_____
Sabado
Pagkatapos nilang mang-galing sa Mall para mamasyal kasama ng mga bata, sinigurado na muna ni Dough na tulog na ang mga anak bago niya muling binalikan si Magda sa Kitchen. Tinutulungan kasi nito ang mga katulong mag-ayos ng kanilang mga pinamili
"Love" tawag ni Dough sa kaniya ng siya ay silipin nito sa kusina
Agad naman niya itong nilingon at tinaasan ng kilay.
"Bakit?" ani Mira
"Get dress, May pupuntahan tayo."
Napakunot si Magda ng Noo, kakarating lang nila tapos aalis na naman?
"Ha? saan? kakarating lang natin diba?"
"Kina Mommy, basta— Antayin nalang kita sa Kotse." Anito saka mabilis nang umalis
Naiwan si Magda na nakatulala, pilit na neririhistro ang mga sinabi nito.
"Kakarating lang namin tapos aalis na naman? tsk." Nakanguso niyang sambit
"Yiee si maa'm oh, alam niyo maa'm pansin ko lang ha? ngayon ko lang ata kayo nakikita ni sir na laging magkasama, tapos madalas ang sweet-sweet pa, nakakakilig! [Chuckles] Dati kasi diba po? madalas kayong wala sa bahay at nasa club lagi kasama ng mga kaibigan mo', mabuti naman po at nagbago na kayo—"
"Maricel!" saway ng mayordoma nila rito
Ngumiti lamang si Magda, Hindi naman kasi siya ang binabanggit nitong 'Dati' dahil si Megan iyon. Kahit papaano'y magaan ang kaniyang loob dahil mabuti ang mga nakikita ng Katulong.
"Ganun ba? Masanay ka na. [smiles]" Nasabi niya nalamang saka nagpaalam na sa dalawa upang tumungo sa Kanilang kwarto at nag bihis, mabilis lamang iyon dahil ayaw naman niyang pag-antayin ng matagal si Dough
"Ready?" tanong sakaniya ni Dough ng sa wakas ay nasa kotse nasiya, katabi nito. Tanging tango lamang ang kaniyang ginawa, kaya sinimulan na ni Dough ang pagbuhay ng makita ng kaniyang sasakyan.
________
VÁSQUEZ
Inalalayan ni Dough si Magda na bumaba ng kotse, saka nila sabay na tinungo ang Mansion ng mga magulang.
"Goodmorning sir, maa'm." bati sakanila ng ginang, napangiti si Magda ng mamukhaan ito. Ito yung dating Mayordoma nina Dough!
"Manang Gracia!" Naibulalas niya na siyang ikinagulat naman ng ginang.
"H-ha? K-kilala mo na ulit ako?" Maang nitong tanong
Lumundag si Magda at niyakap ito ng mahigpit, kahit papaano'y parang naging nanay-nanayan niya na ito noon sa tuwing inaaya siya ni Dough sa bahay nito.
"Aba'y opo naman ano! bakit ko naman po kayo makakalimutan? hindi ba't sa-iyo ko namana itong ganda ko! [laugh]" pagbibiro paniya
Ngunit nanatili paring walang reaksyon ang matanda, kaya pinagtakhan na iyon ni Magda
"Ahh eh? okay lang po ba kayo? di niyo na po ba ako naaalala?" May bahid ng lungkot niyang saad na agad namang inilingan ng matanda
"Aynaku hindi ihja, sadyang naguguluhan lamang ako sa iyo dahil noong unang nagawi ka dito sa Villa ay di mo ako makilala, nung tinanong kita ang sabi mo lang hindi mo na ako maalala—ibig ko pa ngang magtampo sa iyo noon—"
"Manang, She's the real Magdalena." putol ni Dough sa sasabihin ng matanda na mabilis na sinaway ni Magda, naku! baka pati siya mapahamak sa biglaang pagsabi ni Dough nun.
BINABASA MO ANG
"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]
RomanceBuong lakas na itinulak ni Dough si Magda sa harap ng malaki nilang Frame sa Kasal. Ibig niyang ipamukha kay Magda ang Kasinungalingan nito, Marahas niya itong Iginawi sa harapan ng Litrato, Umaalab ang kaniyang dibdib sa labis-labis na galit para r...