____
Makalipas ang Isang Linggo
Puno ng Excitement na umuwi si Dough sakanila, Dala-dala ang paboritong Tsokolate ng mga anak at Isang Boquet ng Rosas para sakaniyang Asawang si Magda
"I'm Home!" Agad na bungad niya ng siya ay papasukin ng kanilang katulong sa Mansion
Halos patakbo pa niyang tinungo ang kwarto nilang mag-asawa ng mapansing wala ang mga ito sa Dining at sa ibang parte pa ng bahay.
"Hon?" Tawag niya
At ng di ito sumasagot ay kusang loob niya nang binuksan ang pintuan ng kanilang kwarto, He was shock when he saw his wife wearing just a pink Bikini, ngunit ang mas ikinagulat pa niya ay ng makitang T-back lamang ang suot nitong pang-ibaba, She was looking at him seductively....
Bagay na lalong ikinakunot ng noo niya, Bakit nagkaganito ang kaniyang asawa? Pakiramdam niya ay may kakaiba
"Hi Honey! Welcome home!" Matamis siyang nginitian nito't masuyong nilapitan upang mayakap
Napatiim bagang si Dough ng makaramdam siya ng kilabot kahit pa sa kaunting pagtama lamang ng balat nito sakaniya. Anong nangyayari sakaniya? Hindi ba dapat masaya siya na makita ang Asawa niya? And wearing only bikinis? Hindi ba dapat ay Napukaw na nito ang pagkalalaki niya ngunit bakit tila wala siyang maramdaman kundi—Kilabot?
"Oh what's with that look? bakit tila namumutla ka? May problema ba? hindi mo ba nagustuhan itong surpresa ko sa'yo?" Kunwari nagtatampo nitong sambit na sinabayan pa ng paghaplos nito sa sariling katawan
Napalunok si Dough, Maging siya man ay hindi niya rin alam kung bakit tila namumutla siya at namamanhid, o sadya nga lang ba talagang nagulat siya sa Ayos nito. And she speak English?
Napabuga siya ng hangin sa kawalan bago pilit na nginitian ang Babae
"U-uhm, Marunong ka nang mag-ingles? I'm impress! Ang m-mga bata?" Pag-iwas niya sa mga titig nitong mapanuri
Bahagyang ngumiti ang babae't ipinulupot nito ang braso sakaniyang leeg
"Aba oo naman, sa isang linggo mong pagkawala ay iginugol ko ang panahon ko sa pagbabasa ng Dictionary, para kahit paaano naman ay makapagsalita rin ako ng Ingles ano! at ang mga bata? ayun maaga kong pinatulog so don't worry walang iistorbo saatin ngayon [wink]" nakanguso nitong saad na sinabayan pa ng kindat
Na agad niya ring tinanguan saka muling humugot at bumuga ng hangin sa kawalan. Inis niyang nakamot ang kaniyang sentido, bakit nga ba parang pinagdududahan niya ang kaniyang asawa? Dapat nga ay masaya siya dahil sa wakas sinasanay na nito ang sarili sa pagbabasa kahit pa paunti-unti, Tinuruan niya narin kasi ito sa nakaraang buwan, Di naman mahirap turuan ang Asawa lalo pa't marunong itong makinig at agad na ipinapasok sa isipan ang mga naituro niya, di na siya magugulat kung sa mga sumunod na buwan pa ay marunong ng talaga ito, at pag nangyari iyon ay saka niya na ito ipapasok sa pag-aaral.
Nakangiti niyang iniabot sa Asawa ang dala-dala niyang Bulaklak.. At hindi nakaligtas sakaniya ang bahagyang pag-ismid ng labi nito ng titigan nito ang mga iyon.
Dahilan upang muling mangunot ang kaniyang Noo, Mahilig si Magda sa Bulaklak, lalo na sa Rosas ngunit bakit ngayon parang—Parang hindi si Magdalena ang kaniyang kaharap kundi ang Kakambal nitong si Megan?
Megan Hate flowers, nababaduyan ito sa tuwing nag-eeffort siya at binibigyan niya ito ng bulaklak..
Muli siyang kinutuban ng masama, napukaw na naman ulit ang kaniyang pagdududa para sa babaeng kaharap
Kinalauna'y naramdaman niya ang pagkalabit nito sakaniyang braso pagkuwa'y iginiya siya papuntang kama..
Gusto niya sanang pigilan ito sa binabalak na gawin ngunit ng bigla nalang itong puma-ibabaw sakaniya'y tila nawalan siya ng lakas upang tutulan pa ito.
"I missed you Hon! I really do miss you!" Bulong nito sabay kagat sakaniyang tenga
______
Antipolo
"Tulong!! Tulungan niyo ako pakiusap!" Patuloy na paghagulgol ni Magda sa kawalan ngunit tila walang nakakarinig sakaniya
Ang tanging natatandaan niya lang na dinaanan nila kanina ay isang Lugar na maraming maliliit na Eskenita pagkatapos ay Nilagyan na siya ni Megan ng Blindfold sa mata, Wala nasiyang makita. Ni hindi niya na alam kung saan siya nito dinala..
"Pakiusap tulungan niyo ako! Gusto ko nang makita ang mag-ama ko!" Patuloy niya sa pagmamakaawa
Ng bigla siyang makarinig ng mga yabag mula sa di kalayuan, Napasinghap siya't nag-angat ng mukha yaon nga lang at di parin siya makakita kung kaya muli siyang nagpupumiglas
"May tao ba diyan? M-meron hindi ba? K-kung sino ka man pakiusap tulungan mo akong makawala rito! Pakiusap!"
Hinila ng lalaki ang isang nightable upang igiya iyon sa harapan ni Magda saka nito inilapag roon ang pagkaing dala
"Your shouting too much, you must be hungry so i brought you something to eat. Kumain ka na." Mahinang sambit nito
Ngunit Lalaki? papaanong lalaki ang kasalukuyan niyang kausap gayong ang naaalala niyang nagdala sa lugar na kung saan siya ngayon ay ang kakambal niya.
Pamilyar rin ang kaniyang tinig..
Ani Magda sa isipan
"Sino ka! Anong kailangan mo sa'kin? Nasaan si Megan? Sino ka!" Pagsisisigaw pa niya
ngunit tila walang emosyong nakatitig lamang sakaniya ang Lalaking kaharap, Bumuntong hininga ito't inis na hinilot ang kaniyang sentido.
"Please stop shouting, nakakainis na sa tenga." Anito
"Pwes mas lalo akong sisigaw! Nasaan si Megan! ang babaeng yun ni sa rurok-rurukan ng pag-iisip ko ay di ko naisipang makakaya niyang gawin saakin ito ngunit ngayon! *deepsigh* Ahhh! Kainis! hoy! kung sino ka man wala na akong pakialam sa'yo okay? Pakawalan mo nalang ako pramis hindi kita isusumbong sa pulis!"
Nangunot ang noo ng Lalaki sa sinabi niya ngunit kinalaunan ay napalitan din iyon ng mahinang tawa
"Look, I have no intention on hurting you, I'm just following what's your twin sister ask me too. I Tried to ask her to just let you go—pero anong ginawa niya? sinaktan niya yung kambal.." He had a deep sigh after spilli'n another word again "gustuhin ko mang pakawalan ka, wala akong magagawa—"
"Ano!? Hoy teka lang ha! ini-ingles mo'ko eh' pwedeng pakiulit nung mga nauna mong sinabi?"
Napakamot ang Lalaki sakaniyang ulo
"I already said what I've said, basta di kita pwedeng pakawalan yun na yon. I'll go now, eat or you'll die starving."
Pagkatapos nun ay tumayo na ang lalaki't muli nang lumabas ng silid. Padabog pa nitong isinara ang pinto kaya napapitlag si Magda dahil sa ingay na dulot niyon.
A/N [One chapter at a time, hehe—sorry po I'm still sick while posting this. Bawal ako matulog ng late and guess what it's 2 am already and I'm still awake—Di ako makatulog dahil sa init ng katawan ko kaya na isip ko nalang na mag update kahit isa lang—Pasensya na talaga, masyado akong sakitin Haha, Katakot na kasing mag pacheck sa Hospital dito sa pinas puro nalang Covid kahit nga mapilayan lang Covid na lol. But anyways, I hope you understand—Godbless po]
BINABASA MO ANG
"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]
RomansBuong lakas na itinulak ni Dough si Magda sa harap ng malaki nilang Frame sa Kasal. Ibig niyang ipamukha kay Magda ang Kasinungalingan nito, Marahas niya itong Iginawi sa harapan ng Litrato, Umaalab ang kaniyang dibdib sa labis-labis na galit para r...