SHANE'S POV..
Kakarating ko lang ng bahay. Agad kong pinuntahan si ming2x at yung baby nya. Ilang araw na din akong may alagang pusa. Actually allergy ako sa balahibo ng pusa o aso man kaya andun lang sa isang room sila kung saan malapit sa kwarto ni nanay para matingnan tingnan nya kahit papaano.
Mahimbing silang natutulog. Ang cute nilang tingnan. Hinihimas himas ko si ming2x ng magising ito bigla. Kaya nilagay ko yung milk nya para makainom sya. Ang saya lang kase feel ko love ako ni ming kase lage nya dinidilaan yung kamay ko at hinahagod katawan nya sa paa ko.
"Oh hija, andito kana pala."sabi ni nanay
"Ahh opo nay nakita ko po kase kayuo kanina na abala kaya dumiretso na po ako dito para dalhan ng gatas si ming2." Mahabang sabi ko naman.
"Ah ganun ba, mainam naman. Muntik ko na rin makaligtaan buti nalang at nabigyan mo na.""sabi ni nanay na tanging ngiti lng ang tugon ko.
"Aba at ang tamlay mo hija."sabi ulit ni nanay at hinawakan ang noo ko.
"Ok lang po ako nay. Pagod lang po ako sa school. Sige ho akyat na po ako."pagpapaalam ko kay nanay.
"Sige hija. Tatawagin na lamang kita pag luto na ang hapunan. Sinigang na baboy hija." Nginitian ko lang ulit si nanay.
Hay, buti pa si nanay alam na alam ang paborito kong ulam. Si mama kaya? Did she even know my favorites?
Aish ano ba yan. Iniisip ko na naman si mama. Makapagshower na nga lang.
----
ALEXANDER POV..
Dito ako ngayon sa condo ko. Nakahiga sa kama ko. Fresh na fresh kakatapos ko lng maligo eh.
Naalala ko yung kanina. Haha. Ang cute talaga ni Shane mapikon. Meron naman kase talaga akong scientific calculator. Gusto ko lang talaga syang makita. Kaya ayun kunwari manghihiram ng scientific calculator.
At yung sinabi kong nakukuryente sya. Well, ang totoo feel ko rin yun. Ako mismo, parang nakukuryente tuwing nasasagi ko sya. Hays. Nakakabakla. Kinikilig ako.
Makapag open na nga lang ng facebook. Matagal tagal na rin akong di nakakapag open ng facebook ah.
Email:____ Password:_____
Log in..
Loading....
Pagka open ko. Nag browse agad ng newsfeed ko.
-3-
Si Shane nag change ng profile pic. With her cute lil cat. Pero diba allergy sya? Paano ko nalaman? Well, sekretong malupit.
Ang cute cute niya talaga. Di ko tuloy mapigilan ang sarili kong hawakan ang screen ng laptop ko.
898 likes and 147 comments..
Kristal Yap waaahh ang cute naman ng cat mo!
I am Cristy psh, yahh like you kristal mukhang cat. Hihi peace
Jhielyn Sias kayo naman. Yung puda agad napansin nyo. Cute din kaya ng may-ari.
Kristal Yap achuu bumabawi lang yung nagcomment sa ibabaw ng comment na to eh. Wahaha
Shane Gonzales hmmp. Ewan ko sa inyo. Magsitulog na nga kayo! May pasok pa bukas.
I am Cristy ukie :) zzzzzzzZZZZ
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
Teen FictionA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...