SHANE POV..
"Ok class dismissed."
Yes, finally uwian na. Makakapagpahinga narin ako dahil nanakit na talaga yung paa ko. 3days Simula noong incidents between sa amin ni Alexander ay talagang naging close na kami. Lagi sya ang naghahatid at sundo sa akin dito sa school. At take note ha hanggang dito sa room. Sinasabihan ko nga sya na kahit na wag nya na ako ihatid dito sa room kase masyadong hassle na kanya at Baka ma late sya pero di pumapayag lagi nyang sinasabing "I insist".
See? Tigas ng bunbunan. Di nako nakikipagtalo dahil nakakapagod din minsan, di naman ako nanalo. Iniisip ko lang din namang yung pag aaral nya. Same sched lang kami ng pasok tuwing umaga. Tas nasa dulo pa yung building nila, napapalayo sya lagi pag hinahatid nya ako. Pero dahil sya daw ang boss kaya OK lang daw. Tss. Ang labo nya minsan. Di ba nya na imagine yung lalakarin nya from building namin sa building nila?
"Bestie, Tara na sabay na tayo para maalalayan kita." Pag-aaya sa akin ni Jhielyn.
"Naku di na, mauna kana siguradong hinahantay kana ni Jubert mo. Tsaka susunduin naman ako ni Xander eh." Pagtanggi ko sa kanya sabay ngiti. Oo lagi kase akong sinusundo nun dito sa room. One time kase sumabay ako Kay Jhielyn na bumaba pinagalitan ako kase daw bat di ko sya hinintay sa room namin. Paano nalang daw kung may nangyaring masama sa akin pababa sino daw tutulong sa amin? Pareho pa naman daw kaming babae. Paranoid lang masyado diba.
"Protective much ang peg. Haler nasa school lang kami noh, as if may mangyaring masama sa amin" Yan yung sagot ko sa kanya to my surprise nagtampo sa akin. Wooh Grabe lang ako pa talaga yung may kasalanan. Isang gabi din ang paglalambing ang ginawa ko para lang magbati kami. ButI nalang at malakas ako sa kanya kaya ayun nagkabati kami agad hehe.
Ito pa yung sabi nya sa akin nung nagkabati kami. "I'm your boy best friend and your protector. Kaya hanggat maaari aalagaan kita at poprotektahan. Gets mo? Ganun naman ginagawa ng mag best friend diba?"
And I was like? Seriously? Kelan ko pa sya naging best friend? Haha kidding. But yeah, nagtatampo na nga yung mga girl friends ko kase lagi na daw si Xander kasama ko, but at the same time happy rin naman daw sila for me. Psh, ang gulo nila noh?
"Are you sure? Gusto mo samahan muna kita habang naghihintay sa kanya dito." Tanong ulit ni Jhie sa akin.
"No, its OK bestie. Ayan na si Jubert sa labas oh naghihintay sayo." Sabi ko na Sakto naman ay papasok si Jubert ng room namin.
"Hi Shane." Bati sa akin ni Jubert."Hi babe, I miss you."agad namang sabi ni Jubert Kay Jhielyn at halik sa pisngi nito.
"Woooh, daming langgam ah." Sabi ko na ikinatawa naming tatlo. "Ano ba yan, mauna na nga kayo at Alam Kong may date na naman kayo." Natatawa Kong sabi sa kanila.
"Pano ka Shane? We can stay here pa naman para samahan ka while waiting for Alexander." Agad namang sabi ni Jubert sa akin. Bait nito. Hate ko pa naman tong si Jubert dati kase akala ko chixboy pero Simula nung naging sila ni best, nagbago ang pananaw ko. He's kind and caring naman pala and possessive when it comes to Jhielyn. Haha.
"No its OK. Really, you can go now. I'm fine here. I'm sure any minute now darating narin yung "boy best friend" ko." Natatawa Kong sabi sa Manila at diniin ko talaga yung word na boy best friend kase witnessed sila nung time na nag e-emote si Xander about dun.
"Haha, right. So I think we should go now?" Tanong ni Jubert sa akin.
"Yeah sure. Bye. Take care of my bestie." Sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
Fiksi RemajaA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...