon

Naihatid na siya ng katiwala sakanilang Kwarto at ngayon nga'y kasalukuyan siyang nasa banyo upang maligo upang mahimasmasan.  Pagkatapos ay agad siyang nagbihis at dagling hinagilap sa hinubad niyang Pantalon ang kaniyang Cellphone at may idinial na numero mula roon

Agad namang sinagot ng nasa kabilang linya ang kaniyang tawag

"Hello, I need your Help. I need you to track someone right now asap! send me the information after!" Ani Dough sa ma Awtoridad na tinig

Pagkatapos ay agad niyang pinatay ang tawag at tinungo ang kaniyang Opisina at hinarap ang kaniyang Computer sa lamesang yari sa Salamin. Di na siya nag abala pa na umupo sakaniyang swivel chair, Seryoso lamang siyang nakatitig sa Computer, Waiting for someone's email to pop out.


A/N [Hellow po! Just want to Thankyou all for the "Get well soon" I've recieve and prayers. May GODBLESS you all po, Ilayo niya nawa kayo sa lahat ng Sakit. Salamat ulit! ☺️]

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon