Special Chapter 1

45 3 0
                                    

Monthsary Part 1

Alexander

Life is unfair. Tatlong salita na para sa akin ay napakalalim ng kahulugan. Ang mga katagang ito ay palagi nating naririnig sa ating kapwa lalong lalo na sa mga taong may malaking problema na pinagdaraanan.

We people always compare our situations to others. Na bakit sila ganito, at tayo ay hindi? Bakit sila merong ganyan samantalang tayo ay wala? Bakit, bakit at marami pang bakit. Mga bakit na nauuwi sa selos, pagkabugho, galit na kadalasan ay sinisisi pa natin sa Panginoong Diyos.

But is it true that life is unfair? Well, I don't think so. For me, life is fair because I believe God is fair. Sa totoo nga I always thank God for giving me obstacles in life cause that is mean He cares for me. That he doesn't forget me.

Everything in this world is a gift from God. Mapaproblema man yan o kasiyahaan. Its a blessings. Paano ko nasabi? Dahil hindi naman tayo pahihirapan ng Panginoong Diyos kung alam niyang hindi natin kaya eh. In fact He is just testing our capability in handling problems and most of all our faith to Him.

Ang hirap lang kase sa atin makaranas lang ng konting paghihirap sinisisi na agad ang Panginoon. Sinasabi na agad natin na unfair Siya. Pero ang totoo tayo sa sarili natin ang may pagkukulang. Kase we don't trust Him. Kaya ang end imbes na manampalataya tayo ay nagagalit pa tayo.

Ako, maraming beses akong nasaktan at minsan na rin nagsakripisyo. Pero masasabi kong worth it lahat ng mga iyon. Dahil ngayon nasa tabi ko na ang pinagpapanalangin ko noon pa man.

"Xander, tapos kana?" Ngiting tanong ng pinakamagandang babae para sa akin.

"Oo naman. Ikaw ba tapos na?" Balik ko tanong sa kanya at sinuklian ang kanyang mga ngiti sa akin.

Hindi ako magsasawang pasalamatan ang Panginoong Diyos sa pagdinig ng mga panalangin ko sa kanya.

Akala ko noon hanggang tingin nalang ako sa kanya. Na hindi ko siya magagawang malapitan dahil na rin sa takot na baka iwasan niya ako sa oras na lumapit ako sa kanya. Pero laking pasalamat ko ay hindi nangyari yun. Bagkus ay naging malapit kami.

"Tara na?" Pag-aya ko sa kanya at tinanguhan lang ako nito nilang sagot. Agad ko naman kinuha ang kanyang kaliwang kamay para hawakan ito at sabay kaming lumabas ng kapilya.

"Xander."

"Yes my precious?" Nakangiti akong lumingon kay Shane na ngayon ay namumula na ang mga pisngi. Cute. Kahit isang buwan ko na siyang tinatawag na my precious hindi pa rin pumapalya ang pamumulya ng kanyang mga pisngi.

Ang cute talaga ng precious ko.

"A-Anong pinagpanalagin mo?" Nauutal na tanong nito sa akin. Damn she's really cute.

Imbes na sagutin ang tanong niya ay pinisil ko lamang ang ilong nito saka siya nginitian.

Ang saya-saya ko. Akala ko hindi na darating ang araw na ito. Ang araw kung saan magagawa ko nang ipagmalaki na girlfriend ko na si Shane Gonzales. Ang masungit at mataray ngunit palaban na babae noong college namin.

"Ang daya naman eh. Ako sinabi ko sayo kanina kung ano ang ipapanalangin ko. Tapos ngayon ay mo sabihin yung iyo. Hmp. Jan ka na nga." Padabog na sabi nito at iniwan akong mag-isa. Naglakad na ito ng mabilis palabas ng kapilya

Napakamot na lamang ako ng ulo. Hays. Nagsusungit na naman ang girlfriend ko. Ang hirap pa naman suyuin nun.

"Ah bata magkano yan?" Tanong ko sa batang babae na nagbebenta ng mga cute stuffs. Kailangan ko ng panuyo kay Shane. Para mapaamo ko siya. Monthsary namin ngayon as a couple kaya kailangan hindi masira ang araw na ito.

Great Pretender Meet Mr. CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon