Chapter 48

38 5 0
                                    

SHANE PoV..

Hindi nagtagal ay dumating na rin sila Jhielyn, Cristy, Kristal, Rose at Jelai. Naabutan pa nila akong naka tunganga. Napagkamalan pa akong naka drugs nang dahil dun. Nangingitim daw mga mata ko, halatang kulang sa tulog. Pagka tapos yung buhok ko ay sabog pa. Paano ba naman kase, sa inis ko dahil sa Panay na sumasagi sa isip ko yung huling sinabi ni Xander ay napapa-sabunot nalang ako.

"Girl, infairness this pizza is so masarap. I love it." Komento ni Cristy na halos Hindi pa nga nauubos ang nasa bibig nya ay sumusubo na naman sya.

"Dahan dahan. Mabilaukan ka." Sabat naman ni Rose na tawang tawa kay Cristy. Akala mo talaga ngayon lang naka-kain ng pizza eh.

"Tse. Mind your own pagkain. Kita na I'm kumakain." Ma conyong sagot naman ni Cristy.

"My God! This is heaven. Food is heaven. Paki sabi sa pinsan mo Shane salamat sa pizza at ice cream ah." Naka ngitu namang sabi ni Kristal. Isa pa tong matakaw.

"Acheche. Baka kamo ang ibig mo sabihin ay mag bigay ulit ng pizza at ice cream. Nako! Don't us Kristal!" Komento naman ni Jhielyn dahilan upang magsitawanan kami lahat.

"Ikaw naman Shane? Wag mo ko tawanan. Alam natin kung bakit kami nandito ngayon. Now, spill it." Biglang seryosong saad ni Jhielyn sa akin. Of course they know na may Hindi magandang nangyari sa amin ni Xander, but they don't know kung ano ba talaga ang reason.

Like usual, humugot muna ako ng ibang malalim na na buntong hininga at nag simulang magkwento Simula sa part na kung saan ay sinabihan ako ni Xander na liligawan nya ako, tapos yung nangyari sa hospital then yung latest na nangyari sa coffee shop.

"Xander confessed to me few weeks ago na liligawan nya ako." I confessed.

"He confessed what?!" Gulat na sigaw ni Cristy at Kristal.

"Tss. OA? Narinig nyo na kelangan pa bang ulitin?" Pagsusungit ni Jhielyn.

"Oh my god! So kaya pala may pa lunch box lunch box pang nalalaman si Alexander ah." Nakangising sabi ni Jelai.

"Tumpak! Nanliligaw na pala." Nakangiting komento ni Rose.

"Ssssh. Sige na best, pagpatuloy mo na ang pag kwento." Jhielyn.

"So ayun nga, one day binisita ko si Tito sa hospital pati na rin si Xander. Surprise visit talaga yun at balak ko na din sana sagutin sya na pumapayag na akong magpaligaw sa kanya. But, ako pa ang na surprise kase nandoon si------.

"Si Grace the higad?" Pag-papatuloy ni Cristy sa sasabihin ko.

"Yeah. At first akala ko okay lang kami. Pero after namin kumain dun na nya ako kinompronta. Sabi pa nya kanya si Xander. Pinagbintangan pa nya akong pera lang daw ang habol ko kay Xander and I'm just using him." And with that ay kusa nang tumulo ang luha ko. Ugh akala ko tapos na ako sa pag iyak. But here I am, crying again. Agad naman hinagod ni Rose yung likod ko.

"I-I know, h-hindi kami kasing *sniff* yaman nila Xander. B-But I know with myself na never akong *sniff* nang gamit ng kapwa ko. At higit sa lahat Hindi ako nasisilaw nang dahil sa pera. *sniff*" halos paputol putol kong sabi.

"Sssshh. Stop crying. We all know that. Hindi ka ganong tao bessie. Mabuti kang tao. Malayong malayo sa pinagsasabi nung Grace haliparot na iyon." Pag co-comfort sa akin ni Jhielyn.

"Yeah, Jhielyn is tama. You are not that tipo of person. You are way better." Pag segunda naman ni Cristy kay Jhielyn.

"Naku, sinasabi ko sa inyo pag nakita ko lang talaga yang Grace haliparot na iyon, talagang palalamunin ko sya ng isang sakong kamote. Tingnan natin kung Hindi sumakit ang tiyan nya." Pag de-deklara naman ni Kristal na ikinatawa namin.  Kristal will always be Kristal. Kahit galit na ito ay expected mo pa rin na may halong kabaliwan ang sasabihin nya.

"You know what girls? Let's enjoy this night. Grabe, na-miss ka namin Shane dahil sa ilang araw mo na pag iwas sa amin. So we should enjoy!" Anunsyo ni Rose sabay na nakipag cheers ng hawak nya na baso. But she's right we should enjoy this night.

"Yan mga lalaki dapat Hindi natin pinoproblema! Dapat sila ang namo-mroblema sa atin. Tama ba girls?" Sabi naman si Jelai. Naks humuhugot si Jelai ngayon ah.

"Tama! Cheers!" Sabay sabay namin na sagot at cheers sa hawak namin na mga baso na ang laman ay water lang. We don't drink alcohol, well not at this moment. Hindi porket sawi ako ay mag iinom na kami. Not a valid reason to drink.

They say that alcohol will help you to forget your heartaches especially the pain, well maybe but I don't think alcohol would really help to released pain. Maybe yes, but it is for the mean time. It won't last at all. After the hangover you will just came back to reality and poof, you're hurting again.

I would say that the best way to lessen heartaches is to open up with your friends. A real one who is willing to listen with you. Sharing what you feel will ease the pain you are holding. Cry and cry until you can. And believe me after that kagagahan moment they say, you will just laugh at your self.

Ugh. Napapa-english na ako nito. Ganun talaga siguro pag masyadong malungkot at emosyonal. Biglang nawawala sa sarili at parang sinapian.

Anyway, eenjoyin ko nalang ang gabing ito with my friends.

-#########
AN: hello! Sorry sabaw ang update at natalagan 😂😂 anyway, happy new year everyone.

I'm promoting my other story entitled "My Best Friend Love". Malapit napong matapos ang story ko na iyon. Hope suportahan nyo rin. Pagkatapos ko ng story na iyon saka na ulit ako magsusulat para dito :).

Great Pretender Meet Mr. CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon