CHAPTER 5

900 32 1
                                    

Paghaharap ni Magda at ng mga magulang ng kakambal
____

"Find my twin sister Mom! Dad! Hindi ko pwedeng palampasin na naman itong opportunity! this is my dream, matagal na alam niyo yun! please! find her. Mamayang gabi na ang Flight ko papuntang Vegas and I want her here tomorrow! dahil dadalaw rito si Dough, Alam niyo namang hinayaan niyalang akong tumira rito pansamantala dahil nagpalusot lang ako na gusto ko kayong makasama bago ang kasal hindi ba? Find My Sister, Find Magda!" Balisang sambit ni Megan sa mga magulang nasiyang nag-ampon sakaniya

"O-okay, okay ihja calm down. Pero bakit namin siya hahanapin? para saan? ano ang gagawin niya—"

"Gusto kong pagpanggapin niyo siyang ako. Until the day that i will come back."

"WHAT!!?" Halos sabay pang sambit ng mag-asawang Aciencio

"Naririnig mo ba ang sarili mo Megan? Yung kapatid na matagal mo nang hindi nakasama? pagpapanggapin mong Ikaw? nahihibang ka na ba? paano kung malaman nina Dough na hindi naman pala talaga siya Ikaw? Megan you are putting your sister in danger, ikaw! and even us!" ani Vicente

"Dad, Me and my sister are twins. Magkamukhang-magkamukha kami, Hindi nila iyon pagtatakhan." Pursigido niyang sambit

"Ng-ngunit! Anong alam ng kapatid mong iyon? hindi ba't ikaw narin ang nagsabi noon na Bobo ang kapatid mong iyon at walang alam, Isa pa baka nga pati sa itsyura ninyo ngayon ay magkaiba na eh sapagkat ikaw ay nanggaling na sa mayamang pamilya samantalang ang kapatid mong iyon—"

Matalim niyang tinapunan ng tingin ang kaniyang Ama.

"Just do what i say." Maikli niyang sagot ngunit dala niyon ay matinding kilabot sakaniyang mga magulang kung kaya sila ay napatango nalang at walang nagawa kundi sundin nalang ang ipinag-uutos nito.

kinagabihan nga ay flight na ni Megan papuntang Vegas.

_______

Sa gabi ding iyon ay lumuwas sina Vicente at Zasha sa San Angeles. Mabuti nalang at malapit lang ang Probinsiya ng San Angeles sa Luzon kung kaya hindi sila gaanong inumaga sa Flight, Ilang minuto lang ay nakarating na sila doon, Gamit ang Helecopter na Nirentahan nila sa kaibigan nilang Sundalo na si Mc Kenly

Hinanap nila ang Dalaga sa Bahay ampunan kung saan nila noon Inampon si Megan ngunit ang sabi ng mga taga roon ay Gabi naraw kung umuwi si Magda sapagkat nakikipagsalamuha pa ito sa mga batang lansangan sa kalye, Kung kaya naglibot-libot pa sila upang magtatanong para lang mahanap ito.

Hanggang sa makarating sila sa isang Lumang simbahan, Halos sabay pa silang mapasinghap ng makita ang isang Dalaga habang sumasayaw ito ng tila Kantang de kastila, napakagandang bata kahit pa sa simple lamang nitong ayos. Kulot ng bahagya ang mahaba at kayumanggi nitong buhok nasiyang bumabagay lang rin naman sa kayumanggi nitong balat na di gaya ni Megan na maputi. Akala nila'y Hindi na ito gaanong magiging kahawig ni Megan sapagkat di naman ito nakapag-aral at nakapagtapos, Kahit nga ang suot nito'y gustot gusot na duster na ang haba ay hanggang hita lamang nito, napakalaki ng duster na iyon ngunit nagmukha namang maliit dahil sa tangkad na taglay nito.

Kumpara kay Megan ay mas mukhang maligalig si Magda, masayahin at palakaibigan. Halos lahat ng dumaraan ay binabati nito't hindi nahihiyang tumawa ng malakas kahit pa maraming nakatingin, kaya pala giliw na giliw sakaniya ang mga batang pumapalibot sakaniya.

"She look so much like Megan, kulang nalang sa pananamit at kaputian maihahalintulad na nga siya natin kay Megan." Sambit ni Zasha habang nakangiting nakatingin sa dalaga sa di kalayuan

"Bakit nga ba hindi nalang natin sila inampon na dalawa noon? look at this young lady, she seem so joyful." Saad naman ni Vicente

"I'd love to, you know that kaso lang yung Madre noon na humahawak sakanila ang ayaw hindi ba? Now i know why, baka ang batang ito lamang ang nagpapasaya sakaniya kaya ayaw niya itong pakawalan."

"Sabagay."
________

Sa mahabang oras na pagtitig sa dalagang si Magda ay nagpasiya na ang dalawang mag-asawa na lapitan ito.

Bahagya namang nagulat si Magda sa biglaang pagsulpot ng dalawang matanda ngunit saglit lamang iyon sapagkat agad niyang nginitian ang dalawa

"Magandang gabi po sa inyo!" bati nito sakanila na agad din namang ikina-ngiti ng mag-asawa

"Ikaw ang kakambal ni Megan hindi ba?" Anila

Saglit na natigilan si Magda sa tanong nila at Kahit na nagtataka'y tumango ang dalaga

"opo bakit?"

"Sumama ka saamin at dadalhin ka namin sakaniya, matagal ka na niyang pinapahanap saamin mabuti naman at ngayon nga'y natagpuan ka na naming mag-asawa."

Aakma na sanang hahawakan ng ginang si Magda sa braso ngunit mabilis niyang naiwaksi ang kamay nito

"Sandali, sino  po ba kayo? hindi po ako basta-basta sumasama nalang sa kung sinong hindi ko kilala ano!" anito

na ikinamangha ng mag-asawa, kung gayon hindi naman pala ganoon ka mang-mang ang dalaga gaya ng naiisip nila. Napangiti sila rito at nagpasiyang magpakilala.

"Ako si Zasha, Ako ang mommy ni Megan nasiyang umampon sakaniya at ito naman ang aasawa ko na si Vicente, Papa ni Megan. Ng iyong kakambal, i can show you all the proofs but for now please come with us, she barely wanted to see you, she needs your help." anito

"S-sandali Magda baka pagalitan ka ni Sister!" awat ni Eric sa dalaga ng mapansing sasama na ito

"Nagpaalam na kami kay Sister Jasmin Ihjo, wag kang mag-alala. Safe si Magda saamin." Ani Vicente, ngunit kasinungalingan ang sinabi nito tungkol sa pagpapaalam sa Madre sapagkat hindi nila iyon ginawa, ngunit kilala na niya ito sapagkat alam nilang iyon ang Kinikilalang ina ni Magda at Megan noon pa man bago nila ampunin ang kakambal ng dalaga.

"Okay lang ako Eric, babalik din naman ako ah siguro bukas? [Chuckles] Miss ko na kasi si Megan [pout] basta, pangako babalik ako, oh mga bata si kuya Eric niyo na muna ang bahala sa inyo ah?" paalam  ni Magda sakanila

Agad namang bumakas ang lungkot sa mga mata nito maging sa kaibigan niyang si Eric, para bang hindi nasiya babalik.

"Wuy, ano ba kayo babalik ako ngumiti na kayo pakiusap?" ani Magda.. Ayaw na ayaw niyang nakikitang malungkot ang mga ito, Humakbang siya palapit sa mga ito at niyakap ang mga ito ng mahigpit

"Mamimiss ka po namin ate Magda.." saad ng mga bata

"Oo naman alam ko yun, mamimiss ko rin naman kayo pero babalik ako okay? tahan na." aniya

"Bes gaano ka ba kasiguradong sila nga ang
mga magulang ni Meg--"

"Magda tara na, Tumatawag na si Megan." Sabat ni Vicente, Inabot nito sakaniya ang Cellphone na agad niya rin namang tinanggap

Nanginginig ang kaniyang mga kamay ng kaniya iyong igawi sakaniyang tenga. Isang dekada niya na halos di nakita ang kapatid ni maski madinig ang boses nito, kung kaya hindi niya maiwasang hindi kabahan.

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon