SHANE
Abala ako sa pag-aayos ng mga binebenta namin dito sa booth. Halos ubos kase lahat ng paninda namin kahapon dahil sa Gustillo Brothers. Sa apat na araw na pagtulong ng Gustillo brothers ay talaga namang malaki ang kinita namin kung kaya ay ang swerte ko dahil nanjan sila. Hindi na kami mahihirapan makaipon ng pera para idonate sa charity na napili namin.
Last day na ng University fair ngayon kaya naman ay kailangan talaga naming puspusang makabenta ng marami ngayon para naman madagdagan pa ang idodonate namin.
"Best labas ka muna jan." Rinig kong pagtawag ni Jhielyn sa akin.
"Bakit?" Sabi ko at lumabas ng booth namin.
"Eh kase-----."
"Hi Shane."
Hindi ko mapigilang magulat ng makita ko ang taong nasa harap ko ngayon. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito.
"Kuya pakibuhat nalang po sa loob niyang mga karton." Utos nito sa mga gons niya.
"Hi?" Tanging sambit ko.
"Ah I brought some preloved things na pwede nitong ibenta sa booth niyo. Some them ay mga bago pa at hindi ko pa nagagamit. Yung iba naman ay isang beses ko lang nagamit." Paliwanag nito.
"Ah okay?" Komento ko.
"Ah sige best asikasuhin ko lang muna ang mga ito. Maiwan ko muna kayo jan." Pagpapaalam ni Jhielyn at pumasok na sa loob. Naiwan naman kaming dalawa ni Grace dito sa labas.
"Ah maupo tayo?" Pag-alok ko sa kanya. Sumunod naman siya. Pagka-upo ay nabalot kami ng katahimikan.
Napabuntong-hininga siya bago nagsalita.
"I know you're wondering why I am here. Don't worry I'm not here para manggulo. Actually I'm here to say my sincerest sorry." Paliwanag ni Grace at hinayaan ko lang siyang magsalita. Base sa facial expression niya nagsasabi naman siya ng katotohanan.
"I know marami akong nagawang kasalanan sa iyo. Hindi ko deserve ang patawarin mo. But still I wanted to say my sorry. I'm really really sorry Shane. Alam ko dahil sa mga pinag-gagawa ko nasira ko ang relasyon niyo ni Alexander. Naging makasarili ako at hindi ko inisip na may masasagasaan pala akong ibang tao dahil sa pinaggagawa ko." Mahabang salaysay niya kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko kung kaya nilapitan ko siya at pinunasan ang mga luha.
"Sssshh. Stop crying. Baka mamaya sabihin nila inaaway kita. Naku Grace wala pa akong ginagawa saiyo." Pagbibiro ko sa kanya dahilan para magtawanan kaming dalawa.
"I know right." Sabi naman nito at patuloy na pinunasan ang mga luha. "Well Shane.y point is gusto kong malaman mo na lahat ng nakita mo sa amin ni Alexander ay pakulo ko lang. Yung paghalik ko sa kanya sa coffee shop, it was all my fault. Sinadya ko talagang halikan siya noon lalo na nung nakita kitang parating. I'm so sorry." Sabi nito at bumuntong-hininga ng malalim.
I kept myself silent. Nakinig lang ako sa kanya dahil sa totoo lang wala akong masabi. I don't know what to say. Hindi ko rin sigurado kung ano ang nararamdaman ko. Masaya ba ako dahil sa wakas inamin din lahat ni Grace lahat at ibig sabihin lang nun totoo si Xander sa akin. Pero part of me ay malungkot din. Kase hindi ko alam kung mababalik pa ba namin ni Xander ang dating relasyon namin. Ano ang mangyayari sa amin.
"I am really really sorry Shane. I know naging desperada na ako. Napagmukha pa kitang masama nun sa hospital. I'm sorry. Don't worry nakausap ko na si Alexander. Naipaliwanag ko na ang lahat sa kanya. Sana mapatawad mo ako." Sabi nito kasabay ng pagluhod sa harap ko.
"Oh my God Grace. Tumayo ka jan. You don't need to do that." Hindi ko mapakaling sabi sa kanya. Paano ba naman kase lumuhod siya sa harap ko. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante.
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
Fiksi RemajaA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...