Ng Dahil sa Mangga
____
NAKARAAN
"Uy may puno ng mangga dun! Wow! ang daming Hinog, teka aakyatin ko." Masiglang sambit ng dalaga sa kaibigan niyang si Eric, Mas maliit kasi ito kumpara kay Magdalena. Di naman din iyon nakapagtataka dahil dose anyos na ang dalagita samantalang si Eric ay Sampung taon palang. Mas matanda siya sa bata kaya mas matangkad siya!
"Huy Magda baka mahulog ka!" paalala ng bata niyang kaibigan, ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus siya ay nagtuloy-tuloy lamang sa pag-akyat sa puno ng mangga
Di naman siya gaanong nahirapan dahil sanay din siyang umakyat sa mga puno ng Niyog kung kaya alam na niya kung paano akyatin ito
"Magda baka mahulog ka! baka mahuli ka ng may-ari! bumaba ka na lang!" Sigaw sakaniya ng bata mula sa ibaba.
"Tagumpay!" Masiglang sambit ni Magda ng sa wakas ay matagumpay niya na ngang narating ang puno ng mangga, Umupo siya rito saglit, at nagmamasid. Mula sa Itaas ay kitang kita ng Dalaga ang napakalaking bahay ng may ari ng manggang iyon. Napaawang siya sakaniyang bibig, Sa Barrio nila'y ngayon lamang siya nakakita ng ganoon kalaking bahay.
"Ang yaman siguro ng may-ari ng bahay na ito--"
"HOY! ANONG GINAGAWA MO RIYAN SA PUNONG MANGGA NAMIN!"
Napapitlag si Magda sa narinig, Dahilan upang mawalan siya ng balanse kaya mabilis siyang nahulog at nagpadausdos sa ibaba..
"ARAY!" Daing niya ng maramdamang tumama sa bato ang hinlalaki ng kaliwang paa niya
"MAGDA!" Sigaw ng kaniyang kaibigan, dagli siya nitong nilapitan upang mag-usisa sakaniyang paa
"Naku Magda Dumudugo!"
"SISTER JASMIN!" Mangiyak ngiyak na tawag ni Magda sa madreng kumukopkop sakanila
"Tange kaba? bakit mo tinatawag si Sister eh ang layo ng Bahay ampunan dito sa San Ines! Makakalakad ka pa ba? Hali ka aalalayan nalang kita."
Binatukan niya ito
"Eh sira ka pala eh! Anong Aalalayan, Huy Eric hindi mo nakikita iyang ka-pandakan mo! tapos ang payat-payat mo pa, kaya kong mag-lakad okay? Pipilitin ko." Aniya saka sinubukang Tumayo upang magsimula na silang maglakad, ngunit sa tuwing sinusubukan niya iyong gawin ay siya namang daing niya dahil sa tindi ng sakit ng paa, Pakiwari niya'y nabalian ata siya ng buto sa hinlalaki.
"Kung bakit ba kasi ayaw mong makinig sa sinabi ko? Di ba't ang sabi ko Huwag ka nalang umakyat." Paninermon sakaniya ng kaibigan
"Eh sa di ko alam na may bigla palang mang-gugulat doon sa itaas, Kainis. Sino kaya yun--"
"AKO NA!"
Nanlaki ang parehong mga mata nila ni Eric ng madinig ang tinig na iyon, Nagkatitigan pa sila bago sila sabay na lumingon sa likuran nila..
Halos lumuwa ang mga mata ni Magda ng makita ang isang Binata ng ito'y lingunin niya. Matangkad ito't pakiwari niya'y nasa edad desisyete na. Gwapo ang Binata, May kayumangging kulay, makapal na kilay gayon din ang pilik mata nasiyang lalo lamang nakapang-aakit sa tuwing ito'y tumitig sakaniya. Ang ilong nito'y para bang perpekto talagang binurda gayon din ang makapal ngunit napakapulang labi nito..
"A-ang gwapo niya.." Di niya mapigilang i-usal sa kawalan
Narinig iyon ng binata kung kaya napangiti ito ng bahagya, ngunit saglit lamang iyon sapagkat nilapitan nasiya nito.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa itaas ng mangga namin? yan tuloy nahulog ka. Sorry ah'." Anito
kung gayon ito pala ang sumigaw sakaniya dahilan upang siya ay magulat at mahulog mula sa itaas, Ng malaman iyon ay Biglang nagbago ang kaniyang expresyon para rito. Inirapan niya ito't itinulak palayo, dahilan upang ito naman ang matumba ngayon
BINABASA MO ANG
"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]
Roman d'amourBuong lakas na itinulak ni Dough si Magda sa harap ng malaki nilang Frame sa Kasal. Ibig niyang ipamukha kay Magda ang Kasinungalingan nito, Marahas niya itong Iginawi sa harapan ng Litrato, Umaalab ang kaniyang dibdib sa labis-labis na galit para r...