Special Chapter 2

55 3 0
                                    

Monthsary Part 2

💙

Shane

Nakakainis talaga kahit kailan ang lalaking yun. Hmp. Ang daya-daya. Sabi niya sasabihin niya sa akin kung ano ang ipag p-pray niya after namin mag pray basta sabihin ko din akin. Pero nung natapos na kami manalangin hindi niya sinabi sa akin. Napakadaya! Gosh.

Bahala na nga siya dun. Iiwan ko siya. Bahala siyang maghanap sa akin. Mamasyal nalang akong mag-isa dito sa Algernon.

Ah, oo nga pala. Hindi ko naman unang beses na makapunta dito sa Siyudad ng Algernon. Lagi kaming nakakapunta dito dati nila Jhielyn at ang iba pang tropa. Pero ito ang unang beses ko makapamasyal dito na kasama ang boyfriend. Finally.

Hmp. Paano ba naman kase itong Algernon City ay kilala as the City of Love. Marami kase ang pasyalan dito na talaga namang bagay na bagay para sa mga couple. Kaya nga lagi kaming nandito ng tropa eh. Yun nga lang tuwing namamasyal kami, palagi akong third wheel. Dahil sila ay may kanya-kanyang date. Psh.

Waaah andito na pala ako sa Parke ng Algernon City. Napakaganda talaga dito. Parang yung tinaguriang secret garden ng Iderya.

Drrrrt... Drrrrt...

Ay, teka may tumatawag sa cellphone ko.

"Hello?"

[Shannnnnnneeeee!] Aray ko ah ang sakit sa tenga. Kung makatili naman ang babaeng ito akala mo ay parang inipit.

"Oh? Bakit?" Pa irap na sabi ko. Ay oo nga pala naka video call kami ngayon ni Jhie.

[So sungit pa rin Shane. Like duh.] Oh the conyo girl is with Jhielyn.

[Hi Shane!] And so is Rey. Her boyfriend.

"Aba, kompleto yata kayo Jan? Kulang nalang si ate Jelai at Krist----"

[Mmmmm oh hemm hey Shamne!] Ah, nevermind. Kahit kelan talaga lumalamon parin ang babaeng ito. At sa likod niya ay si ate Jelai na kumakaway sa akin habang karga karga ang baby niya.

"Wow, di nyo naman sinabing may reunion pala kayo Jan." Sarcastic na sabi ko. Well reunion na talaga kung nandun din si Rose kaso nasa ibang bansa siya eh.

[Oo naman 'no. We won't miss this special day. So kumusta Jan?] Malaking ngiting sabi ni Jhielyn.

"Oh bakit? Ano bang meron dito? Algernon pa rin naman ang lugar na ito. Di naman nagbago." Bored na sabi ko. At ang mga babae nag make face lang sa akin.

[Gosh. She's so unbelievable talaga.] Conyong komento naman ni Cristy na may pa-paypay pa sa sariling nalalaman.

[Kayo nga kumausap sa babaeng yan. Masasapak ko yan.] OA naman ng best friend ko na ito.

[Relax babe. Bawal ka ma-stress.] And here's the prince charming, Jubert saving his girl from stress.

[Hey Shane. Nakakunot na naman ang noo mo. Nag-away na naman na kayo ng kapatid ko?] Oh great. Buti naman at may matino akong makakausap dito.

"Psh. Tanungin mo ang magaling mong kapatid. Nakakainis siya." Ugh. Tama nakakainis talaga.

Akalain mo yun, naatim niyang galit ako sa kanya ng ganito katagal?! Dapat kanina pa lang hinabol na niya ako at sinuyo. Kaso hindi! Kanina pa ako palakad lakad dito pero wala pa rin siya.

Rey laughed at nakakainis yun. Ugh. Magkapatid nga sila. Parehong-pareho talaga sila kung tumawa.

"Ugh. Stop laughing Rey. Di nakakatuwa."

[Why?] Painosente pa ang mokong. Alam naman niya kung bakit. Kainis. Mapapairap nalang talaga ako sa inis.

[Sshh. Stop it na nga Rey. She's naiinis na sa atin.] Saway ni Cristy kay Rey. Tss. Ito naman si Rey pacute naman agad kay Cristy.

Great Pretender Meet Mr. CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon