CHAPTER 10

991 40 10
                                    

The Truth has been revealed

_______

NASA kama si Magda habang si Dough naman ay nakakibit-balikat lamang habang nakasanding sa dingding, Matalim ang mga matang nakatitig sa Babaeng gumugulong-gulong sa kama na para bang sinaniban

"Who are you?" Tanong niya, he was trying so hard to calm himself right now. Kahit pa sa loob-loob niya'y nag-iinit na siya sa galit para rito

"Ha?"

"I said who are you?" Umigting ang panga ni Dough ng kaniyang muling banggitin iyon

"Ba't ka ba kasi ingles ng ingles! dumudugo na ilong ko sa'yong hinayu@+(#($@$!!"

"Damn you woman! umayos ka nga ng upo! para kang sinapian!" Asik ni Dough ng makitang tumitihaya na ito't ewan ba niya ngunit para sakaniya'y mukha na itong nag-eexorcism

"Ba—kit *hik* nakakala—shing yon *hik*"

Dough rolled his eyes, isang bote lang nainom nito nalasing na kaagad? tss.

"Ano ang tunay mong pangalan, sino ka!" Ugh, di na ata niya kaya pang magtimpi

"Bakit ba! *hik* Tanong ka ng tanong!"

"Nagtatanong ako dahil alam ko na ang buong katotohanan, hindi ikaw si Megan so sino ka?" Bumuga ng mahabang buntong hininga si Dough sa kawalan "Please—tell me where's my real wife! si Magdaela na si Megan na ngayon nasaan siya?" Nagmamakaawa na siya, He missed his wife, so much!

"Magdalena? [Laugh] Ke—lan pa siya naging *hik* ako?"

"What do you mean?" Di niya gaanong naintindihan ang sinabi nito kaya tinanong niya ulit.. "Nasaan si Megan!"

"Nag-abroad siya!" She exclaimed, lasing na nga talaga siya

"W-hat?" Hindi makapaniwalang saad ni Dough, paanong nag-abroad?

"B-but. how? so totoo ngang hindi ikaw ang asawa ko ganun ba?"

Nakangising tumango-tango si Magda, Pakiwari niya'y umiikot na ang paningin niya

"Ba't parang umiikot—yung mundo *hik* Uy naduduling ako—" [Laugh]

Hindi na muna iyon pinansin ni Dough sapagkat may gusto pasiya ritong itanong

"If you are not Megan.. Then who are you?" Napalunok si Dough ng laway ng kaniyang tanungin yun, kinakabahan siyang malaman ang totoo. Kasi paano nga kung tama si Marcov— "Ano ang tunay mong pangalan?"

Humalakhak lamang si Magda, Nakahiga nasiya ngayon sa kama..

"Lang_yang  *Hik* Threo yun, di ako binalikan!" Nakanguso nitong saad

'Wait what—Threo?' Saglit na nag-isip si Dough upang alalahanin ang nakaraan..

Doughtreus ... Threo.. threo ang tawag sakaniya ni Magdalena noon.

Natutop niya ang kaniyang bibig sa naalala..

"T-threo? sinong threo?" He ask.. Kumakabog na ang kaniyang dibdib, pakiwari niya'y para siyang ibinalik sa nakaraan..

"Th-reo, y-yung—"

Nangunot ang noo ni Dough ng mapansing hindi na ito nagsalita pang muli, ni di na nga nito natapos pa ang sasabihin kung kaya kaniya itong nilapitan.

"Hey?" pukaw niya, ngunit ang kausap niya ay tulog na pala at humihilik pa.

Doon siya nagkaroon ng pagkakataong matitigan ito ng mas malapitan.

"Magda...?" Naibulalas niya sa kawalan.

Hindi pasiya gaanong sigurado kaya naisip niyang hagilapin ang gamit nito, Bagay na dapat ginawa na niya rin noon kay Megan.

Nag-halungkat siya sa kwarto't hinagilap ang gamit nito, hanggang sa makakita siya ng isang box sa ilalim ng kanilang kama.

Agad niya itong kinuha.. Napangiti pa siya ng makitang may nakadikit pang sticky note sa box, at nakasulat roon "Don tatsh" Mali pa ang spelling nito.

Kinakabahan siya sa kung ano ang kaniyang matutuklasan pero mas nangingibabaw naman ang kagustuhan niyang malaman ang buong katotohanan..

Binukasan niya ang box, may mga litrato roon.

Lirato ng dalawang babaeng bata.. Magkakambal.

"Tama nga si Marcov, kakambal siya ni Megan—" Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin ng masagi ng kaniyang paningin ang isang Maskara..

Nanginginig ang kaniyang kamay ng kaniya iyong kunin at—matitigan ng malapitan.
Ang maskarang iyon ay ang maskara na niregalo niya noon kay Magda bago siya umalis..

Napatakip siya ng bibig, Ito ang mga ibidensya na nagpapatunay na ang babaeng nasa kaniyang kama nga ngayon ang Tunay na Magdalena.. this are the proofs that he needs! mga proweba na hindi niya mahanap hanap noon kay Megan na sa tuwing tinatanong niya ay ang laging palusot naitapon naraw..

Tears fell in his eyes.. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng kaniya palang pinakasalanan ay ang tunay na impostor..

Sa labis na pagmamahal niya para kay Magdalena ay naging bulag siya sa katotohanan..

kirot ang naramdaman niya sakaniyang dibdib, He can't believe he was being fooled like this! Paano niya hindi nakilala si Magdalena?

Muli niyang ibinalik ang mga kagamitan nito sa lagayan at ibinalik ito sa ilalim ng kama. Pagkuwa'y marahan siyang lumapit sa babaeng mahimbing na ngayong natutulog..

"I'm so sorry if i hurt you the other night mahal ko.. hindi ko alam.." Humihikbi niyang saad habang hinahaplos ang maamo nitong mukha

Kuyom ang kaniyang mga kamay sa tuwing  naalala niya ang babaeng kaniyang pinakasalan limang taon na ang nakakalipas..

He lean a bit to kiss her.. he close his eyes as he remembered the past..

Ganitong klase nga ng pakiramdam ang kaniyang inaasam-asam noon na maramdaman kay Megan..

He longed for this kind of kiss.. so much. And he wants more!

Muli niyang hinalikan ang natutulog na babae't buong pagsusumamo itong niyakap ng mahigpit..

Sumasabay ang kaniyang paghikbi sa pagkakayakap niya rito. It should be her.. mula pa nung una dapat ay si Magdalena na iyon!

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon