Monthsary Part 3
💙
Alexander
"Sigurado ka ba talaga ate na marunong siyang mag gitara?"
"Eh ewan ko. Hehe. Pero pagtiisan nalang natin kesa naman hindi ka makapag perform."
What the hell? Tama ba yung narinig ko? Imbes na ipagtanggol ako ng girlfriend ko mas lalong ginatungan pa niya yang batang yan.
"Tss." Ingos ko sa kanila at iniwan na sila. Makapaglakad-lakad na nga lang muna. Badtrip. Kanina pa yang bata na yan. Kinikwestyon lang naman niya ang kakayahan kong tumugtog. Nakaka-ewan.
Di ba niya alam na ako lang naman ang sikat na bokalista at gitarista sa banda namin nung college days ko. Tss.
Okay lang naman na hindi magtiwala ang batang yun sa akin eh. Ang kaso pati ba naman si Shane? Ang girlfriend ko, kinampihan yung batang iyon! Nakakaselos na.
"Oh Kuya nandito ka lang pala." Natigilan ako sa paglalakad ng masalubong ko yung batang lalaki na kasama ni Vannesa. Kung di ako nagkakamali ay Rain ang pangalan ng batang ito.
"Ay hindi-hindi. Wala ako dito." Sarcastic na sabi ko. Nababadtrip pa rin talaga ako.
Imbes na mainis sa akin ang bata ay tinawanan lamang ako nito. Tsk. Badtrip. Anong nakakatawa.
"Tinatawa mo Jan?" Pagsusungit ko sa kanya. Damn. Nahahawa na ako sa kasungitan ni Shane.
"Pfft. Wala po. Pero ito lang po masasabi ko, mukhang napagtripan ka ni Vannie." Pigil hiningang tawa nito.
"What do you mean?" Iritadong tanong ko.
"Well, hindi ba obvious na pinagt-tripan ka nila Vannie. Tapos kinuntsaba pa niya si Ate Precious."
"What the Fvc----fork!"
"Pffft."
"And who the hel-- I mean hen..." Fvck ang hirap magpigil na magmura sa harap ng bata.
"Wala kang karapatan tawaging ate Precious ang girlfriend ko? Gets?!"
Ako lang! Ako lang ang may karapatang tawaging Precious ang girlfriend ko!
"Paano mo nasabi?" Anak ng!
"Cause I said so. She's my girlfriend. Period."
"Girlfriend mo pa lang. Pwede pang agawin."
Asdfghjkl. Nakakadami na ang batang ito sa akin ah.
"At sino ang aagaw ha?! Sino?! Subukan lang nila. Itataga ko sila sa abs ko." Maangas na sabi ko saka hinimas-himas ang bandang tiyan ko.
"Abs? Saan Jan?" Bored na sabi nito saka naglakad palayo sa akin.
What the fvcking fvck!
"H-Hoy! Bata ka hintayin mo ako. Hindi pa ako tapos makipag-usap sa iyo." Habol ko sa batang hindi man lang ako nilingon at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Ugh.
Napapaisip nalang talaga ako. Bata ba itong kausap ko? Kung umasta kase, iba din.
"There you are. I've been looking for you." Anak ng--- Sinungaling na bata. Kanina pa daw hinahanap si Vannie.
"Rain! Buti nandito kana." Tss kahit naiinis ako sa batang ito ayoko naman sirain ang mga ngiti niya para lang makaganti sa batang ulan na ito.
"Yep and I bought you this. This is my good luck gift to you." Aba! Kebata-bata pa pero kung maka the moves. Iba din tong ulan na ito.
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
Novela JuvenilA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...