Chapter 51

36 4 0
                                    


Wala naman talaga akong kailangan asikasuhin. Gusto ko lang naman talaga hanapin si Xander. At kahit na napagod ako sa kakahanap sa kanya nanatili pa rin ang saya sa akin ng matagpuan ko siya.

Ito siya ngayon nag s-strum ng gitara niya kanina pa. Kaya kanina pa akong nakatayo dito sa bandang likuran niya pinagmamasdan siya.

"Hays, nakakaantok ka naman." Pagsalita ko kasabay nang pag-upo ko sa bandang kanan ng tree house.

Mukhang nabigla ko siya dahil pagharap nito sa akin ay bahagyang nanlaki ang mga mata nito.

"S-Shane... Anong ginagawa mo dito?" Tama ba ang pagkarinig ko? Nautal si Xander banggitin ang pangalan ko.

Imbes na sagutin siya ay binuksan ko ang paper bag na dala ko. Nilabas ang pagkain na pinamili ko at inayos ko iyon.

Yun naman kase talaga ang pakay ko kaya ko siya hinanap. Ang pagdalhan siya ng pagkain. Tulad nga ng sinabi ni Kristal hindi pa kumakain si Xander. Syempre concern si Kristal sa kanya.

Si Kristal lang ba talaga ang concern? Yung totoo.

Aish. Oo na. Pati na ako.

"Nakakagutom. Tara kain tayo." Pag-aya ko sa kanya at inabutan siya ng isang styro na may lamang kanin. Yung ulam kase ay nakabukod sa ibang styrofoam.

Tiningnan lang ni Xander ang styro na inaabot ko sa kanya na tila ba ay nag-aalinlangan.

"Naku, masamang tanggihan ang grasya. Sige ka magagalit sayo si God." Sabi ko habang pinapasigla ang boses ko. Sa totoo lang ako man ay kinakabahan din. Hindi ko sigurado kung tama ba ang inaakto ko sa kanya. Dahil tulad ng sinasabi ko, hindi din alam kung pa paano aakto ulit sa harap niya. Paano ko siya pakikisamahan matapos ang lahat ng nangyari.

Nakakatawa nga eh. Hindi pa man kami ganoon katagal na naging close pero sobrang dami na ang nangyari.

"Salamat." Sa wakas at tinanggap din niya ang inaabot ko sa kanya. Nginitian ko siya at inanyayahan ng kumain.

Tahimik lang kaming dalawang kumakain. Walang umiimik sa kadahilang

a. Gutom kaming pareho kaya nasa pagkain lang ang atensyon namin.
Or
B. Nahihiya kami sa isa't isa at hindi alam ang sasabihin.

Pwes alinman sa dalawa ang iniisip mo. Tama iyon.

Kukunin ko na sana yung natitirang meatballs ng magkasabay kami ni Xander sa pagkuha nito gamit ang sariling tinidor.

"Ah sige sayo na."

"Sayo na."

Halos sabay ulit naming sabi kung kaya ay nagkatinginan kaming dalawa. Tinginan na nauwi sa tawanan.

"Go on Shane. Kunin mo na." Nakangiti nitong alok.

Umiling naman ako.

"Hindi sayo na. Nakakadalawa na din akong meatballs eh." Katwiran ko naman at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Nakakadalawa na rin ako." Sagot naman nito. Kaya tiningnan ko siya. Oo nga, limang meatballs kase yun kaya talagang may matitirang isa.

"Ah alam ko na." Sabi ulit nito at maya-maya ay hinati ang meatballs. Inilagay niya ang Kalahati sa lalagyan niya samantalang ang isa naman ay inilagay niya sa Styrofoam ko.

"Ayan. Kain na." Masiglang sabi nito kaya nginitian ko siya at nagpatuloy na rin sa pagkain.

In fairness mukhang nababawasan na ang awkward atmosphere sapagitan namin dalawa.

Great Pretender Meet Mr. CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon