SHANE'S POV
Agad akong naupo sa seats ko katabi kay Jhie. Late na kase ako ng 5 minutes pero buti nalang at wala pa yung prof namin kaya nagka-chance pa akong..
Pak..
"Aray naman best, ang sweet mo talaga. Sapak agad bungad mo sakin."madramang sabi ni Jhie habang himas-himas yung braso niya na pinalo ko.
"Wow ha, nahiya naman ako sa usapan natin na sunduin mo ako."sagot ko naman sa kanya sabay irap.
"Eh, wag ako sisihin mo. Kundi yung soon-to-be-boyfie mo no'."naka nguso naman niyang sabi. Tss di bagay sayo best para kang pato.
"Ano? May nalalaman ka pang soon-to-be-boyfie jan. Mga palusot mo talaga Jhielyn. Wag ako."ayan beastmode nako. Tsk. Ayaw pa kase umamin na mas inuuna nya bf nya kesa sakin. Oo bf nyang si Jubert yung ultimate crush niya. Tsss
"Nagka-boyfriend ka lang nawalan kana ng time sa akin."dagdag ko pa na medyo may halong pagkatampo yung boses ko. Totoo naman kase, dapat nung walang pasok kami ang magkasama pero asan sya? Andun sa bf nya. Kakatampo kaya.
"Naks naman nagtatampo na bessy ko, sorry na kase best. Pero promise di ko talaga sinasadya yung kanina. I was about to pick you up pero tinawagan ako ni Alexander na sa kanya kana daw sasabay. So I decided na mauna nalang. Di na rin kita natawagan kase sabi nya ikaw daw nag-utos sa kanya na tawagan ako."mahabang paliwanag naman nya na dahilan upang maningkit ang aking mga mata. I was about to react pero biglang dumating yung prof namin kaya natahimik na kami. Psh. Humanda ka sa akin mamaya Xander.
But on the second thought, isn't it sweet? Nag-effort syang sunduin ako. Nah, nag-effort kamo syang asarin ako..
At pakiligin..
Aish. Erase erase. Galit nga ako sa kanya ok.
-------
Lunch time.."Oh my gosh, I miss you girls. Uwaaaa."malakas na atungal ni Kristal sa amin ni Jhie samantalang si Rose naman ay sinalubong agad kami ng yakap.
We're here in the cafeteria, taking our lunch with Jhie nang maabutan kami nila Kristal,Rose at Cristy dito. Siguro kakatapos lang ng class ng mga toh.
"Duh, shut up Kristal. I'm so naiinis na to your voice." Pairap na sabi ni Cristy kay Kristal bago bumaling sa amin ng naka-ngiti.
"Oh hi dear Shane and Jhie. Long time no see."maconyong sabi naman ni Cristy at tumabi na kay Rose na naka upo sa harap ko.
"Hmmp. Inggit ka lang kase ako ang unang bumati kina Shane."atungal ni Kristal sabay belat kay Cristy. Haha isip bata talaga kahit kelan.
"Why would I? Duh, I'm not naiinggit kaya noh. Hmmp."pagsusungit naman ni Cristy kay Kristal. May PMS yata ngayon si Cristy dahil nakabusangot ang mukha at pinapatulan nya ang kalokohan ni Kristal.
"Whatever CristyMante."dagdag na pampabwisit pa ni Kristal samantalang si Cristy naman ay naka-busangot lang ang mukha
"Naku, magsitigil na nga kayo jan. Pag-untugin ko kaya kayong dalawa."pag aawat naman ni Rose kina Cristy at Kristal. Hay, salamat naman at di ko na kailangan magsalita para suwayin ang dalawang toh. Kaya gustong gusto ko to si Rose eh, madalas na tahimik pero once na nagsalita masisindak ka. Haha.
"Psh."sabay na sabi ni Cristy at Kristal at sabay ding sumubo ng Carbonara. Natawa nalang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Lagi silang nagtatalo pero at the end pareho naman ng gusto.
"Kumusta pala Shane, balita ko nagkakamabutihan na kayo ni Alex."singit naman ni Rose na ikinasamid ko. Umiinom kase ako ng buko shake ng sabihin nya yun.
"Uy, ok ka lang best?"tanong ni Jhie sa akin habang hinahagod ang likod ko. Tinanguhan ko lang sya nung nahimasmasan ako.
"A-ano? Kami? Nagkakamabutihan, gahhhd. Where did you get that rumor."medyo di makapaniwala kong tanong ko sa kanya. "Grabe ha, di nga kami magkasundo nun at higit sa lahat wala naman ginawa yung taong yun sa akin kundi bwisitin ako araw-araw,minuto-minuto, oras-oras. Nagkakabutihan ba tawag dun."dagdag ko pa. Naku, masasakal ko talaga yung nagkalat ng chismis na yun.
"Wooh, easy girl. Defensive ka naman masyado. Haha." Tawang-tawang sabi nya. Psh. Ano kaya nakaka tawa dun.
"Pero di nga? Araw-araw? Minuto-minuto? Oras-oras?"manghang tanong naman ni Jhie at tanging pagtango lang ang sagot ko. Ngumunguya kase ako ng palabok.
"OMG!!"sabay na sigaw nila Cristy at Kristal. Tingnan mo to, kani-kanina lang di magkasundo tas ngayon kung makasigaw, wagas.
"Kung makasigaw naman kayo jan. Psh."inis kong sabi.
"So it means araw-araw kayong magkasama?"mala-intrigang tanong ni Kristal sa akin.
"Ah, yeah. Sort of."nagtataka man ako sa inaasal nila pero sinagot ko parin mga tanong nila. Tsk. Ang w-weirdo lang nila. Kung maka ngisi abot tenga pa.
"So, what else did you do pa during last week ?"mala-intriga pang tanong ni Cristy sa akin.
"Uhh, wala lang. Namasyal, but mostly nasa house lang kami, tinutulungan nya ako sa garden kase naisipan kong ayusin at baguhin yung landscpe. Ginawa ko syang hardinero, pinagdidilig, pinagbubunot ng mga damo at taga hakot narin ng mabibigat na bagay."masaya kong kwento habang naalala yung mga pinag gagawa namin last week. At dahil dun ay diko namalayang nakangiti na pala ako.
"Yii, you're smiling Shane. Siguro nag enjoy ka talaga last week."sabi ni Kristal na may kasama pang palakpak. Baliw talaga tong babaeng toh.
"Naks, lume-level up na ang bestie ko ah."nakangisi paring sabi ni Jhie habang kinikilig. Eh? Ano kaya'ng nakakakilig dun.
"So, Shane dear, whats the pakiramdam to be with Alex?"nakangiting tanong ni Cristy. Dahil sa tanong na yun ay mas lalong sumiksik sila sa akin.
"Wait ha, alam kong miss nyo ko pero pwede bang lumayo kayo ng konti ang init kaya."nakasimangot kong sabi sa kanila. Kahit naman naka aircon yung cafetiria namin pero ang init parin kaya noh.
"Ahehe sareeh. Pero daliii naaa. Tell us na kase."matinis na sigaw naman ni Jhie sa amin.
"Eh bakit ba kase gusto nyo malaman."inis kong sabi sa kanila. Kase naman, ayokong i-share baka mamaya mawala yung kilig. Yii.
"Yah, look. We're just curios if whats the pakiramdam to be with the ultimate hot guy Alexander. We all know that he's kinda sikat here sa school. And to think a guy like him? Ginawa mo lang hardinero sa inyo." Mahabang salaysay naman ni Cristy na ikanatulala ko naman.
Oo nga ano. Ba't di ko naisip yun. Sikat sya sa school namin dahil isa lang naman sya sa mga multi-talented hot guy sa university namin. He can sing, dance and play guitar plus gwapo sya. But whats weird kase bigla nalang kami naging close at di sya nagdalawang isip na maging kaibigan ako. Sino lang naman ako dito sa school na'to isang hamak na estudyante lang. At isa pa walang kaarte arte nya akong tinulungan sa garden ko.
"OMG!!" Nabalik ako sa realidad nung narinig ko ang sabay na pagsigaw ng mga kaibigan ko. Nakatingin sila sa likod ko kaya naman ay napatingin na rin ako sa likod ko.
"Hey girls, kumusta kayo."nakangiti nyang sabi habang papalapit sya sa kinaroroonan namin. Ugh, why so hot?
"Hey Shane can I seat beside you?" Shems ang gwapo nya talaga.
----
AN: MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR EVERYONE ^____^LOVE,
msSeraphic
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
Teen FictionA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...