Chapter 34

55 8 0
                                    

SHANE'S POV

It's been a week and today is monday. It means that everything is back to normal. May pasok na ulit ako. Pababa na ako nang sala, wearing my casual attire, blouse and below-the-knee skirt. Wala naman kase kaming uniform kaya kahit ano ay pwedeng suotin.

Wooh! I'm so happy kase makikita ko na naman ang mga kalog kong friends na 'di ko nakita last week dahil may kanya-kanya silang pinagkakaabalahan. Kaya naman sa one week na exempted kami sa class ay tanging pag-mumukha lang ni Alexander ang lagi ko'ng nakikita. Simula kase noong nag star gazing kami ay medyo naging close na kami. Lagi siya'ng nandito sa house or else inaaya nya akong mamasyal.

Boink..

Ops. May message ako, baka si Jhie na yun. Nag-usap kase kami kagabi na susunduin nya ako para sabay kaming pumasok sa school. I opened the message and ...


"Good morning Miss. Nakasimangot ka na naman. Smile ka naman jan. :)"

What the? Umagang-umaga talagang napapangiti nya ak---- I mean sinisira nya araw ko. Tss, mareplyan nga tong Xander nato. Yes, si Xander yung nagtext.

To:Xander
"FYI, nakangiti ako. Nawala nga lang nung nagtext ka."

Sent!

Kala nya ha. Psh. Di naman nagtagal ay tumunog ulit yung phone ko.

Boink..

From:Xander
"Ahaha, weh di nga. Baka naman mas lalong lumaki ngiti mo nung nagtext ako sayo."

-_-

Ugh, the nerve of this guy. Yabang as in. Nakakabanas sya nahuhulaan nya talaga. Pero totoo nakangiti talaga ako ngayon. Sinusungitan ko lang talaga sya para, wala lang. Haha. Hmp bahala na nga sya di ko re-reply-an. Baka lumakas na naman ang confidence nun sa sarili. Psh.

"Oh hija ang ganda ng ngiti mo ah."panunukso ni nanay ng madaanan niya ako dito sa salas.

"Di naman po. Hehe. Maganda lang po talaga gising ko."half true po yun, kase kulang talaga ako sa tulog. Napuyat ako sa kilig, katext ko kase si Xander kagabi. Kaya lang din malapad ngiti ko ngayon kase nag-text ulit si Xander sa akin. Haha. Ikaw ba naman kase itext ni crus----

"Sabi na nga ba eh nakangiti ka. Oops, good morning yaya' for you, dark coffee and your favorite."bati ng mukong kay nanay at inabutan ng paper bag na I guess siopao yung laman. At inirapan ko lang ulit sya. Tinago ko yung kilig ko.


Nitong nakaraang araw kase lagi nya dinadalhan si nanay ng siopao, tss kung may gusto lang tong Xander sa akin iisipin ko talaga nililigawan nya yung mahal ko sa buhay. Pero dahil wala naman syang gusto sa akin, therefore I conclude mabait lang talaga sya.


"Salamat hijo. Nag-abala kapa."nakangiting sabi ni nanay kay Xander sabay kuha nung paperbag."Oh, maiwan ko muna kayo jan ha."pagpapaalam ni nanay sabay alis.

"Tss, anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga ha wag mo kong inisin."pagbabanta ko sa kanya sabay irap. Itong isa kaseng toh walang ibang ginawa kundi asarin ako. Pagkatapos nung gabing nasa secret garden kami, araw-araw niya na akong binu-bwiset.

Great Pretender Meet Mr. CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon