Chapter 1

372 15 3
                                    

SOMEWHERE IN WESTFORD UNIVERSITY ..

"Best, pahiram nga ng notes mo."paalam ni Jhielyn sa akin habang nanghahalungkat sa bag ko.

"Geh lang."sagot ko naman. Abala kase ako dito sa pag-eedit ng mga essay ko. Assignment.

"Best, peram ng ballpen."paalam ulit ni Jhie sa akin, assual di pa ako nakakatango ay nakakuha na sya ng ballpen sa bag ko. Psh. Lakas din nitong babaeng to eh.

"Ok." Matipid kong sagot sa kanya. Nagpaalam pa sya diba kung mas nauuna pa nyang kunin yung hihiramin nya kesa sa pagpapaalam.

"Best, peram ulit ng---"

"Oo na best. Kunin mo na lahat ng kailangan mo. Tigilan mo na ako sa mga pagpapaalam mo."sabat ko sa kanya ikinagulat nya. Naririndi na din kase ako sa mga pagpapaalam niya.


"Psh, anong use ng pag-papaalam mo kung ang hinihiram mo ay nasa kamay mo na."masungit kong sabi sa kanya. Tch.



Ako nga pala si Precious Shane Gonzales. But my friends called me Shane. Ayoko kaseng tinatawag ako sa first name ko. Feel ko lang masyadong formal eh. I'm a 2nd year students taking up AB communication.

"Eh, he he. Sorry best. H-B ka na naman." Psh, sabi ni Jhielyn, Jhielyn Sias my best friend since highschool. Pareho kaming 2nd year college dito sa Westford University.

I just give her an irritating look bago bumalik sa ginagawa ko. Pag eedit ng essay ko. Well, sanay na sila ng friends ko sa ugali ko. Masungit, mataray at strict. Ayon pa sa iba mahirap din daw pakisamahan. Well, I guess not, edi sana di ako magkakaroon ng mga kaibigan na tulad nila----


"Hey there."si Cristy ang conyong kaibigan namin.


"Yow, kabayow." Si Kristal naman ang reyna ng trippings.



"Hi Shane, Hi Jhie." At si Jelai, ang cousin ni Kristal.



Yeah, sila lang naman ang mga kaibigan ko since highschool. Even though iba-iba yung kinuha naming course, we still manage to bond with each other. Tulad ngayon. For sure kakatapos lang ng mga klase nito.


"Hey Jhie is that matagal pa ba?"tanong ng conyo friend namin na si Cristy Mae Amante. Yeah, you read it right. She is the conyo girl in our group. A second year student taking up bachelor of Music.


She's the girl na hate ang word na CRUSH. Andaming nagkakagusto sa kanya but dedma lang sya. According to her, ano ba daw mapapala nya jan,eh wala naman. Kilig? Well, wala sa dictionary nya yan.

"Bagal mo naman Jhie, nagugutom na ako."si Kristal Ramirez the tripping queen sa group namin. Siya din ang pinaka-matakaw sa amin. She may look innocent but siya ang pinaka maloko sa amin. She love trippings. A second year students din taking up Bachelor of Performing Arts and Dance. Well, obviously sa course niya, she loves to performed and dance.
Pero yun nga pinaka-matakaw sa group namin. Haha masyado ko na bang pinagkakalandakan? Pffft.


"Ugh, would you please shut up first girls, you see I'm doing something. Can't concentrate, hearing your annoying voices."haha yan si Jhie, beast mode na.


Ganyan yan pag iritado na, napapa english ng di oras. Haha.  Abala kase sya sa pagsu-summarize ng Romeo and Juliet ni Shakespeare. Tamad kase gumawa ng mga home works kaya ayan para makapasa, pinag-summarize ng prof namin. Haha buti nga sayo.

Great Pretender Meet Mr. CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon