AN: mga ka Sera, namali ako ng type ng name sa last update ko. Grace po ang name nung ex ni Xander at Hindi Luna. Sa isang story ko pala yung si Luna. Haha. Sorry.
-----------
SHANE POV..Pagkatapos ipagamot ni Rey yung mga pasa at kalmot ko ay agad nya akong dinala sa ice cream parlor at pizza parlor. Kumain kami ng kumain. Sabi nya makakatulong daw iyon upang mabawasan ang bigat ng nadarama ko kaya naman ay hindi na ako tumutol na magpunta doon.
Grabe, tama nga sya. Maliban sa gumaan nga ang pakiramdam ko ay nabusog pa ako at syempre nag enjoy rin. Marami kasing mga bata ang nandun kaya naenjoy ako sa pakikipagkulitan sa kanila.
"Oh, ano nag enjoy kaba?"tanong sa akin ni Rey na ngayon ay abala sa pagmamaneho.
"Sobra, as in." Nakangiti kong tugon sa kanya."Salamat Rey ha. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Sincere kong sabi sa kanya. Totoo yun. Kase sa tuwing nasa disaster ako, laging anjan si Rey at tinutulungan ako. Para tuloy akong si Damsel in distress.
"Nah, its nothing. I'm glad helping you. Feel ko kase super hero ako." Pagbibiro nito at nagtawanan kami ng dalawa. Hays, ang gwapo talaga nitong si Rey. He has the perfect smile. Pantay at mapuputing ngipin at higit sa lahat every time he smile ay ngumingiti rin ang kanyang mga mata.
"Haha, oo nga eh. Feel ko din ako si Damsel in Distress. Lagi mong ni-rerescue." Buti pa si Rey, laging nandyan tuwing kailangan ko ng tulong. Samantalang si Xander----si Xander na nangakong po-protektahan ako at aalaganaan ay wala. Nandun sa ex nya. Saklap pa, dahil ngayon sya ang dahilan ng heartache ko.
"Natahimik ka? Naalala mo na naman sya?"tanong nya sa akin kasabay ng pag park nya ng kotse nya sa harap ng bahay namin.
Oo nga pala, naikwento ko na pala sa kanya kung ano ang nangyari sa akin kanina kung bakit ako nagka ganun. Galit na galit nga sya Kay Xander eh. He said na ang isang tulad ko daw ay di dapat sinasaktan. Dapat minamahal. Sweet nya diba.
"Hays, pangalanan mo na kase kung sino ang lalaking iyan ng maturuan ko ng leksyon. I told you, a girl like you should be loved and not to be hurt." Seryosong sabi nito. Hindi ko kase pinangalanan kanina si Xander habang nagke kwento ako sa kanya. Feel ko kase malaking gulo yun kung sakali. Kahit naman Hindi sila magkakilala dalawa pero base sa inaakto ni Rey kanina ay handang handa syang hanapin si Xander para maturuan raw ng leksyon. Hays.
"Haha. Ikaw talaga. Sige na. Baba nako. Salamat ulit ha. Babawi ako sayo next time promise."
"Nah, you don't need to. Masaya ako sa ginagawa ko Shane. And besides------."
"And besides?" I asked him.
"I..... I like you Shane"
Lubdub lubdub..
" I, the first time I laid my eyes on you may iba na agad akong naramdaman dito." Sabi nito sabay turo ng puso nya. "I know parang Hindi kapanipaniwala but my heart say it all. It doesn't matter if you will believe me or not, as long as you're aware of what I really feel for you. OK na sa akin yun."
0_0
Shems, did he just confess his feelings to me? What should I say? I don't know
"I----ah. Ahm."
"Sssh. You Don't need to say anything Shane. Alam kong nabigla kita. As I said, I just want you to be aware of what I feel. Ayokong isipin mong tsina-chansingan kita." Pagbibiro nito kasabay nito ay pagtawa naming dalawa.
"Haha. Baliw. Oo naman. Tsaka, napaka gwapo mo naman para man-chansing sa akin ano."
"Bakit? Napaka ganda mo rin naman kase."
>.<
Enebe Rey, nakakahiya na. Gosh, I think mukha na akong kamatis nito.
"Pero seryoso nga Shane. I am willing to be your crying shoulder. Kung kailangan mo ng susuntukin dahil sa galit, pwede mo akong gawing punching bag. Handa rin akong maging panakip butas kung kinakailangan mo. I can be what ever you want Shane. Know why? Cause I hate seeing you crying and most of all, hurting. You don't deserve to be hurt. You deserve to be happy." Seryoso nyang sabi while looking to my eyes. Dalawang kamay nalang ngayon ang layo ng mga mukha namin kaya feel ko naririnig ko ang pagtibok ng puso nya eh--- ay baka puso ko yun? Gaaahh, grabe ang tambol ng puso ko. Ano sasabihin ko?/Ewan.
"Haha ikaw talaga." Awkward ko na tawa. "Ah sige babye na ingat sa pag uwi ha." Pagpapaalam ko at bubuksan na sana yung pinto ng hawakan nya ako sa braso kaya nahinto ako at humarap sa kanya.
"Ah, Shane?"
"Yes?"
"Ahm, pwede ka bang mahatid bukas?" Pagtanong nito sa akin. Asdfghkl. Seryoso? Ihahatid nya ako.
"Ha? Ah, sure. Hehe. Sige good night." Sabi ko at dali dali ng bumaba ng kotse nya baka kase mamaya pigilan na naman nya akong bumaba at kung ano na naman ang ipakiusap. Di ko na keri iyon. Pumasok ako ng bahay namin ng naka tungo at medyo matulin ang paglalakad ng nakatanggap ako ng text.
From: Rey
Good night Precious Shane. Dream of me 😘0_0
Kyaaaaaah >.<
Rey? Bakit ganyan ka. Pinapakilig mo ako.
"Oh hija. Anjan kana pala. Teka? Bat pulang pula yang mukha mo." -3- seriously? Sa lahat ng pwedeng pansinin ni nanay yung namumula ko pa talagang mukha? Eh di man lang sya na curious bakit andami kong pasa at kalmot?
"Nanay talaga. Ahm mainit lang kaya namumula ako." Palusot ko.
"Asus, mainit o baka kinikilig lang." Sabi ni nanay.
"Hala si nanay. Kung ano ano ang pinagsasabi. Kayo nga Jan eh mas nauna nyo pang napansin na kinikilig ak-- ay este namumula ang mukha ko kesa sa mga pasa ko at kalmot." Kunwari nagtatampo kong sabi.
"Alam ko naman kaseng OK ka lang eh. Tsaka alam ko naman na inalagaan kana ni Rey." Nakangiting sabi nito sa akin
"Hala nay? Paano mo nakilala si Rey?" Gulat kong tanong sa kanya. Ang alam ko kase Hindi ko pa pinapakilala si Rey Kay nanay eh.
"Pumunta kase sya kanina dito hinahanap ka. Tyempo naman na nasa hospital ka kaya sinabi ko nasa hospital ka at may binisita." Ah so that's why nandun sya sa hospital kanina. Akala ko naman may bibisitahin lang kaya andun sya.
"Ah oo nga pala may dala syang bulaklak para sayo. Andun sa kwarto mo nilagay ko." Kilig na pagkwento ni nanay. "Hija manliligaw mo ba yun? Naku naman ang ganda talaga nitong alaga ko. Ang ga gwapo ng manliligaw."
"Hala nanay, Hindi po. Kaibigan ko lang yun. Tsaka di pa po kami ng matagal na magkakilala kaya Malabo yang sinasabi mo." Sabi ko Kay nanay. But I know deep inside its possible na mangyari. God, he just confess his feelings to me earlier.
"Ay, ganun ba? Hala sige magpahinga kana. Dadalhan nalang kita ng gatas sa kwarto mo."
"Sige po. Salamat nay."
Agad akong umakyat sa kwarto. Andami lang talagang nangyari ngayong araw na ito. Masakit pero masaya parin. Kase Papa God never let me feel down. Instead he sent me an angel para ipaalala sa akin na kahit ano mang maranasan natin. Masakit at mahirap man, may nagmamahal parin sa atin. Kaya ako, maniniwala akong everything has a reason kung bakit ito nangyayari sa atin.
🐩🐩🐩🐩🐩🐩
Song: I'll beTeam Shander or Team ShanRey
😊😊
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
Teen FictionA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...