CHAPTER 11

955 39 1
                                    

______

Nagising si Magda sa sobrang lakas na tunog dulot ng kulog at kidlat kaya napabalikwas siya ng bangon

"Sister Jasmine!" Sigaw niya

Takot siya sa kulog at kidlat kaya napayakap siya sakaniyang sarili, ngunit saglit siyang natigilan ng mapansin ang matipunong braso ni Dough na nakayakap sakaniyang bewang

"Jusmio!" Asik niya saka mabilis na itinulak na sinabayan pa ng pagsipa sa lalaki dahilan upang mahulog ito sa kama

"Bloody hell?" Daing nito na tila ba naalimpungatan pa

"Naku! P-pasensya na! Uhmm—nasaktan ka ba? Ikaw naman kasi bakit ka nakayakap saakin? Hindi ba't—"

"Hindi ba't ano?" Ani Dough ng muli na itong makabalik sa kama't tumabi sa kaniya, Napalunok si Magda ng mapansin ang pilyo nitong ngiti sa labi, hindi niya iyon nagustuhan.

"Hindi ba't asawa kita? so i guess walang masama kung yakapin man kita ng ganito."

Muli siyang niyakap ni Dough sa bewang at iginiya na upang muling mahiga sa kama

"Dough!" Inis niya itong nilingon, Bakit ba kasi ito bigla bigla nalang nagbago ng pakikitungo sakaniya..

'Hindi kaya? naniniwala nasiyang ako si Megan dahil naubos ko yung isang bote ng alak?' maang niyang tanong sakaniyang isipan

"Let's go back to sleep love, ala sinco palang ng umaga." Ani Dough sa baritono nitong tinig, mas lalo pa nitong inilapit ang katawan sakaniya pagkatapos ay isinilid ang mukha sakaniyang leeg. Nagpipigil nalamang si Magda ng Hininga, TEKA—hihinga paba siya gayong napakalapit na lalo ng mukha nito sakaniya?

"Ah Magluluto nalang ako ng Almusal!" Palusot niya, sinusubukang makawala rito. Aakma na sana siyang babangon ulit ngunit maagap siyang napigilan ni Dough at muling inihiga sa kama

"Let the maids cook for us, napagod ka kakalinis kahapon kaya magpahinga ka na muna." Anito kahit pa nakapikit

'Hindi pwede! Baka magalit saakin si Megan pag nalaman niyang niyayakap-yakap ako ng asawa niya ano—pero baka rin magtaka lalo saakin si Dough pag umiwas ako! Hayst ano ba naman kasi tong pinasok ko!'  Naguguluhan niyang saad sa isipan

Bagsak Ang kaniyang balikat nang siya ay muling bumalik sa pagkakahiga katabi ng lalaki. Pigil na pigil ang kaniyang hininga, bukod kasi sa hindi siya sana'y ay nakakaramdam pa siya ng guilt para sakaniyang kapatid.

'Pagtataksil na ba itong ginagawa ko?'

"What we're you thinking Love? matulog kana." mahinang saad ni Dough sakaniyang tenga, dahilan upang mapalunok siya.

'Love? diba babe ang tawagan nila?..'

"A-ano bang nangyayari sa iyo Dough? lasing ka parin ba?" kunot noo niyang saad, napangiti lamang si Dough sakaniyang tinuran at mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakaniyang bewang

"What's Happening to me? nothing actually—masaya lang talaga ako. At lasing? pfft. Baka nakakalimutan mo na ikaw itong binuhat ko papunta rito sa kwarto ng dahil sa kalasingan mo. [Chuckles]"

Lihim na pinamulahan si Magda ng pisngi, Nahihiya siya sa narinig.

"G-ganoon ba? Pasensya na.."

"No worries, now can we go back to sleep?" Malambihg nitong bulong sakaniyang tenga na kinalauna'y kaniya ring tinanguan.
______

KINABUKASAN

Maagang nag-almusal ang dalawa, Ngayon kasi muling babalik ang mga anak ni Dough, Kasama nito ang mga byenan at magulang niya.

Hindi man maintindihan ni Magda kung bakit biglang may pa-okasyon si Dough, di narin siya nag-abala pang magtanong.

Nagsuot lamang siya ng simpleng pencil dress na kulay pula. Bumagay iyon sakaniya sapagkat mas lalo nitong inilalantad ang kumikintab niyang kayumangging kutis. Tinuruan naman siya ng kaniyang personal trainor pagdating sa pag-aayos ng mga basic steps in how to dress herself whenever there's an occassion kaya hindi nasiya gaano pang nahirapan.

pagkatapos niyang magbihis ay sakto namang bumukas ang pintuan. Iniluwa mula roon si Dough na kagagaling sa pagswi-swimming sa pool

He's just wearing his own boxershorts kaya agad na nag-iwas ng mukha si Magda, pakiwari niya'y nakakita siya ng multo. She even covered her eyes!

Di napigilan ni Dough ang matawa sa naging reaksyon nito, if it was megan baka—iba na ang naging kahihinat-nat pag nakita siya nito sa ganoong ayos lalo pa't wild si Megan kumpara kay Magda.. Napawi ang kanina niyang ngiti ng muling maalala ang babaeng pinakasalan niya sa una..

Bakit nga ba hindi niya napagtanto noon pa man na hindi naman talaga si Magdalena ang babaeng yun?

"Ano ba Dough magbihis ka naman! Diyos mio ka!" Asik ni Magda na hanggang ngayon ay nakatakip parin ng mukha

"[smirk] what's wrong? isn't I your husband? hindi ba dapat sanay ka nang makita ako ng nakaganito lang?" He said grinning, kahit pa alam naman na niya ang totoo'y hinahayaan niya parin si Magdalena na magpanggap na si Megan. Gusto niyang ito mismo ang umamin sakaniya ng buong katotohanan.. at bukod pa doon ay gusto niya rin na mahulog ito sakaniya.. Naaalala niya pa noon na siya lamang ang umamin sa dalaga na gusto niya ito..

Gusto niyang malaman kung—kahit ni minsan man lang ba sa buhay nito ay inibig siya ng dalaga..

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon