_______
Kakatapos lamang kumain nilang Dalawa, Naisip ni Magda na ayain si Dough na magtungo sa kwarto ng mga anak.
"Hello babies!" Bati ni Dough sa kambal
"Daddy! Mommy!" Masaya nitong salubong sakanila
"Bango-bango naman ng bibig! mabuti naman at tapos na kayo magsipilyo." Nakangiting saad ni Magda
"Opo Mommy, hindi ba po sabi mo dapat hindi namin nakakalimutan iyon?" saad ni Echo
Tumango si Magda
"Tama yun. At tyaka—dapat palagi rin kayong nagdarasal para walang moo-moo na umaway sa inyo diba?"
Dinig ni Magda ang pagpipigil ng ngisi ni Dough kaya kaniya itong siniko sa tiyan, napadaing ito sakaniyang ginawa, wala siyang paki-inirapan niyalang ito
"Ang sama mo!" Muli niyang pag-irap dito
"Eh sino ba naman kasi ang hindi matatawa Mommy, moo-moo? Walang multo ano."
"Daddy stop, Mommy's right. Moo-moo's are real!" Sabay pang sambit ng kambal na sinang-ayunan si Magda Dahilan upang mayabang siyang nag-taas ng kaniyang kilay kay Dough
Napailing nalamang ang lalaki't isinandig ang likod sa kama ng mga anak
"How's your day at school?" he ask, although hindi naman siya usually nagtatanong ng ganoon, he's just trying to follow what Magdalena told him to do
Napansin nila ang biglaang pagtahimik ng dalawa at pagsimangot ng mukha ng mga ito, nagkatitikagan sila.
"Aha! Siguro may nakaaway na naman kayo sa school no?" sambit ni Magda na idinaan iyon sa pagbibiro upang hindi mangambang magsabi sakanila ang dalawa
Ngumuso ang batang si Echo gayon din si Elayza
"May problema ba? uhm—kung meron pwede niyo namang sabihin saamin ni Daddy, makikinig kami. Pangako yun" Ani Magda
Gusto niyang iparamdam sa mga bata na okay lang magkamali paminsan-minsan upang ng sa gayon may matutunan din ang mga ito.
Hindi parin tumugon sakanila ang mga bata bagkus pareho lamang itong nakayuko at nakabusangon ang mukha, kaya naisipan nalamang ni Magda na ibahin ng bahagya ang usapan.
Umayos siya ng Upo at iginiya ang mga bata kalapit sakaniya upang hagkan ang mga ito, mataman lamang siyang pinagmamasdan ni Dough
"Ganito nalang, may ikikwento ako sa inyo. Alam niyo ba na noong bata ako mahilig din ako sa gulo?" panimula niya na sa mga bata nakatingin
Dahil sa kuryusidad nag-angat ng mukha ang dalawa at tinitigan siya na para bang nag-aantay pa ang mga ito ng susunod niyapang sasabihin
"T-talaga po mommy?" Maang na tanong ni Elayza
Tumango si Magda
"Oo, Medyo pasaway kasi ako noon. Napakahilig ko sa gulo, sa trouble [Chuckles] minsan pa nga, nagnanakaw ako ng mangga!" Natatawa niyang saad sabay sulyap kay Dough na ngayon ay nagpipigil narin ng tawa
"Woah Really?" Halos di makapaniwalang sambit ng kambal
"Oo nga, Hindi kayo makapaniwala no? pero totoo yun! saksi ang Daddy niyo dun." Aniya sabay nguso kay Dough nasiya naman ngayong tinapunan ng pansin ng mga anak
"Is that true Daddy?"
Tumango-tango si Dough
"Yup, That was the first time I've met your Mom.." He said reffering to Magdalena
Namilog ang mga mata ng kambal ang kaninang nakasimangot nilang mukha ay napalitan na ng ningning at excitement, they want more—gusto pa nilang malaman ang mga sumunod na nangyari
"What happened next po Mommy?"
Saglit na nag-isip si magda, sa dami ba naman ng kalokohan niya noon. Hirap nasiyang isa-isahin pa iyon.
"Ayun—nahuli akong nagnanakaw, kaya nasugatan ako. Mula nun pinangako ko na sa sarili ko na hinding-hindi na ulit ako magnanakaw ng mangga, mas mainam na iyong nanghihingi kaysa magnakaw. Tapos, Tinigil ko narin ang mga kalokohan ko lalo na iyong pagtakas sa Bahay ampunan makapaglaro lamang ako sa labas at pagsisinungaling kay Mama Jasmine, Dahil napagtanto kong mali pala lahat iyon. Lahat may kapalit. Kung masama ang ginawa mo ang kapalit din ay masama, kung mabuti naman edi—ang kapalit nun ay mabuti din naman diba? Mamimili kalang naman." Mahaba niyang litanya na sinabayan pa ng pag-ngiti ng malapad sa dalawa
Natigilan ang kambal at saglit na nag-isip
"Mga anak, okay lang magkamali—ang mahalaga may matututunan tayo sa bawat pagkakamali nating iyon. Tapos, Wag narin nating uulitin diba? para ng sa ganun Wala tayong matanggap na Karma mula sa itaas sa huli. Naiintindihan niyo ba yung gusto kong ipunto hm?"
Tumango ulit ang dalawa
"Opo Mommy [sigh] I'm sorry.. I'm sorry too Daddy. Ng dahil saamin pinapatawag na naman kayo sa School.." Sinserong sambit ni Echo samantalang tango lamang ang turan ni Elayza.
Hinagkan ni Dough ang dalawa at parehong hinalikan sa noo
"Hey , Daddy's not Mad even Mommy isn't right Mommy?" ani Dough na kay Magda nakatingin
Agad namang tumango si Magda upang sumang-ayon rito
"Oo naman, Lahat naman tayo nagkakamali kaya okay na yun hm? pinapatawad na namin kayo basta ba, sa susunod wag niyo nang uulitin ha?"
Tumango ang dalawa
"Opo Mommy!" Masigla nilang sambit
"Good. Now take a Rest, it's time to sleep" Ani Dough
"No please not yet Dad, Read Us a story na muna Mommy." Ani Echo
Nagulat si Magda sa sinabi nito, Read—Kataga palang pakiwari niya'y dumugo na ata agad ilong niya.
Napalunok siya ng makita ang malaking Story book na iniabot sakaniya ng bata
"Read this story for us mommy, palagi nalang kasi si Dad ang nagbabasa ng story saamin samantalang ikaw po—hindi pa po namin naririnig na basahan kami. Sige na po Mommy please?"
"Oo nga Mommy kahit ngayon lang po please?"
"H-ha?" Pakiramdam ni Magda ay natuyo na ata lalamunan niya kaya wala ni halos siyang maapuhap na salita
"Kahit ngayon lang po?" Pangungulit pa ng mga ito
Ngunit hindi siya marunong magbasa, anong gagawin niya?
Napansin ata ni Dough ang pagkablisa ni Magda kaya agad nitong inagaw ang libro sa kamay ni Magda
"Ako na." Sabat niya
"Daddy, let Mom read us naman po.." nakanguso nitong sambit
"No, not okay? Gusto ko ako magbasa eh' tyaka magseselos lang ako pag si Mommy niyo lang ang pinabasa ninyo eh sa Gawain ko na to sainyo. Gusto niyo ba akong magtampo?" Palusot ni Dough na tila agad namang pinaniwalaan ng dalawa
"No po! okay Daddy can read us a story now but—nextime sana po si Mommy naman Dad! Please?" Pagsusumamo ng mga ito
Napabuga nalamang si Dough ng hangin sa kawalan saka walang kagana-ganang tumango nalang.
"Kukulit niyo." Gigil niyang sambit na sinabayan pa ng pagpisil sa pisngi ng mga anak
Humagikgik lamang ang mga ito. Hanggang sa kinalauna'y nagsimula na nga siyang magbasa samantalang si Magda naman ay tahimik lamang na nakikinig sakanila.
BINABASA MO ANG
"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]
RomansaBuong lakas na itinulak ni Dough si Magda sa harap ng malaki nilang Frame sa Kasal. Ibig niyang ipamukha kay Magda ang Kasinungalingan nito, Marahas niya itong Iginawi sa harapan ng Litrato, Umaalab ang kaniyang dibdib sa labis-labis na galit para r...