ALEXANDER POV..
Nakabihis na ako at nakaharap sa salamin. Naririnig ko na ang sound sa labas ng bahay. Siguro di na magtatagal magsisimula na yung party. Welcome party ng gag* kong kapatid. Tch feeling VIP talaga.
Toktoktok..
"Hijo, pinapatawag kana ng daddy mo."sabi ni yaya pagkapasok nya dito sa kwarto. Si yaya Lucy ang nag-alaga sa akin bata pa lang ako hanggang ngayon kahit malaki nako ay nagsisilbi pa rin sya dito.
Lumapit sya sa akin at inayos ang kwelyo ng damit ko. "Hay binata na talaga ang alaga ko." Sabi ni yaya na nakatingala na sa akin. Sa tangkad ko ba naman kase na 6ft.
Nakatingin lang ako kay yaya at hinihintay ang susunod na sasabihin nya. "Baka isang araw ay magpakilala kana ng papakasalan mo ha."bahagyang natawa si yaya at pati narin ako.
Si Shane ....
Ha? Bakit sya agad naisip ko? Samantalang di naman kami close nun at isa pa ang sungit sungit kaya nun. Parang ang hirap nga nun paamuhin. Pero hindi eh. Alam ko mabait sya. Oo at nasaksihan ko yun.
Flashback...
Inis akong umalis sa park dahil sa pinapauwi nako. Patungo na ako kung saan ko iniwan yung bike ko. Oo tama kayo bike at hindi kotse. Nasa may gilid ng puno ko iyon nilagay. Palabas na sana ako patungo sa kabilang parte ng park. Mas malapit kase kung doon ako dadaan pauwi. Sa di kalayuan. Nakita ko siya.
Si shane..
Dugdugdugdug.
Bakit ganito yung puso ko. Ang bilis ng tibok ng puso. Yung Kabilang side ni Shane. Yung mabait na Shane.
"Ming ming come here. Wag ka matakot ipapagamot kita. Wag ka mag-alala di ko kukunin yung baby mo sayo."rinig kong sabi ni Shane. Nasa likod lang ako ng puno nagtatago. Tama nga, tuwing sabado ay pumupunta sya dto sa park. Saan ko nalaman? Syempre sa diary nya. Nasa akin parin yun.
End of flashback...
Nung time na nakita ko siya sa park. Kitang kita ko ang lungkot sa mata niya. Kakaibang lungkot. Na para bang gusto ko syang lapitan at yakapin at sabihing andito lang ako. Ahhhhh shit. Bakit ko ba sya iniisip. She's nothing ok. Forget her Xander. Kainis.
"Ah. Haha si Manang talaga. Magtatapos po muna ako at magtatrabaho. Ayoko hong umasa sa yaman ng magulang ko. Gagamitin ko po ang napag-aralan ko upang mabuhay at maitaguyod ang pamilya ko balang-araw."mahabang salaysay ko. Pero totoo naman ah. Ayokong umaasa sa kanila. Kung ano man ang nakukuha ko galing sa magulang ko ay pinaghihirapan ko muna. Kaya nga andami kong achivements eh. Di naman sa pagmamayabang pero lagi akong top 1 sa class namin.
"Ah ganun ba, napaka-responsable mo talagang bata ka." Komento nito na naka ngiti.
"Ikaw ba ay may galit parin sa mama mo?"tanong ni yaya sa akin na agad nanlaki ang aking mata. Ewan ko. Naguguluhan ako. Di ko alam. Pero oo galit parin ako. Di niyo ako masisisi dahil nagsinungaling ang mommy sa akin. Akala ko totoo sya, sya ang naging best friend ko simula pa nung bata ako. Lahat kay mommy ko sinasabi dahil naniniwala akong totoo sya.
Nilayo ko ang tingin ko kay yaya at naupo sa kama kasabay nun ang malaking buntong hininga ko. "Yaya, paano ko mapapatawad agad ang taong pinagkatiwalaan ko na di lang ina ang turing ko kundi pati matalik na kaibigan. I doubt yaya."yun lang nasabi ko at ilang sandali kaming nabalot ng katahimikan.
-----------
Third person POV..Samantala, habang nag-uusap sila Alexander at yaya nito. Di sinasadyang narinig ni Mrs. Gustillo ang pinag-uusapan nila, ang mommy ni Alexander.
Damang dama ni Mrs. Gustillo ang sakit sa narinig niyang napag-usapan ng anak nya. Oo naman at pinagkatiwalaan sya ng anak ngunit sya pala itong nagsinungaling sa sariling anak. Lahat ng katagang sinabi ng anak ay rumehistro sa kanyang isipan. Naluluha ang Gng. Nang biglang bumukas ang ang pintuan ng kwarto ng anak kung saan sya nakatayo.
Parehong nagulat silang tatlo. Pero agad namang nakabawi si Alexander at tinanong ang mommy nya."oh, ma anong ginagawa mo dito?"tanong ng binata sa ina.
"Ah wala. Tatawagin lang sana kita para bumaba na. Natagalan kase si yaya."sagot ng Gng.
"Ah eh, pasensya na ho. Inayos ko lamang ang kwelyo nito."pag hingi ng dispensa ng yaya ni Alexander. Ngunit napansin naman ng binata na teary eyed ang mommy nya kung kaya bago pa man nakababa ay tinanong nya ang kanyang mommy.
"Are you crying mom?"tanong ni Alexander na ikinagulat ng ina.
"Of course not hijo. Ahm napuwing lang ako. Oh sya tara na sa baba. Mauuna na ako."pagsisinungaling ng Gng at nagmamadaling bumaba.
---------
SHANE POV..Ok, I'm all dressed up. Like wow kelan ba ako huling naka attend ng party? Can't remember it. Kase naman simula nung namatay si dad I used to stay home. Like I don't like to go anywhere, just home, school and in the park.
Anyways, I'm with jhielyn we're in our way to the party. Weird lang kase masquerade party pa. That's why I'm wearing this silver mask with a pink feathers but not that lots of feathers. Nag match lang sa suot kong pink casual dress. So cute nga eh.
A few minutes ago, tah dah. We're here na. Uhm familiar yung house. Yes, familiar nga. Wait?
Bumaba na kami ng kotse and there mas nalibot ko pa ng tingin yung kabuuan ng bahay... Uggggghhhhh
It cant be...
She trick me. Kaya pala ayaw sabihin kung kaninong party coz siguradong aayaw ako.
But...
But..
But..
They trick me.... Uugggggghhh. I hate this..
I face Jhielyn and shes just giving me the peace sign.
Ugh I give her an "i hate you" look..
She's getting into my nerves.
-------
An:Tah dah. Haha. Ano ok ba ung update ko ? Vote naman oh. Pampagana mag update. Yiiiiihhh.
Promise next chapter my kilig na.
----msSeraphic
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
Teen FictionA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...