CHAPTER 25

845 31 0
                                    

_____

Kumislap ang mga mata ni Dough ng sa wakas nakita niya na sakaniyang computer ang mensaheng nag pop mula sa kaniyang Email account, hindi niya na mabilang kung ilang oras siyang nasa opisina at nakatitig lamang sa harapan ng kaniyang computer ang tanging alam niya nalang ngayon ay masaya siya, at mas sasaya pa pag nalaman niya na kung ano ang mensaheng isi-nend sakaniya ng Kakilalang imbistigador

Mabilis ang bawat pag type niya ng Computer at ginalaw galaw ang mouse nito upang mabuksan ang email na natanggap

Sumilay ang ngiti sakaniyang labi ng mabasa ang nilalaman nito.

"028 Maligaya 1-A Brgy. Mambugan Antipolo, City" Basa niya sa nakasulat na address na isi-nend sakaniya

Kasunod nun ang mga litratong nakuha ng nag imbistiga na hiningi nito sa barangay ng mismong Lugar na iyon. Umigting ang kaniyang panga ng makita ang larawan ng Asawa habang hawak ni Megan sa braso

Tama nga ang hinala niya, Megan kidnap her own twin just so she can pretend as Magdalena again! Napasuntok siya sa mesa at hindi ininda ang sakit nito dahil sa labis na galit para kay Megan at pag-aalala sa asawang si Magda, Just by looking at the pictures ay kitang kita niya rin sa mga mata nito ang takot..

"My wife! she must be so scared! Damn you Megan! I'm going to make sure that you'll pay for what you did! Wala akong paki-alam kesyo may naging nakaraan tayong dalawa! Sisiguraduhin kong Makukulong ka!" Nagpupuyos sa Galit niyang sambit habang nakakuyom ang magkabilaang kamao

Ngayon palang ay tila gusto na niyang saktan ang babaeng dahilan ng pagkawala ng kaniyang Asawa. Ngunit kinailangan niyang mag-timpi, Sigurado siyang hindi lamang si Megan ang nasa likod ng pagkidnap nito sa Asawa kundi may iba pa lalo pa't may napansin siyang isang lalaki sa likuran ni Megan na nakaitim na coat at nakaitim rin na Sumbrero habang nakasuot ng mask

Hindi ito gaanong Malapit sakanila ngunit sa ikatlong larawan ay napansin niyang lumingon si Megan sa likuran nito gayon din ang pagtitig ng lalaki sa kaniya

Matangkad ang lalaki't malaki ang katawan..

Na ang tindig ay mahahalintulad sa kaibigan niyang si Marcov—

Nanlaki siya sa naisip at muling inilapit ang sarili sa tapat ng computer upang matitigan ng mabuti ang litrato.

"Who's this f*cking guy! Damn it Megan!" Buong lakas niyang hinampas ang Mesa

Nagpupuyos na siya sa galit at nauubusan narin siya ng pasensya. Lumabas siya ng kaniyang Opisina't patakbong bumaba ng hagdan patungo sa Labas, di pansin ang pagtawag sakaniya ng mga anak dahil sakaniyang pagmamadali.

Hanggang sa papalabas na sana siya ng gate ng biglang—

Bumukas ito at iniluwa mula roon si Megan, kunot noo itong napatingin sakaniya

"W-where are you going? Gabi na" She ask innocently

Gusto niyang sapakin ang pagmumukha nito ngunit pinigilan niya lamang ang sarili dahil hindi naman siya ganoong klaseng tao—It's just that sa labis-labis na galit niya para sa kaharap ay para bang gusto niya nalang itong pudpurin ng suntok upang ng sa gayon ay mailabas niya ang kaniyang galit para rito

Yet he stayed calm. May naisip siyang paraan upang mapadali ang pag-amin nito sakaniya ng walang kahirap-hirap

Gusto nitong paglaruan siya? pwes, sasabayan niya ito hanggang sa ito na mismo ang maluto sa sarili nitong mantika

He slightly comb his hair and smiled sweetly

"Oh, I'm about to fetch you, ang sabi kasi saakin ng katulong ay pumunta ka sa parents mo at baka bukas na uuwi—kaso naisip ko lang na.. Malungkot ako pag wala ka kaya naisipan kong sunduin ka nalang kina Mama" Ngumiti siya ng matamis

At tila effective naman iyon para sa babae dahil nawala ang kaninang nakakunot nitong noo. Inisang hakbang lamang nito ang pagitan nila upang siya ay mayakap at mahalikan sa pisngi

"Aww how sweet of you hon but—Kaninang umaga u-uhmm about what you said.." Napansin niya ang pagkabahala sa mga mata nito

at kahit pa di pa nito matapos-tapos ang kaniyang gustong sabihin ay tila alam na ni Dough kung ano ang ibig nitong sabihin, agad  niya itong hinagkan sa bewang at nginitian ng matamis.. for this game to be fun he need to act convincing infront of her kahit pa sa loob-loob niya ay matinding galit ang naroon

he gave her a smack on the lips na ikinagulat nito, napangisi si Dough. Mukhang unti-unti na nga itong kumakagat sakaniyang bitag.

easypeasy

"Kaya nga balak na kitang sunduin kina Mommy e' so I could apologize to you—Mabuti nalang at nakauwi ka na.."

Umaliwalas ang mukha ng babae sakaniyang sinabi tss..

"Aaw ang sweet mo talaga, Uhmm Have you ate dinner already? yung mga bata?"

"Nasa Salas" Maikli niyang sagot, kumalas sakaniyang pagkakayakap ang babae. hinayaan niya itong mauna sa pagpasok sa loob bago niya kinuha ang kaniyang cellphone upang muling tawagan ang kaibigang Imbistigador

"I can't go there right now, wag kanalang din munang tumuloy may plano ako. Bukas magkita tayo gotta go now bye"

Pagkatapos ay bumalik narin siya sa loob, Hindi man mapigilan ni Dough ang pagkabalisa sa pag-iisip kung ano na ang kalagayan ngayon ng kaniyang Asawa ay pilit niyang pinakalma ang sarili

Kailangan niyang mag-isip ng mas magandang plano upang mahuli si Megan sa akto. Tama—Binabalak niyang kunin ang loob nito at pagkatapos ay susundan niya ito kapag may lakad ito..

magsasama siya ng pulisiya upang masigurong wala na nga itong takas.

_____

At ganoon nga ang ginawa ni Dough makalipas ang dalawang araw at nadinig niyang may lakad na naman ang babae

Inihanda niya na ang sarili sakaniyang plano

"May lakad ka?" Kun'way tanong niya rito ng mapansin ang pagbibihis nito

"Uhm-yes, kina mommy Ulit" palusot nito

Tumango-tango lang si Dough

Ilang minuto pa ay nakita niya na ang paglandas nito palabas ng silid, inantay niya pa itong makalabas na nga natuluyan maging sakanilang bahay bago siya bumangon mula sa higaan at inihanda ang sarili sa pagsunod nito

Ng siya ay biglang makatanggap ng tawag mula sa kaibigan niyang si Marcov

Agad niya itong sinagot

"Why?"  He ask

"We need to talk, see me at your own house papunta na ako diyan. May dapat kang malaman" Seryosong saad nito

Bumuntong hininga nalamang siya't tamad na naupo.

Ano ba ang kailangan niyang malaman at tila napaka-importante nito?

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon