Chapter 53

37 4 0
                                    

ALEXANDER

Earlier....

"Pre anong gagawin mo Jan?" Tanong sa akin ni Jubert habang nakaturo sa DSLR na hawak ko.

Lumabas ako saglit at pumunta sa office ni Tito, ang may-ari nang paaralan na ito. Pagkatapos namin mag-usap tungkol sa pagpayag ko bilang exchange students ng isa sa isang sikat na unibersidad sa Switzerland.

Noong una hindi makapaniwala si Tito sa naging desisyon ko. Alam niya kaseng noon pa man ay mas gusto kong manirahan lang dito sa Pilipinas. Kahit nga nung inalok akong pag-aralin ni dad sa New York ay inayawan ko kahit na napaka-laking oportunidad nun sa akin. Ang rason ko sa kanila, ayokong iwan ang Pilipinas.

Pero ang totoo niyan, ayoko lang talaga mawalay sa kanya. Kay Shane. Hindi pa man kami magkakilala nang personal noon ay sinusubaybayan ko na siya mula sa malayo. Palagi ko kase siyang nakikita noon sa park kung saan din lagi akong tumatambay. Highschool pa kami nun pareho.

Sa tagal kong pagsusubaybay sa kanya ay alam mo na tuwing may dala siyang picnic basket, pink na lobo at naka bestida siyang kulay puti ay kaarawan niya.  Nagse-celebrate siya palagi mag-isa nang kaarawan niya habang kausap ang picture ng papa at mama niya.

Tuwing Valentines naman ay nandun din siya. Namamasyal ng mag-isa habang suot ang pulang blusa at puting palda. Naka headband pa siya ng may disenyong hugus puso. Dahil sa kanya pagkatapos kong idate si mommy ay dumidiretso na din ako sa parke kung nasaan siya. Malayo man sa isa't isa pakiramdam ko may ka-date na rin ako. At siya iyon.

Sa totoo lang marami pang pagkakataon na dahil sa pagsubaybay ko sa kanya mula sa malayo ay nakikilala ko ang totoong Shane. Malayong malayo sa Shane na nakikita nila sa school na malakas at parang walang kinakatakutan. Pero sa totoo lang, ang totoong Shane ay fragile. Madaling umiyak at mahina rin. Ang mga tulad niya ay dapat pinoprotektahan.

Kaya naman sobrang saya ko nang malaman mo na sa school namin siya pumasok ng college. Hindi ko mapigilan ang palaging pagpunta sa building nila kahit malayo-layo ito sa building namin. Makita ko lamang siya.

"Hoy Pre natulala ka Jan?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Carl yun.

"H-Huh. Ano nga ulit sabi mo kanina?" Wala sa sarili kong tanong sa kanila.

"Tanong ni Pareng Jubert kung ano ang gagawin mo Jan?" Sabi sa akin ni Richard at itinuro ang DSLR na hawak ko.

Dun ko lang napagtantong hindi pala ako nag-iisa. Kasama ko pala sila dito.

"Pre patulong." Sabi ko.

"Sure. Ano ba yun pre?" Swabeng tanong ni Carl.

"Videohan niyo ako." Sagot ko.

"Yun lang ba? Sus, basic." Sabi ni Richard at inagaw sa akin ang DSLR.

"Sige ako ang camera man." Sabi pa nito habang inaayos ang camera.

"Ako ang director." Sabad naman ni Jubert.

"Ako ang....ako ang.... Teka paano ako? Ano gagawin ko?" Parang Ewan na sabad naman ni Carl.

"Ah pre, sige ikaw nalang yung props sa likod ni pareng Alex." Seryosong sagot naman ni Jubert.

"Ah sig------ ano? Anong props?" Gulantang na sigaw ni Carl nang mapagtanotong pinagloloko siya ni Jubert. Tawang tawa naman si Jubert at Richard kay Carl.

"Gag* ba you pre." Si Carl naman ay pinaghahabol ang dalawa. Samantalang ako ay napailing-iling nalang sa kakulitan nilang tatlo. Hays. Mamimiss ko sila.

"Pre time out. Teka lang baka mabitawan ko yung camera." Natatarantang  sabi ni Richard habang tumatakbo.

"Tss. Pasalamat ka may hawak kang camera." Sabad ni Carl at pumunta na sa tabi ko.

Great Pretender Meet Mr. CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon