SHANE'S POV..Ok ang aga kong pumasok ngayon kahit mamaya pang 8:30 yung class ko. Hay, 6:30 palang sa pink kong relo. Oo nga pink, favorite ko kase yung pink.
I'm wearing my pink doll shoes na parisian then light pink skirt na medyo palobo at white sleeves na may touch of pink. Tapos yung mahabang kong buhok ay naka tali ng pa side. Girly ko no?
Maaga ako ngayon kase hahanapin ko lang naman yung diary ko. Aish di ko talaga matandaan kung saan ko iyon nailagay. Kainis. Kung di ba naman kase ako nag emote kahapon edi sana di yun mawawala. Aish Shane, tatanga-tanga kase. Importante yun, Napaka importante tas winala ko lang.
Naglakad ako at pinuntahan ang mga lugar kung saan ako napadaan kahapon. Nagba-baka sakaling matagpuan ang diary ko. Ngunit nalibot ko na yata lahat ng lugar na pinuntahan ko kahapon ay hindi ko pa rin ito matagpuan.
ALEXANDERS' POV...
Aba ang aga naman ata ngayon ni miss sungit. Tch. Ano naman kaya ginagawa nya dito ngayon. Pagka-alam ko ay 8:30 pa pasok nya. Mamayang 1 pm pa naman practice namin. Ha? Bakit ko alam schedule nya? Hiningi ko lang naman kay Kristal. Uyy kung iniisip nyong stalker ako. Di no. Gusto ko lang malaman dahil sya ang may hawak sa akin. Ayoko lang naman syang malate at maistorbo ang practice namin kung sakaling maging iresponsable sya. Nakasalalay sa kanya ang kalalabasan ng play namin. At ayokong pumalpak ito. Masisira ang gwapo kong image.
At syempre dahil doon inalam ko na din ang mga hilig nya. Tulad nalang ng mahilig sya sa shanghai roll at sinigang. Pihikan sya sa pagkain. Ayaw nya ng oily food. Ayaw nya sa sinangag.
Favorite color niya ay pink. Halata naman sa suot nyang all pink ngayon. At kahit masyadong girly but I find her cute. Para syang anghel. Pink angel kumbaga.
Tsk. Korni.
Hmm ano pa ba, ahh oo ayun kuripot pala sya. Di mahilig bumili ng kung ano anong materyal na bagay. Pero yayain mo sa food court ang takaw. Di naman tumataba.
Hay nako yan lang naman alam ko about sa kanya. Di ako stalker ok.
Tch. Ang daldal ko. Kelan pa??
Simula ng makilala mo si shane.
Ha?! Tch. Parang may hinahanap si Shane. Malapitan nga.
"Hey aga mo ah!"tanong ko sa kanya nung nakalapit ako. Aba, at nag-pout pa talaga sya.
"Kase may hinahanap ako. Di ko mahanap."sabi nya na halata namang malungkot sya.
"Ano ba kase hinahanap mo?"pag usisa ko naman sa kanya.
"Yung..."parang nagda-dalawang isip pa siya kung sasabihin niya sa akin. Pero hinintay ko lang syang magsalita ulit. Nagbabaka sakaling sabihin sa akin.
"Yung diary ko kase nawawala eh, di ko makita. Kaya ito hinahanap ko ngayon." Sumbong nya sa akin sabay pout pa. Ha?!yung diary nya. Napa-ubo ako ng biglang mabulunan. Nasa akin yun, ako ang naka pulot kahapon dun sa garden.
Isusuli ko na ba o hindi?
"Ha?ah... G-ganun ba? San.. san mo ba huling nakita yun?"utal kong tanung sa kanya. Nako naman. Ahh basta ayoko ngang isuli yun sa kanya. Di ko pa tapos basahin eh. Haha. *evil smile*
"Ang alam ko kase dala ko yun kahapon dito sa school."sabi na naman nya. Hay, sorry di ko balak isuli yun sayo.
"Ano itsura nun?" Painosente kong tanong sa kanya.
"Pink kulay syempre." Well obviously, mahilig sya sa pink. "Tapos feathers yung cover nya."sagot naman nya sa akin habang patuloy na ginagala ang mga mata sa halaman na nadadaanan namin.
"Tch. Di ka naman siguro adik sa pink ano. Buti nalang at di naging pink balat mo."pagsusungit ko sa kanya. Bakit ba. Eh sarap nyang asarin eh. Pikon eh.
Yung ilong nya umuusok na. "Eh baliw ka pala eh, mag-tatanong ka tapos mang aasar ka. Paki mo ba kung favorite ko pink. Alangan naman blue eh di naman ako lalaki. Psh. Mag isip ka nga."ayun nasungitan din tuloy ako. Ano ba yan. Pero cute nya.
"Dami mong satsat."sabi ko sa kanya sa ginulo ko buhok nya. Ops wrong move. Oo nga pala ayaw na ayaw nyang ginugulo yung straight nyang buhok. Hala, galit na galit na yung mukha nya. Takbo na. Wahaha.
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
Novela JuvenilA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...