Chapter 54

45 4 0
                                    

SHANE

Dahan dahan kong imunulat ang mga mata. Pagkamulat ko ng mga mata ay bumungad sa akin ang puting kisame at kulay puti din na ceiling fan. Napagtanto kong nasa hospital pala ako.

"Ms. Shane!" Rinig kong hiyaw ni Ysa.

"Thank goodness you're awake." Sabi nito at tinulungan akong makaupo sa kama na hinihigaan ko.

"T-tubig." Sambit ko. Agad naman ako nitong inabutan ng tubig.

"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo?" Sunod sunod na tanong nito at halata ang pag-aalala sa mukha nito. Umiling ako bilang sagot.

"Naku ha, pinag-alala mo kami ng bongga. Alam mo bang natagpuan ka ng gwardiya sa studio ng walang malay. Mabuti na lamang at rumuronda si Manong Guard at nakita ka niya sa sahig na walang malay. Kung hindi baka naabutan ka ng sikat ng araw na nakahilata sa sahig." Medyo galit na sabi nito. I know she's just concern about me.

"Pang-ilang himatay mo na ba yan. Di ko na mabilang." Habol pa nito habang nagbabalat ng peras.

"Sorry." Tanging sambit ko.

Kahit ako. Hindi ko na rin mabilang kung ilan beses na ba akong nahihimatay sa loob ng studio o company building na pinagt-trabuhaan ko. Yup. Nagt-trabaho na ako sa isang sikat na kompanya dito sa bansa. I'm a famous director in this country.

At si Ysa, kung natatandaan niyo pa. Siya yung isa sa mga mean girls nung college days namin. Pero ngayon magkaibigan na kami at nagt-trabaho sa isang kompanya.

"Naku, sorry-sorry ka Jan." Pagmamaktol nito.

"Masyado mong in-stress ang sarili mo. Subsob masyado sa trabaho tapos nagpapalipas ka pa ng kain at higit sa lahat mukhang hindi ka na rin natutulog. Yung totoo Shane? Nagpapakamatay ka ba?" Grabe naman tong si Ysa. Daig pa ang nanay kung makasermon.

Pero tama naman talaga siya. Well, nagsimula lamang iyon ng iwan ako ni Xander at umalis ng bansa na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik at wala akong balita sa kanya. Its been 5 years.

Sa five years na iyon ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral. Nakatapos naman ako bilang magna cum laude.

Syempre dahil sa magandang record ay hindi ako nahirapan na makapasok sa trabaho. At ayun nga ginugol ko ang oras sa trabaho. As in subsob sa trabaho ang tamang term. Na nagbunga naman ng maraming tagumpay. Marami akong napasikat na mga baguhang artista dahil sa mga movie na ginagawa ko.

Hakot award nga lagi ang mga movie na ginagawa ko eh. Tulad nalang nung last Movie na ginawa ko para sa YamWard couple. RomCom movie siya na ang title ay Great Pretender Meets Mr. Crush.

Ang movie na hango sa totoong experience ko tungkol sa pag-ibig. Heartthrob ang bidang lalaki sa movie habang ordinaryong studyante lamang ang babaeng bida. Crush ng babae yung lalaki. Pero dahil nayayabangan si Yam kay Ward naiinis na siya dito at tinigil na ang pagkakahumaling kay Ward. At Simula nun lagi na sila ng nagbabangayan na siyang simula ng pamumuo ng atraksyon sa isa't isa.

Tulad ng love story namin ni Xander. Pero dahil ayokong matulad talaga sila sa love story ko na kung saan iniwan ako ni Xander. Ginawa kong happy ending ang story nila. Nagkatuluyan sila.

Naging matapang kase si Yam. Ipinagtapat niya ang nararamdaman niya para kay Ward. Malayong-malayo sa akin na duwag.

Hays.

Pero kapalit ng pagiging subsob ko sa trabaho ay hindi ko pa rin magawang kalimutan si Xander. Siya at siya pa rin ang palaging iniisip, inaasam at hinahanap ko. Gabi-gabi akong umiiyak at sinisisi ang sarili ko.

Great Pretender Meet Mr. CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon