ALEXANDER'S POV...
Nandito ako ngayon sa park na kung saan konti lang ang mga taong namamasyal sa gawing ito. Medyo may pagka private ang lugar na ito kase walang pampasaherong jeep ang maaaring mamasada dito. Dahilan upang mangilan ngilan lang ang taong pumpunta dito at mostly mga may kaya lang o yung may mga sasakyan.
Anyway, nandito ako at dala yung gitara ko. I'm playing my guitar right now. Nakasanayan ko na talaga dito pumunta pag gusto kong mapag isa at mag-isip-isip sa mga bagay-bagay. Maganda kase dito. Green grass, maraming puno't halaman, mga bulaklak kaya naman ang presko. Napaka-peace ng lugar at malayo sa maingay na syudad.
Si Shane, bigla ko syang naalala dahil sa insedente noong isang araw kung saan hinalikan ko sya. Lupet talaga nung babaeng yun. Hinalikan ko na, pero nagawa pa rin magsungit kina Alondra. What do I expect. She's the great Shane. My precious.
Kinuha ko yung diary nya sa bag ko. Nasakin pa rin ito. Masama man ang mangi-alam ng bagay na hindi sa atin pero sorry talaga. Gusto ko lang talaga makilala ang isang tulad ni Shane. Napaka misteryoso kase nya para sa akin. Ewan ko ba. Basta I find her so mysterious.
Ginugol ko ang oras ko sa pagbabasa ng diary nya. Sa simula hanggang kalahating parte ng diary nya ay medyo maiikli lang ang nakasulat. Ito ay nung nasa highschool pa sya. Kinikwento nya lang kung ano ang nangyari sa araw nya at ano ang nararamdaman nya. At ito lang ang masasabi ko, ang adik nya talaga sa pink.
Hindi ko mapigilan ang matawa nang mabasa ko ang tungkol sa kabaliwan nila ni Jhielyn noong highschool sila. Kung saan ay nagcutting sila pero nahuli sila nang guard kung kaya ay pinag-community service sila ng tatlong araw.
Hays, magc-cutting class nalang kayo sa unang pagkakataon nagpahuli pa kayo. Yan tuloy napala nyo. Naging hardinero ng tatlong araw.
Well, I can say that imbes na magreklamo ay natuwa pa si Shane. Dahil sa tatlong araw na iyon ay nakapagtanim sya sa ornamental garden nila ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak. Tuwang tuwa naman ang hardinero nila sa kanya. Samantalang si Jhielyn naman ang puro reklamo sa pagdidilig at pagbubunot ng mga damo.
You are really something Shane.
Natigilan ako sa iniisip ko. Lakas ng tama ko ah. Napailing-iling na lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa.
0_0
Napahinto ako sa pagbabasa nang mabasa ang entry sa diary niya 3 months ago. It was the day that he broke up to his ex. Biglang kumirot ang puso ko sa nabasa ko. Shane don't deserve to be treated like that. Seriously? How could this man hurt Shane? At talagang pinag-pustahan pa nila si Shane.
Pakiramdam ko tuloy ay may namuong galit sa akin dahil sa ginawa nila. At the same time, something urge me to protect her.
Seriously? Why am I so affected?
Iniling-iling ko ang ulo ko at winala sa utak ang mga naiisip. I continue reading, til I read the last line of that entry.
Unconsciously, a smile plastered on my face.
So, I am his first kiss ha?
According to her entry here. She never been kissed. Kahit si John na ex nya ay hindi pa sya nahahalikan, tanging sa ulo lang nya ito humahalik dahil ayaw ni Shane magpahalik.
Kung siniswerte nga naman ako.
I can't deny that she has a very soft lips. Yung pinkish lips nya na natural lang. Di na kailangan mag lipstick. Talagang ang sarap nga naman halikan. Sa tuwing magsasalita sya ang sarap titigan at halikan ng lips nya.
Sa totoo lang kaya ko sya laging pinikon ay dahil sa tuwing napi-pikon sya syempre dakdak ng dakdak. Kahit ang ingay but its like music to my ear.
Yung kahit galit na yung mukha nya ay ang cute pa rin tingnan. Sya yung amazona na anghel para sa akin. Ang tapang na babae eh, kahit lalaki pinapatulan.
Lalo na pagkaibigan nya ang na atraso. Like Ronz before na pinagtripan. Itong namang amazona na si Shane eh gumanti. My bayawak pang nalalaman. Lokong babae talaga.
Hay nko tama na nga ang pag iisip sa kanya. Makapagtugtog na nga lang ng guitar.
Teka mahanap nga..
0____0
Andito sya????
--------
Tenenen. Pabitin kunwari haha. Anyways, tnx sa mga beautiful creatures jan na patuloy na nagbabasa ng story kahit epic masyado. Haha.
Ahm 20 votes ? I guest para i.continue ko pa tong story nato.Thats all.. Labyah oll...
Pls vote ^_^
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
JugendliteraturA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...