First Kiss
______
Sa paglipas ng mga araw, Naging magkaibigan na sina Magda at ang Binata..
Katunayan ay pareho na nga silang Nagkakaroon ng Crush sa isa't-isa lalo pa ng sinubukan ni Magda ang mag-ayos para sa birthday party ng Binata.
"Ang ganda mo Lena.." Bulong sakaniya ng binata habang sila ay nasa Dining Room, kinikilig naman ang dalaga dahil sa narinig kung kaya tinapunan niya ito ng napakatamis na ngiti
"Ang dami mong sinasabi, ba't di mo nalang kaya saakin sabihin na kanina mo pa ako gustong maisayaw? dami pang pa keme-keme, tara na sayaw tayo!" Masiglang saad ni Mira saka mabilis na hinawakan ang Binata sa kamay at hinila ito patungo sa Dancefloor
"B-but I do not know how to dance?"
"Ha? Wag mo nga akong ini-ingles pwede ba, Di tayo magkakaintindihan niyan eh!"
Natawa nalamang ang binata sa tinuran nito kung kaya nagpasya nalang itong magtagalog.
______
Pakatapos ng Party, Inaya ng Binata si Magda na maglakad-lakad pansamantala, Ihahatid niya rin naman ang dalagita pagkatapos.
"Lena.." Tawag ng Binata sa dalagita..
"Hm?"
"Gusto kita." Nahihiyang saad ng binata
"Alam ko." Confident na tugon naman ng dalagita na pareho nilang ikinatawa
"Ang yabang." Natatawang sambit ng binata, mahina siyang nahampas ni Magda sa braso.
"Biro lang, Pero totoo ba?"
Tumango ang Binata
"Oo, Hindi ko alam kung kelan pero--ang tanging alam ko lang ay totoo ako sa nararamdaman ko." Sinsero nitong saad
Tumigil sila sa Paglalakad ng makita nila ang puno ng mangga, kung saan sila unang nagkakilala..
"Gusto mo bang kumain ng mangga?" saad ng binata, Umiling si Magda
"Hindi, Di naman talaga kasi ako mahilig sa mangga."
Nagulat ang binata sa sinabi niya, sapagkat sa mga nakaraang araw kasi na nakakasama niya ito ay palagi niya itong nakikitang kumukuha ng mangga. Gaya nalang nung una niya itong makilala, kaya labis ang pagtataka niya ng madinig mismo sa dalagita na hindi pala ito mahilig sa mangga.
"Talaga ba? Bakit naman parang ayaw kong maniwala? sa dami ba naman ng manggang nakita ko na kinukuha mo, sa lagay na iyon ay di ka parin ba mahilig sa mangga?"
Umiling si Magda
"Yung kakambal ko ang Mahilig sa mangga." Pagkasabi niyon ay agad na nag-iwas si Magda ng tingin
"Kakambal? Ibig sabihin may kakambal kapa?" Di makapaniwalang tanong ng binata
"Oo, Pero.. Matagal na magmula nung huli kaming magkita, Limang taon na ang nakakalipas kung tutuusin magmula nung may umampon sakaniya. [Sigh] Sa pamamagitan ng Mangga, Naalala ko ulit siya, at kahit papaano napapawi yung pagkamiss ko sakaniya kasi--sa tuwing nakikita ko ang mga mangga, para bang.. para bang pakiramdam ko kasama ko narin siya." Napangiti siya ng mapait sa hulihan niyang sinambit
Malungkot ang mga mata ng Dalagita, kung kaya nalungkot narin ang binata para rito. Hindi niya alam na sa gitna pala ng pagiging masiyahin at palatawa ni Magdalena ay may itinatago rin pala itong Lungkot dulot ng nakaraan.
"I'm so sorry.."
"Okay lang, okay ang ako. Sanay na ako. [Laugh bitterly] Pero alam mo, Hanggang nayon.. Umaasa parin ako, na sana isang araw-makita ko na ulit yung kapatid ko. Ang dami naming masasayang araw noon.. Minsan naiisip ko, kumusta na kaya siya ngayon? Siguro ang ganda-ganda na niya ngayon, tapos mayaman pa.. [Sigh]" may bahid ng lungkot at pangungulila sa tinig ng dalaga, Ramdam iyon ng Binata kaya kaniya nalamang itong niyakap, Upang kahit papaano ay maramdaman ng Dalagita na may Karamay siya sa lungkot na nararamdaman niya.
______
"Lena.. Aalis na ako, Babalik na ako sa Maynila upang doon magtapos ng pag-aaral, pero Lena, bago iyon.. Tanggapin mo muna ito." Sambit na binata, Flight na nito ngunit Tumungo parin ito sa Bahay ampunan upang makita lamang ang Dalagita
"Ano to?" Maang na tanong ni Lena
"Mascara.. for a Mascarade party." Nakangiting sambit ng Binata
"Ano namang gagwin ko dito?"
"Itago mo Lena, tanda yan ng mga ala-ala nating dalawa.. Nabanggit mo saakin dati na pinangarap mong makasama sa isang Mascarade party hindi ba? Kaya itago mo yan. Dahil balang araw.. Makakasama karin sa ganoong klaseng Party, pinapangako ko yan. Ikaw yung magiging Date ko! [Chuckles] Babalikan kita Lena.. Babalikan kita, magkikta pa tayo!"
"Son! We have to go now!" Tawag ng Ina ng binata mula sa sasakyan nito
Ngunit tila ba ayaw humakbang ng mga paa ng binata, He wants to stay, pero hindi pwede. Napakabata pa nilang dalawa.. Ang dami niya pang kailangang Unahin.
Samantalang si Magda namay ay napakababa ng tingin sa sarili, kaya nga hindi niya maamin-amin sa binata na gusto niya rin ito sapagkat nangangamba siya, anong laban niya sa ibang mga babaeng nahuhumaling rito gayong hanggang grade 2 lamang ang inabot niya, ni di siya nakagraduate ng Elementarya mag-aambisyon pa ba siya? 'Wag nalang' Aniya sa isipan
"Lena Babalik ako!"
"Kahit di na, ipagpatuloy mo nalang ang pangarap mo please? Wag mo na akong isipin pa, Maging masaya ka---"
"No, Babalikan kita Lena, at sa pagbabalik kong iyon liligawan kita, Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba kung yun ang ikinababahala mo. Pero sa ngayon, pangarap ko na muna ang uunahin ko, Basta ba, wag ka na munang mag-aasawa ha?"
Napahagikgik si Magda sa tinuran nito, At bakit naman kasi pati pag-aasawa ay kinailangan pang banggitin nito
"Sira ka talaga! Napaka bata ko pa para dun ano! Bilis na, umalis ka na at baka mahuli kapa sa flight ninyo." Aniya habang kumakaway sa binata
Kumaway naman pabalik ang Binata, Ngunit ng di ito makuntento'y Patakbo itong bumaik sa kinaroroonan ni Lena upang Hagkan siya ng Matamis na Halik sa labi..
It was their First kiss..
Parehong tila nakadama na para bang may mga paru-parung nagsisipag liparan sakanilang tiyan, Di nila maipaliwanag ang nadaramang kilig.
"Ang tamis ng labi mo, Hahagkan ko yan Ulit kaya Akin lang yan ah? Bye!" Nakangiting sambit ng binata bago siya nito iwanang nakatulala..
At kumakabog ang dibdib..
BINABASA MO ANG
"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]
RomanceBuong lakas na itinulak ni Dough si Magda sa harap ng malaki nilang Frame sa Kasal. Ibig niyang ipamukha kay Magda ang Kasinungalingan nito, Marahas niya itong Iginawi sa harapan ng Litrato, Umaalab ang kaniyang dibdib sa labis-labis na galit para r...