Chapter 1

26.8K 527 43
                                    

Tamara Sid


Maaga akong nagising kasi first day of school today. Kailangan kong pumasok ng maaga dahil kukunin ko pa sa registrar ang aking class schedule. 

Ako nga pala si Tamara Sid Montenegro, 19 yrs of age. Sa States ako dati nag aaral pero napilitan akong umuwi dito sa Pilipinas dahil na rin sa pakiusap ng aking mga magulang.

Sobrang na miss na raw nila ako at gusto na rin akong e train ni dad na mag manage ng mga negosyo namin.

Wala rin naman daw ibang mag mamana at mag mamanage nun kung hindi ako. Dahil nag iisa lang naman nila akong anak.  Kaya maaga pa lang daw ay matuto na ako mag manage nito.

Nandito na ako sa parking lot ng school. Tumingin muna ako sa salamin ng kotse ko bago bumaba. Baka kasi hindi maayos ang makeup ko nakakahiya naman kung lalabas na lang ako basta.

Nagmamadali na akong naglalakad ngayon patungo sa registrar ng may bigla na lang akong nabangga pagliko ko sa may hallway.

Ramdam ko ang lakas ng banggaan namin kaya napapikit nalang ako at hinintay ko nalang ang pagbagsak ng aking likod sa semento.

Ramdam ko ang sakit sa aking likod ng tumama na ito sa sahig.

"Aray" ang narinig kong sabi ng aking nakabanggaan.

Dahan dahan akong tumayo at tinulungang bumangon ang naka salampak pa rin na babae.

Nagkalat na ang dala dala nitong laman ng folders.

Agad ko namang inalok dito ang aking kamay upang tulungan sana itong makatayo.

Pero basta na lang tumayo ang babae at di pinansin ang naka lahad kong kamay sa kanya.

Agad ko naman siyang tinulungang damputin ang mag gamit nya nung mapansin ko na nagsimula na itong putulin ang mga nagkalat na papel sa sahig.

Inabot ko na sa kanya ang mga nakuha kong papel. Umangat siya ng tingin at tiningnan ako ng masama, sabay hablot ng papel sa kamay ko.

Napatulala naman ako sa kanyang angking ganda. My god nasa langit na ba ako at bakit may Diyosa dito sa harap ko. Nakatingin lang ako sa kanyang mga magaganda at kulay abong mata.

Nakita ko na bumubuka ang kanyang cute na labi na napakaliit. Hindi ko alam kung ano na ang mga pinag sasabi nito basta naka focus lang ang mga mata ko sa kanyang labi na parang nag aanyaya na halikan ko ito.

Nagising nalang ako nang maramdaman ko ang bigat ng kanya kamay sa aking pisngi. Nasampal na pala ako ng di ko namalayan.

"Sa susunod wag mo ako idamay sa pagiging tanga mo!! Umalis kana sa harapan ko hanggat nakapagtimpi pa ako. O baka naman gusto mo sa kaliwang pisngi mo naman kita sampalin para fair?" Galit na sigaw nito sa akin.

Di na ako naka imik pa ng bigla nalang siyang naglakad at umalis na sa aking harapan.

Nakangiting sinundan ko nalang sya ng tingin ng ako ay makabawi.  My god pati ang behind shit ang sexy.

Bigla ko namang hinamig ang aking sarili dahil sa mga ginagawa ko ngayon na parang may pagka manyak na.

Napatingin nalang ako sa aking relo at may 10 minutes nalang bago mag start ang class.

Dali dali na akong pumunta sa registrar para kunin ang aking schedule.

Nag uumpisa ng magturo ang teacher ng ako ay pumasok. Parang familiar yung kanyang boses na napaka malamyos sa aking pandinig.

"Good morning Ma'am!" Tawag pansin ko kay Ma'am.

Agad siyang humarap sa akin na nakakunot ang noo.

Nabigla ako nang pagharap ni Ma'am ay yung dyosa pala na naka banggaan ko sa hallway at si Ma'am ay iisa.

"You're late Miss whatever your name is." Ang galit niyang sabi sa akin. Sabay tingin ng masama.

"Sorry po Ma'am at kinuha ko pa po kasi sa registrar yung schedule ko ng klase eh." Ang sabi ko sa kanya.

"Ok sige total bago ka pa lang naman kaya tatanggapin ko pa yung walang ka kwenta kwenta mong excuses."


"Sige na pumasok kana at umupo na. Tapos bigay mo na lang sa akin ang class card mo." Ang masungit nyang sabi, sabay irap pa sa akin.

Di ko mapigilan mapangiti sa kanyang  ginawa.

Ang cute kasi, para siyang bata na may kagalit ang itsura. Mas gumanda tuloy siya sa paningin ko. Hehehe

Nang masulatan ko na yung class card ay agad ko nang binigay sa kanya yon.

Nag umpisa na rin siya magturo. Di ko maiwasang mamangha sa galing niya. Although alam ko naman na iyon, kasi napag aralan ko na yon sa states pero di parin maiwasan na mapahanga ako. Ang galing nya kasi mag explain. Tanga na nga lang siguro talaga pag di pa nakuha ang tamang sagot.

Nakatitig lang ako sa kanya ngayon habang nagtuturo siya.

"Miss Montenegro!" Ang sigaw nyang sabi na nagpagising sa akin sa pagka tulala.

"Baka naman matunaw na ako nyan at wala ka nang ginawa sa buong klase kundi ang titigan lang ako." Masama ang tingin akusa nya.

Napapahiyang nakayuko na lang ako nang ulo ko. Sobrang pula na nang mukha ko sa pagka pahiya.

"Kung tititigan mo nalang rin naman ako buong klase ay mabuti pa na lumabas ka na lang."

"Tumayo ka at pumunta dito sa harap. Sagutan mo ang equation na ito. Pagkatapos mong sagutan, ipaliwanag mo na rin kung paano mo nakuha." Sigaw niya ulit, at padabog na binitawan ang marker pen.

Agad naman akong tumayo at sinagotan, tapos pinaliwanag ko na rin sa pinaka madaling paraan. After ko maipaliwanag tumingin ako sa kanya kung pwede na ba akong umupo.

Tumango na lang siya sa akin. " Ok good Ms. Montenegro. Pero sa susunod di ko na palalampasin to. Detention agad pag di kapa nakinig sa klase ko."

"Ok po Ma'am, sorry po." Ang nasabi ko na lang dito.

Namamanghang nakatingin naman sa akin ang aking mga classmates. Nginitian ko na lang naman sila ng tipid. Nahihiya pa rin kasi ako hanggang ngayon dahil sa mga pinag sasabi kanina ni Ma'am.

Kauumpisa pa lang ng klase eh ganito agad ang nangyari.

"Ok class dismissed." at agad na siyang lumabas ng classroom si Ma'am ganda.

"Oy ang galing mo naman, nasagutan mo yung kanina. Eh di pa naman explain ni Ma'am yun kanina nung pinasagutan niya sayo." Ang nakangiting sabi sa akin ng cute din na babae ng balingang ko ito ng tingin.

"Ah yung kanina ba? Na swertehan ko lang yon. Nag advance reading din kasi ako. Kaya medyo nalusutan ko yong kanina." nag kakamot ng ulong sabi ko.

"Ganun ba? Buti na lang talaga at tama yung sagot mo. Kasi pag nagkataon palalabasin ka nun at di ka pwede pumasok sa susunod na klase nya. Ganun kalupit yun si Ma'am. Akala mo laging may dalaw." Natatawang sabi nito.

"Ako nga pala si Jasmine Cordova friends na tayo ha." Nakangiti niyang sabi ss akin

"Ako naman si Tamara Sid  Montenegro. Tam o kaya Sid na lang ha." Nakangiti sabay abot ko nang kamay kay Jasmine, "friends na tayo yey!" ang natutuwa naming sabi, sabay hug sa isat-isa.





Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon