CHAPTER 6

853 29 0
                                    

Ang unang pagtung-tong ni Magda sa Maynila
_____

"M-megan?" Nauutal na sambit ni Magda, Di niya narin napigilan pa ang kaniyang mga luha na dumaloy sakaniyang pisngi lalo pa ng madinig niya na nga itong magsalita sa kabilang linya

"Magdalena.. Hellow? Kumusta ka na?" Anito sa kabilang linya

"Diyos ko! M-megan!? ikaw ba talaga yan? Ang saya ko! Tunay nga bang ikaw yan?" puno ng saya ang damdamin ng dalaga, nagpipigil pasiyang tumalon-talon

"Oo ako ito, Magda Sumama ka na muna kina mommy at daddy, sobrang kailangan ko talaga ng tulong mo ngayon--"

"B-bakit? may nang-aaway ba sa'yo?" Pag-aalalang tugon ni Magda habang pinupunasan ang kaniyang luha, Nangunot ang kaniyang noo sa nadinig, di niya maiwasang mag-alala lalo pa't noon ay si Megan na lagi ang nabubully at siya na lagi ang tagapag-tanggol nito.

Napangiti si Megan sa kabilang linya, naaalala niya kung paano siya pinag-tatanggol noon ng kakambal, ngunit saglit lamang iyon sapagkat mas lalong nangibabaw para sakaniya ngayon ang Kaniyang pangarap.

"Walang umaaway saakin Magda, Kailangan kolang talaga ng tulong mo. Sumama kana kina mommy, sila na ang bahalang mag-explain sa iyo. But please promise me onething, Bawal ma fall." Ani Megan na may diin sa hulihang sinambit, She mean it. Mahal niya si Dough, and if it only wasn't because of her Dreams and the thought of her husband falling inlove with her sister sa katauhan niya ay baka magkaroon pasiya ng rason upang hindi umalis, ngunit nasasaktan nasiya ngunit ayaw niyarin namang maagaw ng kapatid ang kaniyang asawa kaya upang siya ay makasigurado ngayon palang ay pinag-babawalan niya na ang kaniyang kapatid na mahulog rito. Kahit pa siya naman talaga ang tunay na Mahal ng kaniyang asawa at hindi siya.

Nagtataka si Magda sa sinabi nito sapagkat wala pa naman siyang ideya kung ano ang kaniyang gagawin

"Ha? ma-fall bakit?" Maang-niyang tanong.

"Basta" Maikling sambit ni Megan saka nito agad nang binabaan si Magda.

"H-hello? Megan? Megan?"

Kinuha na  ni Vicente ang Cellphone kay Magda ng mapansing pinatay na ni Megan ang tawag sa kabilang linya.

"She already ended the call Ihja."

"Hays! yun na yon? ni hindi man lang kami nakapag-usap ng matagal? sampung taon kaming nagkahiwalay tapos ganoon lang yun! kainis naman oh!" Maktol ni Magda, gusto niyang magtampo sa kakambal sapagkat tila ba wala naman itong ka-emo-emosyon ng siya ay kausapin. Maging sa isipan niya'y inilalarawan niya na ang mukha nito. Tss.

"Di niya ba ako namimiss? ba't ganun." Nakanguso niyang sambit, nabahala naman ang mag-asawa sa tinuran niya sa kadahilanang baka hindi na ito sumama sakanila kaya nag-isip nalamang sila ng irarason

"A-ahh kasi walang tulog si Megan eh, may hang-over pa yata dahil sa Party na naganap noong nakaraang gabi, But— you can talk to her again when she's fine ihja, tyaka mas magkakaroon pa kayo ng mahabang oras sa pag-kikwentuhan pagka-sumama ka na saamin. So, shall we?" ani Zasha

Saglit na natigilan ang dalaga, Mga ilang minuto din siyang nag-isip kung itutuloy niya parin ba ang pag-sama sa mga ito o hindi nalang, ngunit ang damdaming pangungulila niya sakaniyang kapatid ang nangibabaw kaya—Wala narin siyang nagawa kundi ang sumama nalang sapagkat yun ang tila isinisigaw ng puso niya.

Bago siya umalis, nagpaalam pa siyang muli sa mga kaibigan.
———
Sa pagsakay ng Helecopter ay tunay ngang ignorante si Magda, sigaw ito ng sigaw, miminsan pa nga ay gustong tumalon dahil sa labis na pagkahilo at pagsusuka  mabuti nalang at maagap siyang napipigilan ng mag-asawa

Hanggang sa makarating na nga sila sa Luzon, Doon sinalubong sila ng Driver ng mag-asawa, Magda was so curious about the place, napakalaki ng Maynila at gusto niyang malula sa kalawakan ng lugar maging sa pagtitig  sa nagtataasan at naglalakihang building ng Maynila

"Waaaoooooow!" mahaba niyang nasambit

"Ang ganda naman po dito, Dito po ba kayo nakatira? pati po si Megan?" Inosenteng saad ni Magda, she's too happy na Tinanguan ng mag-asawa, napapangiti nalamang sila habang nakatitig sa dalaga, Para kasi itong batang nakalabas ng bahay sa unang pagkakataon

Nakalimutan na niya ang kaninang pagkalula at pagsusuka maging ang pagtatampo niya sakaniyang kakambal ay limot niya na dahil sa ganda ng kaniyang mga nakikita, The place was wide and beautiful, ang dami ding naglalakihang billboard ng mga artista.
______

Mahaba-haba rin ang kanilang byahe bago nila marating ang Tahanan ng mag-asawa, Kung saan pansamantalang titira si Magda, Isa pa kailangan na muna nilang maipa-makeover ang dalaga bago nila ito iharap kay Dough upang ng sa gayon ay hindi ito magtaka.

"Waaahh" Manghang singhap ni Magda ng siya ay makababa na ng sasakyan, Isang malaking bahay ang nasa kaniyang harapan.

"Ito ang aming tahanan Magda,Dito ka na muna namin patitirahin pansamantala.. Hali ka."  ani Zasha saka iginiya ang dalaga sa loob ng kanilang tahanan

"Jusmio marijusep!" Naibulalas ng kanilang dalawang katulong ng makita ang dalagang papasok sakanilang bahay

Hindi kasi nila halos maipaliwanag ang gulat na nadama ng makita ang itsyura nito, Sobrang magkahawig sila ni Megan.

"S-si maa'm Megan po ba yan Madam Zasha?" Saad ng kanilang mayordoma na si Tessa

Agad na umiling si Magda ngunit pinigilan siya ng mag-asawa

"Aahh—Oo ! oo siya si Megan, right Hon? uhm— Teka tessa hindi ba't marami kapang gagawin? pwede bang yun na muna ang iyong atupagin? ikaw din Maria!" Bugaw ni Zasha sa dalawa saka sila nagmadaling igiya ang dalaga sa Kwarto ni Megan

"B-bakit niyo po sinabi sakanila na ako si Megan?" Pagtatakang saad ni Magda ng sila ay sa wakas na nasa loob na ng Kwarto. Kanina niya pa iyon gustong itanong ngunit tinatakpan ng ginang ang kaniyang bibig

"OH i'm so sorry dear pero kasi— Y-yun talaga ang rason kung bakit ka namin dito dinala—"

"ANO!?" Singhap niya na medyo napalakas ata dahilan upang mabalisa na naman ang mag-asawa at tinakpan na naman ang kaniyang bibig

Mabilis niya iyong iwinaksi pagkat hindi siya makahinga. Tiim bagang niyang pinakatitigan ang dalawang matanda.

"Niloko ninyo ako! ang sabi ninyo ay narito si Megan at gusto niya akong makita! pero bakit wala siya rito at—nabanggit niyo pa na gusto niyo akong pagpanggaping siya ! nasaan na ang kapatid ko! sino ang kaninang Megan na tumawag at nakausap ko! Sino!"

Nagimbal ang mag-asawa ng makita ang galit nito sa mga mata.

"Kumalma ka Ihja, Totoong si Megan yung nakausap mo kanina—"

"Sinungaling! nasaan ang kapatid ko! Nasan!"

"It's her flight papuntang Vegas!" Mabilis na sabat ni Vicente, Nagpupuyos na kasi ang dalaga sa galit kung kaya napagdesisyonan naniyang sabihin rito kung nasaan ang kakambal

"Ano? Flight? Ngunit—"

"Pasensya na kung hindi namin ito sa iyo sinabi kaagad kanina Magda, Sinunod lamang namin ang utos ng iyong kapatid.. Kailangan niya ang tulong mo. Pakiusap makinig ka muna sa mga sasabihin namin, pwede ba iyon?" Marahang saad ni Zasha, nasiya namang ikinakalma ng dalaga

Iginiya ito ni Zasha na maupo sa Kama, bago niya rito ipinaliwanag ang mga nangyari maging ang plano ni Megan.

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon