CHAPTER 26

995 35 1
                                    

_____

Nagising si Magda sa pagkakaidlip ng makadinig ng pagbukas ng pinto at mga hakbang ng mga paa patungo sakaniya

"Sino yan?" Maang niyang tanong

Napasinghap siya sa sakit ng maramdaman niya nalang ang biglaang paghila ng kung sino man sa kanyang buhok sabay angat ng kaniyang mukha

"This is your twin sister B-I-TCH!" Pagkasabi nun ay itinulak siya nito dahilan kung bakit siya napasubsob siya sa sahig

Ang hirap ng kaniyang posisiyon sapagkat hanggang ngayon ay nakaupo parin siya sa isang Silya habang nakatali naman sa likuran ng silya ang kaniyang mga kamay

"Megan ano ba! tama na to pakiusap! Hindi ka pa ba napapagod ha? Hanggang kelan mo ba ako sasaktan? bubugbugin? hanggang sa makita mo na akong Patay na ganoon ba? Ganiyan ka na ba binulag ng galit mo?"

puno ng pait na nginitian siya nito

"Maybe seeing you dead will satisfy me" Anito saka kumuha ng Gunting at walang pasabing hinila ang mahabang buhok ni Magda at pinag-gugupit ito

Ang kaninag mahaba  at kulot nitong buhok na umaabot hanggang bewang ay naging hanggang balikat nalang ngayon

Di mawari ni Magda ang sakit na nararamdaman dahil sa magkahalong sakit dulot ng paghila nito ng kaniyang buhok at sakit dahil sa isiping ginupit nito ang kaniyang bahabang buhok

"There you go, kahit papano hindi na tayo magkahawig tss!" Ani Megan sabay bato ng Gunting sakaniya

Mabuti nalang at tumama lamang ito sa Silyang pinagtalian sakaniya at hindi sakaniya

"Megan pakiusap tama na! hindi ka ganito e' Hindi yan ikaw—Megan Magkapatid tayo!"

"Magkapatid? No way! Kahit kailan hindi ako natuwa na makasama ka noon, Never! Ikaw nalang lagi ang pinipili ng lahat, ng madreng si Jasmine ng mga bata noon sa Bahay Ampunan Ikaw lang! Laging sa'yo pabor lahat samantalang ako? Wala para lang akong hangin sa mga mata nila ni hindi nila makita ang exsistence ko puro nalang ikaw! kaya nga nung May mag-aampon na sana saatin di'ba? gumawa kaagad ako ng paraan para di ka makasama, sinabi ko sa'yong ikuha mo ako ng mangga at ikaw naman tong si tanga na naniwala kaya wala ka nung time na aampunin na sana tayong dalawa!" Humalakhak ito

"Megan wala namang rason para magselos ka e' Mahal ka ni Mama Jasmine, yung mga kaibigan ko kaibigan mo rin.. Di'ba ikaw lang naman yung lumalayo sakanila?"

"Ah so kasalanan ko pa pala kung bakit tila ni Isa noon walang may pake saakin!"

"Megan hindi yun ang ibig kong sabihin, kung sana nakikita mo lang yung mabuting nagawa ng tao sa'yo kesa sa masama.. Nung mga panahong inakala mo na hindi ka pinapansin ng lahat, ibig sabihin nun may nakahanda kang surpresa—Nakalimutan mo na ba? Oo ako ang lagi nilang pinapansin at madalas nakakasama pero Megan mahal ka naming lahat! palagi ka ngang may surpresa di'ba? yun ay dahil gusto ng lahat na makita mo kung gaano ka ka Espesyal saamin.." Napsinghap si Magda, Di na niya napigilan ang pag-iyak

"Espesyal na palang maituturing sa iyo yun? What a cheap!" She said rolling her eyes."

"Siguro nga para sa'yo cheap yun, pero ni minsan ba megan nakita mong may handa ako sa birthday natin, kasama ba ang pangalan ko sa cake ha? ni minsan ba nakita mo na may nag-susurprise din saakin? Wala di'ba? Dahil gusto ko ikaw lang! ikaw lang yung makaranas nun, dahil Ayokong maramdaman mo na nag-iisa! dahil mahal kita.."

"Walang kwenta yang pagmamahal mo kung mamamatay ka na!" She let out a gun, pagkuway nilapitan si Magda.."Pero bago yun shempre kailangan nakikita mo ako hindi ba?"

Kaya nilapitan niya si Magda at tinanggal ang piring nito sa mata

Saglit pang napapikit si Magda dahil sa tila hindi pa gaanong klaro ang paningin niya ngunit ng kinalaunan ay kitang kita niya na—

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon