_______
Lunes
Linggo nang si Megan ay dumating sa Pilipinas ngunit imbes na ipaalam iyon sakaniyang mama at papa ay mas minabuti niyang tumuloy nalamang sa isang 5star Hotel kung saan naisipan niyang magstay for two nights, Ibig niya pa muna kasing mamili ng mga regalo para sakaniyang mag-anak at balak niya naring surpresahin ang mga ito sakaniyang pag-uwi, maliban kina Dough at mga bata sapagkat ang alam ng mga ito ay hindi siya umalis
Saglit siyang natigilan ng muling sumagi sakaniyang isipan ang kaniyang hinala tungkol sa kakambal, Di niya mapigilan ang hindi makaramdam ng kaba at kaakibat na takot sa magiging reaksyon ng asawa pag nalaman nito ang katotohanan— na hindi talaga siya si Magdalena..
______
"Oh Dahan-dahan sa pagkain baby baka mabulunan ka." Natatawang saway ni Magda sa batang si Elayza
Kasalukuyan silang nagdidinner , Siya ang nagluto kaya naman mas lalong ginanahan sa pagkain ang dalawang bata maging ang kaniyang asawa.
Napangiti siya sakaniyang nakikita ng maramdaman niya ang kamay ni Dough na ngayon ay hawak na ang kaniyang kaliwang kamay, iginiya ito ng lalaki sakaniyang bibig upang hagkan.
Nahihiya siyang tapunan ito ng tingin sapagkat tila namumulang kamatis na naman ang kaniyang pisngi dahil sa Ideya ng pagtitig ng kaniyang asawa sakaniya.
"Wag mo nga akong tignan ng ganiyan" Nakanguso niyang suway rito na siyang ikinatawa naman ni Dough
"What? Hindi ba pwedeng titigan ko lang ang napakaganda kong Asawa ng ganito?"
Pumangalumbaba pa ito't itinukod ang magkabilaang siko sa mesa, yumuko ito ng kaunti upang hulihin ang paningin niya, Di na niya tuloy magawang galawin pa ang kaniyang pagkain dahil sa hiya
"Ano ba! Dough naman eh!" Umirap siya ng mata
Natigilan lamang sila ng madinig ang mahihinang hagikgik ng kambal, sabay nila itong nilingon
"Go on, Dad and Mom! You can kiss" Ani Elayza na ngumuso pa waring sinisenyas kung ano ang kanilang dapat na gawin
Natatawang umiling nalang si Dough sa tinuran ng anak
"Mamaya magkikiss kami ni Mommy, eat all your food first so you can go to sleep already and gave us privacy."
Agad na hinampas ni Magda ang asawa sa hita at pinandilatan ito ng mata kasabay ng pag ngiti niya ng pilit sa mga bata
"Sira ka talaga, Anong privacy pinagsasabi mo?" Gigil niyang sambit
Ngumisi lamang ang lalaki ng nakakaloko, saka mabilis na sinenyasan ang mga batang tapusin na ang kanilang pagkain. Nagtatanong man ay wala naring nagawa ang dalawa kundi ang bilisan ang pagkain, at ng matapos na nga sila, nagpaalam na agad sila na magtutungo na sakanilang kwarto.
Mahinang hinampas ni Magda ang Asawa ng sa wakas ay nasa Kusina na sila, tapos narin siya sa paghuhugas ng pinggan. Kahit pa may katulong sila ay si Magda parin ang nagprisintang maghuhugas ng pinggan, ayaw niya nang istorbohin pa ang mga katiwala lalo pa't pagod rin ang mga ito sa maghapong paglilinis ng bahay
"Alam mo ikaw pag nandiyan ang mga bata huwag mo namang hayaan na pukawin ka niyang kamanyakan mo, Kita mo nang kumakain pa yung dalawa e' pinamadali mo na—"
Di na natapos ni Magda ang sasabihin ng bigla nalang siyang siilin ni Dough ng Halik. Saglit lamang iyon ngunit nag-iwan iyon ng Labis na kabiglaan sakaniyang reaksyon
"Alam mo kasi hon, naisip ko lang na.. Maybe it's time for the twins to have another baby brother? or maybe—a sister *Chuckles*" Anito sa malanding tono
BINABASA MO ANG
"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]
RomanceBuong lakas na itinulak ni Dough si Magda sa harap ng malaki nilang Frame sa Kasal. Ibig niyang ipamukha kay Magda ang Kasinungalingan nito, Marahas niya itong Iginawi sa harapan ng Litrato, Umaalab ang kaniyang dibdib sa labis-labis na galit para r...