Tamara Sid
Andito pa rin ako sa labas ng gate ng bahay nila Ms. Angela, nakatayo at nakatulala. Pilit pina process sa isip ko kung ano ba ang nangyari.
Di pa rin makapaniwalang hinalikan ako ni Ms. Angela sa pisngi.
Hanggang ngayon di parin tumitigil sa bilis ng tibok ang aking dibdib na para bang galing ako sa isang marathon. Bakit kaya ginawa sa akin iyon ni Ms. Angela?
Nang mahamig ang sarili ay saka ko pa lang naisipan na sumakay sa aking kotse at umalis na.
Sa totoo lang, wala naman talagang binilin na bilhin si Mommy sa akin. Gusto ko lang talaga na umalis na kaagad doon.
Medyo nasaktan lang kasi ako sa mga sinabi nito kanina nung nag tanong ako about sa parents nito. Mali ba iyo?
Pwede naman kasi nito sabihin nang maayos kung ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Hindi iyong ipapahiya pa niya ako.
Sobrang hiya talaga nararamdaman ko kanina nung binara niya ako. Kaya nga nawalan na rin ako nang ganang kumain pa. Kahit na ang sasarap ng mga niluto nito at karamihan doon ay mga favorite ko.
Nag da drive na ako pauwi sa bahay ng biglang nag ring ang cellphone ko. Agad ko naman tinitignan kung sino ang tumatawag.
Si Anika pala yung tumatawag. Best friend ko sa states at kababata ko rin.
"Hello bes," ang masiglang bati ko dito nang sagutin ko ang tawag nya.
"Oy bes kamusta ka na? Nakakapagtampo ka, alam mo ba yun?"
"Mula nang umuwi ka dyan sa Pilipinas ay nakalimutan mo nang magparamdam sa akin. Kahit manlang sana nag message ka sa messenger kung nasasayangan ka sa load. Sobrang nakakatampo ka talaga bes." Sabi nito sa akin at halata mo nga sa boses nito na nagtatampo sya.
"Saglit lang bes ah at nag dadrive kasi ako. Tawagan kita mamaya pag nakarating na ako sa bahay. Pasensya na talaga bes." Sabay patay ko tawag nya.
Alam ko naman na talagang nagtatampo na yon sa akin. Kasi nga sa sobrang busy ko ay nakalimutan ko na talaga na kamustahin siya.
Di bali bawi na lang ako sa kanya pag nag bakasyon yon dito sa summer.
Sakto pa kilala ko na rin sya kay Jasmine na bagong friend ko. Tiyak magkakasundo ang dalawang iyon at parehas kalog eh.
Nang makarating sa bahay ay naabutan ko pa sila Dad at Mom sa living room at nanonood ng tv kasama ang aming mga kasambahay.
Ganito naman palagi ang scenario na nakikita ko pag nandito sila sa bahay.
Di kasi namin itinuturing na iba ang aming mga kasambahay. Madalas pa nga minsan ay sinasabay na talaga namin sila sa pagkain.
Nag mano muna ako kila Mom saka umakyat na sa aking kwarto.
Naligo naman na ako agad at nagpatuyo ng aking buhok. Di ko kasi maiwasan na di maligo sa Gabi. Feeling ko kasi pag di ako makapag shower ay ang lagkit ng pakiramdam ko.
Agad ko nang tinawagan si Anika after ko matuyo ang buhok.
"Hello bes, I have some chika for you."
Ang naka bungisngis kong sabi dito.
Gusto ko kasi ipaalam dito kung ano ang nangyari sa akin kanina. Gusto ko malaman kung normal lang ba iyon. Baka kasi may alam siya kung bakit.
At yon nga nag kwento na ako sa kanya.
"Talaga bes may nararamdaman ka na parang kuryente? Tapos bigla na lang bumilis ang tibok nang puso mo?" Ang di makapaniwalang tanong nito sa akin.
"Oo nga bes, paulit ulit ka naman eh." Sabi ko na medyo irita na.
"Hala ka bes bantayan mo na yang puso mo. Tingin ko kasi po problemahin mo yan. Buti sana kung di mo sya teacher. Pag nagkataon naku bes sinasabi ko na talaga sayo."
"Pati, medyo iwasan mo na rin siya."
"Ha? Di kita maintindihan, bakit ko naman po problemahin at iiwasan si Ms. Mondragon? Ano bang meron bes? Sinabi ko lang naman sayo iyong naramdaman ko kanina."
"Masama ba yon bes?" Ang dagdag ko pang sabi dito.
"Hindi naman bes masama yang nararamdaman mo. Ang di lang maganda doon ay yung teacher mo nga sya."
"Oh eh ano naman kung teacher ko siya? Wala naman akong nakikitang masama na ginawa ko sa kanya. Tinulungan ko pa nga sya sa mga masasamang loob eh." Sagot ko naman dito. Hindi ko pa rin kasi ma gets kong ano ba ang ibig nitong sabihin.
"Hay naku bes di ko alam kung paano ko ba explain sayo to. Basta hanggang kaya mo bes iwasan mo muna sya. Para din yon sa ikabubuti mo. Sa ngayon siguro di mo pa maintindihan yung mga sinabi ko." Sagot naman niyo sa akin.
"Hay bahala na lang. At saka iiwasan ko talaga yon bes. Katakot kaya si Ms. Angela. Sobrang sungit dinaig pa ang mga nag menopause sa kasungitan."
"Oh ikaw bes musta ka naman na? Sinagot mo na ba yung nanliligaw sayo na basketball player?" Tanong ko dito.
"Hay naku bes, binasted ko na yon. Puro kayabangan lang naman ang laman ng utak non. Imagine pinagbigyan ko lang na manood ng sine at nakukulitan na nga ako eh yayain ba naman ako na mag short time daw kami."
"Ang kapal na nga ng mukha, gusto pa makaisa. Tapos nung nanonood na kami nang sine eh. Panay na ang hipo sa akin. Sinampal ko tuloy saka ko iniwan doon sa sinehan."
"Akala niya siguro eh katulad ako ng ibang babae dyan na patay na patay sa kanya. Hindi naman kagwapuhan. Pasalamat na nga lang sya at kahit di naman kagalingan eh nakapasok siya sa team."
"Kung di ko pa alam eh kamag anak nya yung coach nila. "
"Kapal lang talaga nang mukha. Siguro kung nandito ka bes, baka nasapak mo pa yon. Grabe ang laki talaga nang asar ko sa lalaking yon. "
"Buti na nga lang at di na nangulit ngayon eh. Nakita siguro na wala naman siyang mapapala sa akin."
Nag kwentuhan pa kami ni Anika hanggang sa mapansin ko na mag 12 na Kaya nag paalam na kaagad ako dito. Diko na rin kasi namalayan Ang oras eh. Napasarap na ang kwentuhan namin dalawa.
BINABASA MO ANG
Ms. Angela Mondragon
RomanceTamara Sid Montenegro isang transfer student from States maganda, mabait, matalino at mayaman. Na love at first sight sa una pa lang nilang pagkikita ni Ms. Angela Angela Mondragon isang kilalang terror na Professor, maganda, mayaman, matalino at ma...