----- Shane on multimedia
ALEXADER POV..
Shit andito sya??
Anong ginagawa ng mokong nato dito. Tch.
"Hey lil bro. How are you ha?"wow ha lil bro talaga ang tawag sa akin. Kelan pa ako naging lil sa kanya eh 1yr lang naman ang tanda niya sa akin. Shit lang kelan pa dumating dito ang mayabang kong kapatid. Ka asar.
Oo nga pala Si Ruie Rey Gustillo ang aking kapatid sa labas. Hay nako ang issue lagi ng pamilya. Palaging may anak sa labas. Bago palang nung malaman naming may anak sa labas ang mommy ko. Shit, akala ko pa naman totoo si mommy may tinatago din palang lihim.
"Tch. Kelan kapa nakauwi dito." Syempre nag susungit ako sa kanya. Di ko sya close at lalong wala akong balak makipag close sa kanya.
"Wooh ang sweet mo talagang kapatid. Ganyan ka ba mag welcome ng kapatid mo ha. Haha."feeling close naman tong isang toh. At teka paano pala nalaman ng isang to na nandito ako.
"Anong ginagawa mo dito."walang ganang tanong ko sa kanya.
.
"Just to tell you na pina-pauwi ka pala ni mom sa mansion mamaya. Welcome party bro."naka smirk nyang sabi. Tch. Kahit kelan hindi ka magiging welcome sa buhay ko."Tch."masungit kong komento at tinapunan sya ng inis na tingin." Leave now."utos ko sa kanya.
"Why should I? Nakaka relax pala dito ah. Nice place. Babalik balikan ko ang lugar na ito."naka ngisi nitong sabi. Fuck. Nakakarami na tong gagong toh ah.
"F*ck. Just leave okay! Ang sakit mo sa mata."bulyaw ko sa kanya. Nyetang tao to. Lakas maka bad vibes.
"Woooh. Relax. Okay, I'll leave now. Haha. See you later bro."Whatever. See your face. Arrrgh. Kaasar tong Rey na'to. Ayun at natanaw ko na syang sumakay ng kotse nya. Shit lang at mukhang bago pa kotse nya. Ganun na ba sya ka welcome kay dad?
Kung di lang mahal ni dad si mom baka hanggang ngayo ay di pa tanggap ni dad ang ginawang kasalanan ni mom.
2yrs ago. Bago nagka-anak sila mom at dad. Isang taon namalagi si dad sa ibang bansa sa kadahilang maraming inasikaso ang dad about bussiness na di ko alam kung tungkol sa ano. At nung 1yr na wala si dad ay si mom pala ay buntis na ito sa ibang lalaki. At nung pagka-panganak ay yun na si Rey. Pina-alagaan lang ni mom sa iba at binibigyan ng sustento. Hanggang sa bumalik na si dad ay nabuo na ako.
Ang galing ni mom na itago ang lahat for almost 20 yrs. Nagawa niya iyon ng walang kahirap hirap. Kung di pa talaga nag-kasakit yung nag aalaga kay Rey ay hindi pa mabubuko ang lahat. Ito naman si mom ay lihim na nakikipagkita kay Rey.
Basta napaka gulo na nang pamilya naming simula nang sumulpot itong si Rey. Maka uwi na nga at makapag ayos. May respeto parin din naman ako sa mga magulang ko kaya pupunta parin ako.
SHANE POV..
I'm on my way sa park kung saan ako laging nagpa-palipas oras. Bukod sa school ay dito ako sa park nagpupunta simula highschool ko. Wala naman lagi sa bahay si mommy kase. Laging nasa work, si nanay lamang ang lagi kong kasama. Si nanay Isma yung yaya ko. Ang masaklap lang kase sarilu kong ina walang oras para sa akin. Oo nga nakukuha ko yung mga gusto kong bagay kaso nga lang di parin ako masaya. Sana naman maisipan ni Mommy kahit ngayong araw lang, na kailangan ko din ng atensyon na. Hindi lang yung mga materyal na bagay. Mahalagang araw toh para sa amin. Anniversary nila daddy.
SCCCCCRRRRRRRREEETTTTCCCCHH...
"Aray ko manong, ano po ba nangyari?tanong ko sa driver namin. Kase naman biglang nag-preno. Buti nlng at naisipan kong mag seatbelt. Kung di pa nangudngud na nguso ko.
Hinimas himas ko yung ulo ko na nauntog sa bintana.
"Ay sorry Shane. May tumawid po kaseng pusa."pagpapaliwanag ni manong na aakmang baba sana upang tingnan yung sinasabing pusa na muntikan ng masagasaan.
"Ako na po manong."bumaba ako at tumungo sa bandang harap ng kotse.
"Meow." sabi nung pusa sa ilalim ng kotse. Nakahinga ako ng malalim ng marinig ang pag-meow ng pusa. Buti nalang buhay pa ito. Kala ko nasagasaan na.
Akmang hahawakan ko. Kaso nagalit yung pusa at akmang susunggaban ako. Hala. Kaya naman pala kase may bitbit syang kuting. Kaso di nya matangay kase parang nasugatan yung paa ng mommy cat. Pero kahit may sugat siya ay pino-protektahan pa rin nya ang kuting niya.
Nung baby ako, ganyan din kaya ka protective si mommy sa akin?
Hay nako. Bago pa man mapunta kung saan yung iniisip ko ay winaglit ko na ito. Naramdaman ko rin na nasa likoran ko na si manong.
"Nako Shane mukhang nasugatan ang pusa."sabi ni manong.
"Ah oo nga po. May basket po yata sa likod ng kotse. Paki kuha nalang po at paki lagyan nalang din po ng sapin. Dadalhin po natin sila para ipagamot." Mahabang salaysay ko kay manong at agad naman itong sumunod.
"Ming ming come here. "Sabi ko sa pusa. "Wag ka matakot, ipapagamot kita. At huwag lang mag-alala hindi ko kukunin sa iyo ang baby mo."sabi ko ulit sa pusa na para bang naiintindihan ako. Sa gulat ko ay lumapit ito sa aking kamay at dinilaan. Napangiti ako sa ginawa nitong pagdila sa kamay ko.
"Nagugutom ka na ba? Huwag ka mag-alala sa bahay maraming pagkain." Pagkausap ko ulit sa pusa.
Nung makuha na ni manong yung basket ay agad kong nilagay yung pusa doon at sumakay sa kotse. Nagtungo kami sa veterinary.
Habang nasa byahe pinagmamasdan ko lamang ang mag inang pusa. Nakakatuwa sila kase kitang kita na mahal na mahal ng inang pusa yung baby niya. At dahil doon hindi ko maiwasang malungkot. Kase naman naisip ko buti pa yung pusa alagang alaga ang baby niya at kahit saan mapunta ay kasama niya ito. Kung di naman ay talagang binabalikan nya agad kung saan nya iniwan.
Si mommy!? Bakit di nya pa ako binabalikan hanggang ngayon? Asan na ba sya? Puro bussiness lang ang nasa utak nun. Sa kaka business niya, nakalimutan nang may anak siyang naghihintay sa kanya.
Oo nga pala nagmamay-ari kami ng mga flower garden dito sa Pilipinas. Iyon lang ang naiwang bussiness ni dad sa amin. Namatay si dad sa sakit sa puso 8 yrs. Old pa lamang ako. I'm a daddy's girl. Mas nakaka-bonding ko si Dad kaysa kay mom. At si dad rin ang nagturo sa akin magtanim. Kaya naman nung 16th birthday ko, binigay sa akin ang isang maliit na flower garden. Matagal nang nakapangalan ito sa akin nabubuhay pa lang si Dad. Isa yun sa mga natitirang alaala niya sa akin. Kase nung mamatay na si dad. Nalugi lahat ng negosyo namin. Sa kadahilang hindi marunong si mom sa business. She is a model at ni minsan nung buhay pa si dad ay never sya nagpaturo kay dad magtanim at maghandle ng bussiness.
But then ninong Jaime came. Tinulungan nya si mom ibangon ang bussiness namin at naging stable naman na ulit ang lahat. Pero simula naman nun ay wala ng oras si mom sa akin. Lagi na syang nasa ibang bansa. Kasama si ninong Jaime. Hanggang ngayon wala pa rin ako balita sa kanila.
----
AN:
Hello guys. So ayan po continue ko parn po yung story pero di po ko masyadong mkapag update kase po medyo bz sa school.Pls. Vote and comment dn po if anong mga suggestion nyo. Thats all .. Thankie :)
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
Teen FictionA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...