Chapter 52

42 4 0
                                    

ALEXANDER

Nandito ako ngayon sa band room namin at kakatapos lang namin mag rehearsal para mamayang gabi na performance namin.

"Pre lalim ng iniisip mo ah. Babae?" Sabi sa akin ng ka banda kong si Carl at tinapik ang likod ko.

Natauhan naman ako kaya umayos ako ng pagkakaupo.

"Tsk. Babae nga." Sabi naman ng isa ko pang ka banda na si Richard. Apat kase kaming magkasama sa banda na binuo ko noong first year college pa lamang ako. At tinawag namin itong Blue Boice.

"Iinom mo nalang yan." Sabi ulit ni Richard at inabutan ako ng San mig light na in can.

"Tsk. Gag*. Paano mo napasok toh dito." Sabad ni Carl habang hawak hawak ang San Miguel light.

"Nu kaba, Last day ng University fair kaya pwede toh." Sagot naman ni Richard at tinungga ang San mig niya.

Ako naman ay tinungga din ang San mig na binigay niya.

"Pre." Tapik sa akin ni Jubert na kakarating lamang.

Tiningnan ko lamang siya at tumungga ulit. Nakaka dalawang can na agad ako.

"Wooh easy Pre. May performance pa tayo mamaya." Komento ni Carl nang makitang nakakadalawang can na ako.

Magbubukas na naman sana ako ng isang can kaso inagaw ito ni Jubert.

"Fvck." Sambit ko.

"The hell Pre?" Maangas na sabi ko kay Jubert.

"Wooh. Easy Pre. Easy." Saway naman ni Richard sa akin.

"Chill lang." Sabi ni Carl.

"Alam mo Pre hindi mo mareresolba ang problema mo sa pag-inom." Panimula ni Jubert na seryosong nakatingin sa akin.

"The hell you care pre." Sabi ko at inagaw ulit ang can beer sa kanya. This time nabuksan ko na iyon at tinungga.

"Of course I care pre. Best friend kita at parang kapatid na ang turing ko sa iyo." Natigilan ako sa sinabi niya.

"Sorry pre." Malumanay na sabi ko.

"No need to sorry." Sagot naman nito.

"Now tell me what happen." Seryosomg sabi nito.

Kumuha ako ng malalim na buntong hininga at sinimulan ang pagk-kwento sa kanya sa lahat ng nangyari.

Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang ibang pangyayari kaya napadali ang pagk-kwento ko. At syempre yung pinaka latest na sagutan namin ni Shane kanina. That moment that cause my heartbreaks now. Fvcking heartaches.

Habang sinasabi ko ang paalam ko kanina sa kanya. Umiyak siya. Umiyak siya sa harapan ko. At sa mga oras na iyon gusto ng gusto ko siyang lapitan upang patahanin. Upang pagaanin ang nararamdaman niya. Kaso naisip ko, baka kaya siya umiiyak ay dahil masaya siya na sa wakas hindi ko na siya guguluhin pa. Na sa wakas wala nang hahadlang pa sa kanila ng kapatid kong si Rey.

Masakit man tanggapin ngunit kailangan. Kailangan ko siyang palayain upang hindi na ako maging sagabal pa sa kanila ng dalawa.

"Pre... Hindi ako love expert kase alam mo naman Hindi ako nanligaw at hindi rin ako nag habol ng babae."

"Gag*!" Natawa kong sabi sa kanya. Well he's right hindi naman talaga siya nahirapan kase yung girlfriend niya ang humabol sa kanya. Swerte lang talaga ng gag*ng to.

"Woooh Lodi!"

"Petmalu!"

Komento nung dalawang kanina pa tahimik.

Great Pretender Meet Mr. CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon