Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Sa aking pag mulat ay wala akong makita ni kahit ano man. Sobrang dilim ng paligid at napaka-tahimik. Ni kuliglig o anong ingay ng insekto ay wala akong marinig.
"H-Hello? M-May tao ba Jan?" Nanginginig kong tanong. Ngunit tulad ng inaasahan ko ay walang sumagot.
Yung mga luha ko na kanina ko pa pala pinipigilan ay unti-unti nang tumutulo. Na tila ba ay nagpapaligsahan sila sa pagtulo.
Nasaan ako?
Sino ang dumukot sa akin?
Bakit ako dinukot?
Anong nagawa kong kasalanan?
Mga tanong na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko ngunit alam kong hindi ko masasagot.
Nakaupo ako sa isang silya. Hinihintay ang maaaring pwedeng susunod na mangyayari sa akin.
Nang maalala ko ang ilang mga pangyayari sa akin sa mga nakaraang linggo. Akala ko imahinasyon ko lamang iyon pero ilang linggo na rin ang palaging parang may sumusunod sa akin saan man ako magpunta.
Paiba iba ito ng sasakyan pero nakikilala ko pa rin ito dahil sa suot nitong mask na may nakasulat na malaking letrang X. Minsan naka kotse ito pero kadalasan ay naka motorsiklo.
Akala ko noong una guniguni ko lamang iyon. Pero ngayong nandito ako at dinukot na, napagtanto ko na talagang may sumusubaybay sa akin. I'm indeed I'm danger right now.
Pero ang tanong bakit ako dinukot at anong naging kasalanan ko? Wala naman akong naging kaaway.
Sumasakit na ang ulo ko. Wala akong mahanap na rason kung bakit ako nandito.
Ito na ba ang katapusan ko?
Dito na ba matatapos ang lahat?
Paano na lang ang mga kaibigan ko? Di ko man lang nasabi kung gaano kalaki ang pasasalamat ko sa kanilang walang sawang pagmamahal at laging nandyan tuwing kailangan ko sila.
Si nanay, na nag-alaga sa akin mula ng bata pa ako at hanggang ngayon na kung ituring ako ay parang anak niya. Mahal na mahal ko si nanay na siyang tumayong ina sa akin.
At higit sa lahat, si Xander. Mamatay nalang ba akong hindi ko pa rin nasasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal simula po noon hanggang ngayon?
Hindi ko na mapigilang tumangis. Bakit nangyari ito sa akin. Anong kasalanan ko para maranasan ko ito. Ano?
"Papa, ito na yata ang oras na magsasama tayo." Hikbing sabi ko.
"Hindi ko in-expect na ganito kaaga tayo magsasama Jan." Ngumiti ako ng mapait.
"Sorry hindi ko nafulfill ang ilan sa mga pangarap mo sa akin. Wala eh, oras ko na yata talaga ito. Miss na kita papa." Nakapikit na sabi ko habang ang mga luha ko ay malaya pa rin sa pag daloy.
Huminga ako ng malalim. If this is my last day. At least masabi ko man lang lahat ng mensahe ko para sa mahal ko sa buhay kahit di nila marinig. At least nagawa ko pa rin sabihin.
"Please, whoever you are...." Nangangatal ang boses ko. I'm scared but I need to do this.
"Give me a time to speak my heart please. Alam ko naman na kahit mag makaawa ako sayo you won't listen. So at least let me say my last words for my beloved." Buong tapang kong pakiusap. I paused for a while to hear any words from them pero wala akong narinig. So I guess its a yes? Pinayagan ako.
Tumikhim muna ako bago nagsalita muli.
"S-Sa mga kaibigan ko, Jhie, Rose, Cristy, Kristal, ate Jhelai, Rui, and to all my other friends. T-Thank you for always there for me. Salamat sa pagmamahal at suporta niyo sa akin. Whenever I'm down you are all always there to cheer me up. Saying thank you is not enough how much I am thankful for having a friend like you all. I love you all. Please continue to shine and reach all your dreams." If I will be given a chance to live and choose a friend, sila at sila parin ang pipiliin kong mga kaibigan. Hinding hindi ako magsasawang sila ang piliin because they are the best friends for me.
BINABASA MO ANG
Great Pretender Meet Mr. Crush
Teen FictionA YongShin Story. Ang istoryang ito ay nalikha dahil sa pagmamahal ni author sa YongShin at dahil din sa Heartstring kdrama nila na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na pinanood. ? I love PSH and also CNBlue. Kaya ayan inihahandog ko sa inyo...