Chapter 49

51 8 2
                                    

SHANE POV

May mga pagsubok sa buhay natin na hindi natin aakalahing makakayahan nating harapin. Na akala natin ay wala nang solusyon at parang katapusan na natin dahil sa hirap at bigat nang dinadala natin. Pero katulad nga nang sinasabi ko, hindi tayo bibigyan ni God ng problema o pagsubok na alam nyang hindi natin kayang harapin at solusyunan.

Ano mang pagsubok na binigay ni God sa atin ay dapat natin pasalamatan, dahil para sa akin ito ay isang blessings. Bawat pagsubok na binibigay nya sa atin ay isang paraan para tayo ay maging mas matatag at malakas. At higit sa lahat ay mas lalong lumalim ang pananalig natin sa Kanya.

"Hays, ang ganda naman ng araw na ito. Sana ganito nalang lagi." Komento ni Kristal na ngumunguya ng hotdog sandwich nya. Nandito kami ngayon sa isang stall na nakahilera sa school ground namin. Ngayon kase ang start ng University Fair. Ibig sabihin, walang klase ng isang linggo at mga events lang.

Punong puno ng food stall dito sa area na kinatatayuan namin dahil ito lang naman ang food bazaar area. Bale nahahati sa tatlong area ang field ng school namin. Sa left side ay ang mga booths na hinanda ng highschool department, sa right side ay mga stall na kung saan ay may binebenta silang kung anu-ano katulad nalang ng mga T-shirt, key chains at marami pang iba na pwedeng gawing remembrance at regalo.
Syempre hindi mawawala ang booth namin doon magkaibigan.

Nagbebenta kami ng mga bagay na pinaglumaan namin na mapapakinabangan pa. At syempre, sa gitnang part ng field na ito ay ang food bazaar. Ang favorite spot nila Kristal at Cristy.

"Sus, bilisan mo nalang kumain Jan. Kelangan pa natin bumalik sa booth natin." Suway naman ni Rose.

"Ihhhhhh. Grabe naman! Limang minuto pa nga lang tayo nawawala dun. Sila muna pagbantayin natin dun." Pagrereklamo naman ni Kristal.

"Tsk. Psh, so ingay Kristal. So annoying." Maarteng komento ni Cristy.

"Sssh. Magsisimula na naman kayong dalawa Jan. Kumain na lang kayo." Pag suway ulit ni Rose kina Cristy at Kristal.

"Nasaan si Jhie?" Tanong ko sa kanila.

"Ayun oh." Sabay sabay na turo nila Cristy, Kristal at Rose sa gawi ni Jhie na ngayon ay kasama si Jubert na naka holding hands pa habang nagsusubuan ng French fries. Like seriously? PDA masyado, ang sakit nila sa mata.

"Eh sino nagbabantay sa booth natin?" Kunot-noo kong tanong sakanila.

"Uh, si Ate Jelai?" Hindi siguradong sagot ni Rose.

"Nope. I saw her kanina umuwi cause she said masakit ang head nya." Sabi ni Cristy na naka-kunot na rin ang noo.

"Ibig sabihin walang nagbabantay sa booth natin?!" Deklara ko at dali dali pumanhik pabalik ng booth namin. Anak ng tinapa. Baka mamaya mawala pa yung mga paninda namin doon. Akala ko pa naman naiwan si Jhielyn doon. Tsk.

"Wait for us Shane!" Sigaw ni Kristal habang tumatakbo patungo sa akin. Hindi ako tumigil at diretsong naglakad patungo sa booth namin.

But to my surprise ay andaming mga estudyanteng nakapalibot sa booth namin. Nag-aagawan pa sa mga paninda namin.

Dali-dali akong nakipagsiksikan sa mga estudyante upang makapasok sa loob ng booth namin. Tsaka ko nakita ang dahilan kung bakit andaming mga estudyanteng nagkakadarapang makabili sa aming booth.

The Gustillo brothers are here. Alexander and Rey. Rey is wearing black t-shirt na may naka-sulat/print na "buy 1 free selfie with him". Samantalang si Xander naman ay naka-white T-shirt at may naka print na free hug to all buyer.

"Wow. Hanep ah." Komento ni Kristal na ngayon ay nasa tabi ko na pala.

"Shems, kaya naman pala andami natin costumer. Ang ga-gwapo naman pala ng tindero." Naaaliw na komento naman ni Rose.

Great Pretender Meet Mr. CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon