____
Kakatapos lamang maglinis ni Magda sa Ikaapat hanggang sa ikalawang palapag ng Mansion, at ngayon nga'y nasa baba na siya. Siya lamang kasi ang tao sa Mansion sapagkat ang dalawang bata ay nasa mga magulang ni Dough, ang tatlo naman nilang katulong ay ipinag-Day off niya.
Si Dough, Nasa Masbate for a business trip. Ayaw nga nitong umalis at kung aalis man daw ay gusto nitong kasama siya, ang kaso tumanggi siya dahil wala naman siyang alam sa business-business na iyon, isa pa. Nalulula siyang sumakay ng Eroplano ulit, natrauma na siya.
Labag man sa loob, wala naring nagawa si Dough lalo pa't Utos iyon ng kaniyang Ama, Maliban kasi sa pagiging politiko ng Ama nito ay may mga business rin ito na kinailangang asikasuhin, silang dalawa ng kaniyang kapatid ang nag-aalaga niyon kahit pa Abogado si Dough ay may alam rin naman ito sa Business sapagkat pinag-aralan niya rin ito noon kahit pa dalawang taon lang.
Malalaking kliyente ang kikitain ng Asawa sa Masbate kaya kahit pa ayaw nitong umalis ay pinilit niya ito. Mahirap na baka magkatalunan pa ang Mag-ama dahil dun
Kasalukuyan siyang nag ma-map ng sahig ng siya ay makarinig ng sunod-sunod na Doorbell mula sa labas. Nangunot ang kaniyang noo, sino naman kaya ang bibisita sa kanila e' Wala naman rito ang kaniyang asawa, maging ang mga bata ay wala rin.
Saglit niyang itinigil ang kaniyang ginagawa at nagtungo sa labas, Di na niya sinilip pa sa labas kung sino ang nag-do-doorbell, basta niya nalang ito pinagbuksan
"Sino po si—"
Namilog ang mga mata ni Magda at tila ba siya ay binuhusan ng malamig na tubig dahil sakaniyang nakita
Di niya mapigilan ang hindi mapauwang ang bibig, Takot-kaba ang namutawi sakaniyang sarili at kahit pa gulat ang kaniyang itsyura ay mababakas parin sakaniyang mga mata at mukha ang takotDahilan upang mapangiti ng nakakaloko ang kaniyang kaharap, tila nasiyahan ito sakaniyang naging Reaksyon
Nagtaas ito ng kilay sabay tanggal nito sa suot na sunglasses, Mas lalo lamang napadta si Magda sa nakita. Nailunok niya ang kaniyang sariling laway dahil sa kaba
"Hello my dear twin sister."
Ngumisi ito na animoy isang demonyong nakakita na naman ng bagong bibiktimahin
Hindi nakasagot si Magda, Hindi niya alam kung ano ang isasagot—kung nasa hindi alanganing sitwasyon lang sana sila ay baka sinalubong niya pa ito ng yakap ngunit—iba, Iba na ang sitwasyon nila ngayon..
Napansin ata ni Megan ang kaniyang pagkatulala kaya mas napangisi ito
"Ohh? Did i sacred you?" Nagkunwari pa itong nagulat ngunit kinalaunan ay ngumiti narin ng mapakla "Dapat lang!" Asik nito
Na ang kaninang nakangiting pilit na awra ay napalitan na ng nanlilisik na mga mata at punong-puno ng poot na nakatitig sakaniya
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa sarili kong pamamahay ha? kakambal ko!" Anito na ikinataranta niya
Agad siyang gumalaw kahit pa nanginginig ang kaniyang mga paa, mas lalo niyang binuksan ang Gate upang makapasok ito, at ng tuluyan na nga itong makapasok ay saka naman siya nito sinampal ng Papel na hindi niya namalayang hawak pala nito kanina
"M-Megan.." Naibulalas niya, nagtataka siyang napatingin rito ngunit mabilis rin siyang napayuko ng makita ang nanlilisik nitong mga mata na nakatitig sakaniya
"Wala ka bang sasabihin saakin ha? kapatid ko?" Pilit itong ngumiti
Nangunot ang noo ni Magda, Di niya ito maintindihan.. Dahil sa labis na kaba ay tila natatabunan na nito ang tamang pag-iisip niya, Hindi niya inexpect ang pagdating nito.. At sa araw pa mismo na wala ang kaniyang Asawa
BINABASA MO ANG
"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]
RomanceBuong lakas na itinulak ni Dough si Magda sa harap ng malaki nilang Frame sa Kasal. Ibig niyang ipamukha kay Magda ang Kasinungalingan nito, Marahas niya itong Iginawi sa harapan ng Litrato, Umaalab ang kaniyang dibdib sa labis-labis na galit para r...