SHANE POV..
Kakatapos lang namin kumain. Ako at si Grace nalang ang naiwan dito sa kusina para magligpit samantalang si Xander naman ay pagkatapos ihiga ang daddy nya sa kama nito ay agad din naman nagpaalam para bumili ng gamot. Bongga nga ng kwarto ni Tito eh, di mo akalaing nasa hospital kase parang nasa hotel lang. May mini kitchen, sala with matching TV pa yan ah at syempre ang kama mismo ni Tito na king size.
Ganun sila kayaman pero Hindi lang halata Kay Xander dahil sobrang simple lang nito sa school. Bukod sa pagiging simple ay napaka-humble nito at sobrang friendly. Swerte talaga ng magiging girl friend nitong si Xander. Hays.
"So? You are Alex friend." Biglang sabi ni Grace na ngayon ay nakatingin sa akin habang nagpupunas ng table na pinag kainan namin.
"Ahm oo." Nakangiti Kong sagot sa kanya.
"You like him?" Deretsahang tanong nya sa akin. What's with her? Ang kaninang angelic face ni Grace ay napalitan ng devilish face.
"Huh? Bat mo naman na sabi yan?" Balik tanong ko sa kanya.
"You seem so sweet kanina. And I want you to know that I don't like it." Aniya. "I came back here in Philippines because of Alex. Gusto Kong ipagpatuloy namin kung ano ang meron kami dati. So I'm warning you Shane. Back off because he's mine." Pagpapatuloy ni Grace.
Oh no! Ito na ba ang kinakatakot ko? Yung isang araw, bigla nalang mawawala sa akin si Xander? Wait, diba nililigawan ako ni Xander? So it means ako na ang gusto nya. Pero paano kung mahal pa nga ni Xander si Grace? To think na sya ang first love kaya possible yun.
"Hmm? Ganun ba?"ngumiti ako bago nagsalita muli. "Bakit? Sinabi ba nyang gusto ka nyang makabalikan ulit?" Tanong ko sa kanya na ikinalaki ng mata nya. Di siguro nya ini-expect na itatanong ko iyon. Kahit ako, di ko in expect na masasabi ko yun. Its just happen na kusang lumabas sa bibig ko.
"Ha? So ano ang sinasabi mo? That he doesn't want me but he wants you? Ha?! Ganun ba Shane?!" Galit na tanong nito sa akin. "Gosh I can't believed it na may ganyan ka palang attitude. I thought isa kang mabait na babae but I was wrong nagbabait-baitan lang pala." Singhal nito sa akin sabay hirap. Aba.
Well, the feeling is mutual Grace. Akala ko mabait ka rin. Kaplastikan mo lang pala iyon.
Gusto ko sanang isigaw sa mukha nya yun kaso mas pinili Kong wag na.
"Alam mo Grace, lahat ng tao mabait." Sabi ko sabay ngiti. "Ngunit depende ito sa taong kaharap nya." Pagpapatuloy ko ng medyo seryoso na ang mukha.
"Ha! So you were telling me na I'm not good ha? How dare you!" Sigaw nito at sasampalin sana ako ngunit napigilan ko ito.
"Bakit sinabi ko bang Hindi ka mabait?" Tanong ko sa kanya at kita ko ang pagbago ng facial expression nya. From galit to biglang narealize ang kabobohan nya.
"I didn't say that you are not a good person. But you, in yourself assumed already. So ibig sabihin lang talaga na ikaw mismo sa sarili mo alam kung ano ka. Sadyang nagbabalat kayo ka lang. Nagbabait baitan sa harap nila tapos pag tayo nalang dalawa bigla kang mag babago. Ano yun pokemon lang? Biglang evolve? Tss." Pagsusungit Kong sabi sa kanya. Mabait akong tao pero di naman ibig sabihin nun magpapaapi ako. Ano ang use ng pagiging masungit ko kung mag papaapi ako sa isang toh. Psh, I thought mabait sya but I didn't know nagbabait baitan lang pala. Behind those innocent face kabaliktaran pala ang ugali.
I was about to walked away from her ng bigla nyang hinila ang buhok ko.
"How dare you to say that to me Shane."
Pak
"You daughter of bitch. Hindi ka bagay Kay Alex." Sigaw nito sa akin habang sinasabunutan ako at pinagkakalmot. Fvcking shit di hamak na mas malaki sya sa akin at damn it ang hahaba ng kuko nya.
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
Teen FictionA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...