ALEXANDER'S POV..
Nagdadrive ako ngayong, nakasunod sa ambulansya. Sa tabi ko ay si Shane na panay ang iyak.
Si Reiko ay nandun sa ambulansya kasama ang mama nya. Buti nalang talaga at may ambulansyang nakahanda in case may mangyaring masama. Like nito.
Si Shane panay ang agos ng luha nya. Habang nagda-drive ay di ko mapigilang magpasulyap-sulyap sa kanya.
"Bakit ganun, bakit ngayon pa."usal ni Shane na panay parin ang iyak. I dont know how to comfort her.
"Dont worry, everythings will be alright."tanging sabi ko sabay abot ng kamay nya at pinisip pisil ko iyon.
Kahit papaano ay di na sya masyadong umiiyak. Medyo ngumiti na sya pero kita parin ang lungkot sa mga mata nya.
-----
Few minutes later..Nang makarating kami sa hospital ay agad naming tinungo ang emergency room. At naabutan namin ang mama at papa ni Reiko dun.
Ang mama ni Reiko ay iyak na ng iyak. Agad naman nilapitan ni Shane ito at niyakap. Pareho na silang umiiyak ngayon.
"Ang baby Reiko ko,---- magiging ok sya diba. La--laban sya diba."halos pabulong na sambit ng mama ni Reiko. Kahit si Shane ay halos di makapagsalita kaya tanging tango lang ang naisagot nya.
Naawa na ako sa kanila pati kay Shane. Kahit naman sa madaling panahon lang nakasama at nakilala ni Shane si Reiko ay alam at nadarama kong tunay na napamahal na ang bata sa kanya. Sino ba naman kaseng hindi mapapamahal sa isang tulad ni Reiko na napaka bait at lambing pang bata.
Nakakalungkot isipin na sa lahat ng araw ay ngayon pa inatake si Reiko. Kawawang bata.
Makalipas ang ilang oras na paghahantay ay lumabas na rin sa wakas ang doctor. Ngunit ayon sa mukha nito parang nararamdaman ko ng di maganda ang balita.
"Shane, bakit di muna kayo pumunta ni Mrs. Yu sa chapel para magdasal."mahinahon at nakikiusap kong sabi sa kanya. Mukha naman na gets ni Mr. Yu ang ibig sabihin ko kaya pati ito ay sinabihan ang asawa.
"Oo nga sweet, ako na ang bahalang magbalita sayo. Mas mabuting ipagdasal nyo muna ang ating anak."baling naman nito sa kanyang asawa.
"Pero sweet, gusto kong marinig ang sasabihin ng doktor."pagpipigil ng Ginang. Binigyan ko naman ng nakikiusap na tingin si Shane. Na parang naunawaan nya naman agad.
"Ahm Mrs. Yu, tara na ho. Mabuting alamin nalang natin mamaya. Magandang magdasal tayo upang masigurado ang kaligtasan ni Reiko."pangungumbinsi naman ni Shane sa Ginang. At di nagtagal ay pumayag din ito.
Bago pa man umalis ang ginang ay niyakap ito ng asawa nya. Samantalang ako naman ay hinawakan ang dalawang kamay ni Shane at pinisil pisil. At tanging ngiti lang ang ginanti nya sa akin.
Nang naka alis na sila ay agad naman naming hinarap ang doktor. Upang malaman ang kalagayan ni Reiko. At ayun nga ay isinalaysay nya ang mga detalye...
-------
Matapos ang masinsinang pag uusap. Nagtungo agad kami ni Mr. Yu sa chapel ng hospital.
Nang magtagpo ang mga mata naman ni Shane ay wala akong sinayang na oras. Tumakbo ako patungo sa kanya at agad niyakap. At sya man ay napayakap din sa akin.
Tumagal din ang yakap namin ng 30 secs. Hanggang sa narealize ko ng ginawa ko ay biglang napabitaw ako. Nahiya ako sa ginawa ko. Baka isipin nya eh pinagsasamantalahan ko sya.
"Ahhh----ehhhh "sabay naming bigkas. At nagkatinginan kaming dalawa. Sya yung unang yumuko, ako naman ay napakamot sa ulo.
Yung totoo Alexander, kelan kapa naging ganyan. Kelan kapa naka feel ng awkward.
Para mawala yung awkward sa atmosphere namin dalawa ay nginitian ko sya at sinabihang maupo muna kami. At agad naman syang naupo. Samantalang ang mag asawa ay nakita ko kanina pang umalis ng chapel. Siguro pinuntahan na nila si Reiko.
"Ah, uhm kumusta pala si Reiko?"pagbabasag nya ng katahimikan. Pero kita ko sa mata nya ang pag aalala.
Bago sumagot ay nginitian ko sya. "She's fine now. Lumalaban sya sa sakit nya. Though sabi ng doctor ay medyo sensitive ang kalagayan nya at medyo malala na."
Matagal bago nakapag react si Shane. Naiintindihan ko yun. Pero ayon sa mukha nya. Masaya sya pero may halong lungkot parin.
"Ga-ganun ba? Kawawa naman sya. Napaka bata pa nya para magdusa sa isang sakit na ganun."sa wakas nakapagsalita na rin sya.
"Huwag kang mag alala. Reiko is a figther."sabi ko naman na ikinangiti nya."oh, ano tara sa kwarto nya. I bet nailipat na sya nang room."
At yun ang hudyat namin upang lisanin ang chapel at nagtungo na kami sa kwarto na pinaglipatan kay Reiko.
-------
SHANE'S POV...Kakauwi ko lang pala ng bahay. Nandito na ako sa kwarto naka higa. Grabe mag aalas 2 na din pala ng madaling araw. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na ito.
Oo nga pala. Hinatid ako ni Xander. Tumanggi pa nga ako noong una kaso he insisted. Baka daw mapaano ako. Wow,concern ^_^
Pero bago ako kiligin. Nalulungkot talaga ako dahil sa nangyari kay Reiko. Pagpasok namin ng kwarto niya kanina ay natutulog si Reiko. Isang malaanghel na mukha ang natutulog. Ni hindi mo makakakitaan na may dinadamdam syang malubhang sakit.
Bukas na bukas din pagkatapos nang klase ay bibisitahin ko sya. Gusto kong maging updated sa kalagayan ni Reiko.
Nakahiga na ako pero di parin ako makatulog. Siguro dahil din medyo inaabsorb ko pa lahat ng nangyari. Sa isang araw, lahat nangyari. Ang kilig,saya,excitement at pagluha at kalungkutan. Kumbaga TOTAL PACKAGE DAY.
¶¶ neon nae-ge ba-nhae-sseo ba-nhae-sseo
tal-komhan naesarange no-ga-beor-yeo-sseo
neon nae-ge ba-nhae-sseo ba-nha-esseo
hwahng-ho-rhan nae nunbite chwii-hae-beor-yeosseo
See my eyes
neon nae-ge ppa-jyeo-sseo
See my eyes
neon nae-ge ba-nhae-sseo ¶¶Opsii.. Ringtone ko po yan. Si Yonghwa yung singer. Hehe favorite ko sya eh.
Hmmm. Sino kaya ang tumatawag. Pinatapos ko pa talaga yung ringtone bago sagutin. Hihi. Sarap kaya pakinggan ang boses ni Yonghwa.
0_____0
Xander calling..
Si Xander pala tumatawag. Bakit naman kaya.
"Hello?"sagot ko na medyo naiilang. Kase naman eh.
[Uhh, hey. Hi.]
"Uhh, napatawag ka?" Tanong ko kunwari. Kase clueless ako bat sya napatawag.
----
An; hello. Sorry super late update. Busy kase sa schools. Finals na kase. Hope you understand. Anyway enjoy reading
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
Teen FictionA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...