Tamara Sid
"Oh sya tama na ang drama." Nakangiting baling sa akin ni Mom.
"Tamara mahiya ka naman dyan sa girlfriend mo. Nakikita ka nyang ganyan. Maya sabihin nyan ang weak mo." Pang aasar pa sa akin ni Mom.
"Mommy naman eh. Masaya lang po talaga ako. Ang swerte ko po kasi sa inyo ni Dad." May pag mamalaking sabi ko sa kanila.
"Hay ang anak ko talaga. Sige na balik ka na doon sa upuan mo at ng makakain na tayo."
"Oh iha huwag kang mahiya ah. Ituring mo na parang tahanan mo na rin ang bahay na ito." Baling naman ni Mom kay love.
"Opo mommy. Salamat nga po pala sa pag tanggap nyo sa relasyon namin ni Tamara. Hindi nyo kami hinusgahan. Lalo na po ako na professor pa naman na dapat eh mas makaunawa sa tama at mali."
"Naiintindihan namin ang pinag dadaanan nyo. Sana lang ay mag ingat kayo na wala muna sanang maka alam ng about sa inyo lalo na sa school hanggat hindi pa guma graduate itong si Tamara namin."
"Alam nyo naman kung paano mag isip ang karamihan ng mga tao ngayon. Dinaig pa ang judge kung makapang husga ng kapwa."
"Ayaw lang namin na mapag chismisan kayo at masabihan ng kung ano ano. Dahil di ko mapapangako na hindi kami makikialam pag nasaktan ang anak namin." Paliwanag naman dito ni Mom
" Makakaasa po kayo na hanggang sa abot ng aking makakaya ay poprotektahan namin ang isat-isa." Sincere na sabi ni love kay mom.
"Oh sya kain na tayo at lumalamig na ang pagkain." Biglang pag iiba ni Mom ng usapan..
Masaya naman na kumain na kami. Ipinaghihimay ko si love ng isda at pinag lagay na rin ito ng pagkain sa kanyang plato.
"Love kain ka ng madami ha. Pumayat ka kasi eh. Di ka siguro masyado kumakain nung mga nakaraang Linggo no?" Bulong kong tanong dito.
"Paano naman kasi akong makakakain ng maayos nung mga nakaraang Linggo eh. Kung kani kanino ka nakikipag landian. Sa tingin mo eh makakakain pa ako ng maayos non?" Sagot nitong bulong din sa akin. Sabay irap at tingin sa akin ng masama.
Di ko naman maiwasang mapalunok ng makita ko ang masama nitong tingin sa akin.
" Di naman ako nikikipag landian love. Grabi ka naman sa akin. Nakikipag usap lang kaya ako sa kanila." Pag tatanggol ko naman dito ng aking sarili.
"Anong nakikipagusap lang eh. Kitang kita ko kaya na nakahawak pa sila dyan sa braso mo. Tas gustong gusto mo naman. Ang laki pa nga ng tawa mo eh." Inis ng sabi nito. Medyo padabog na rin ang paggamit nito ng kutsara.
Patuloy lang ang diskosyunan namin ni love kaya di namin namalayan na nasa harap nga pala kami ng hapag kainan at kaharap pa nga pala namin ang aking magulang.
Di ko rin tuloy napansin na naka ngiti lang na pinapanood nila kami habang nag tatalo sa bagay na iyon.
Nang napansin ko na nasa hapag nga pala kami ay bigla ko na lang binulungan si love.
" Love pwede maya mo na ako awayin. Kanina pa kasi naka tingin sa atin sila Mom." Bulong kung sabi dito.
Bigla naman itong natigilan para sana awayin ulit ako ng marinig nito ang sinabi ko. Agad namula ang mukha nito dahil sa hiya. At di na nakuha pang mag taas ng tingin.
Binalingan ko naman ng senyas ang parents ko na kunyari ay wala silang narinig at nakita magpatuloy na lang sa pagkain na agad naman nilang ginawa.
Namumula pa rin hanggang ngayon si love. Lalo tuloy itong gumanda sa paningin ko.
"Ok ka lang love? Namumula ka eh. May masakit ba sa iyo?" Patay malisya kong tanung dito.
Dahan dahan naman itong nag angat ng tingin at pasempling tinignan ang parents ko na tahimik lang na kumakain.
Na para bang walang kaalam alam sa nangyari kanina. Agad naman akong binalingan nito ng masamang tingin. Sabay sabi sa kain." Lagot ka sa akin mamaya Montenegro." Sabi nitong naka simangot
Naiiling na binalingan ko na lang ang aking pag kain.
"Ah Angela iha, are you related to Armando ang Luciana Mondragon? Medyo may pag kakahawig kasi kayo ni Luciana eh." Biglang tawag pansin ni Dad kay love na naka yuko lang at busy sa pagkain.
Agad naman nag angat ng tingin dito si love. "Yes po Dad. Parents ko po sila. " Sabi ni love kay Dad.
""Wow talaga. Paki kumusta mo naman kami sa kanila. Alam mo bang mag kakaibigan na kami ng parents mo noon pang highschool hanggang college. Medyo nag kalayo na nga lang ngayon dahil busy na kami sa mga negosyo at sa pamilya namin." Naka ngiting sabi ni Dad kay love.
"Naku pag nabanggit mo kami ng mommy mo sa kanila sigurado matutuwa ang mga iyon. Alam mo ba na pangarap namin noon na sana ang mga magiging mga anak namin ay mapangasawa ng mga magiging anak nila." Dagdag pang kwento ni Dad.
"Mukhang mag katotoo na ang mga pangarap natin hon." Baling ni dad kay Mom na naka ngiti ding naka tingin sa amin.
"Talaga po Mom, Dad. Friend nyo yung parents ni love?" Di nakatiis na tanong ko sa kanila.
"Oo anak. Medyo nagkalayo na nga lang kami nitong busy na kami pareho ng mommy nyo. At saka magkaiba kasi ang mga negosyo naming hawak kaya madalang na lang na maka salamuha namin sila." Paliwanag pa ni Dad
"Narinig mo iyon love? Mukhang umaayon na sa atin ang swerte ah. Imagine mag kakakilala pala sila nila Dad." Tuwa kong baling kay love na naka ngiti din sa akin.
BINABASA MO ANG
Ms. Angela Mondragon
RomanceTamara Sid Montenegro isang transfer student from States maganda, mabait, matalino at mayaman. Na love at first sight sa una pa lang nilang pagkikita ni Ms. Angela Angela Mondragon isang kilalang terror na Professor, maganda, mayaman, matalino at ma...