Tamara Sid
" Di ko naman na siguro obligasyon na sabihin kong ano iyong kanina sa bar Ma'am Angela. It's too personal na po." Sabi ko dito na naka tingin lang sa kanya ng poker face.
Hindi na ako nito matatakot pa ng mga pagalit galit nito. Sabi ko nga wala na akong paki alam sa kanya. Nag mo move on na ako.
Tsaka wala na kaming relasyon para umakto pa siyang ganyan na para bang nag seselos na girlfriend ko.
Lalo naman na nag dilim ang aura nito sa sinabi ko. Napa kuyom na ang kamay nito na parang pinipigilan lang ang sarili na saktan ako.
"May karapatan ako na makialam dahil studyante kita at professor mo ako." Lame excuses nito na tinaasan ko lang ng kilay.
"As far as i remember Ma'am Angela, eh wala akong nabasa na ganyan sa policy ng school." Sabi ko naman sa kanya at di na lang pinansin pa ang galit na galit nitong itsura.
Nakakasawa na rin na laging ganyan na lang ang makikita kong itsura nya.
"Need ko na rin po palang umalis at mukhang andyan na sa labas ang aking driver. Nag text po kasi ako kanina na sunduin nya ako dito sa bahay nyo." Sabi ko pa at handa na sanang umalis ng bigla nya na lang akong niyakap ng napaka higpit.
Na para bang ayaw nya na akong bitawan pa. Pero ginawa nya na nga eh.
Naramdaman ko na lang ang pag yugyug ng kanyang balikat at ang pamamasa ng aking likuran.
Umiiyak na pala ito. Kahit gusto kong yakapin din sana sya at sabihin na huwag na syang umiyak dahil mas nasasaktan ako pag nakikita kong ganito sya ay di ko ginawa.
Kahit pala sobrang mahal mo ang isang tao ay kaya mo syang tiisin dahil sa sakit na binigay nito sa iyo. Sobrang pag pipigil ang aking ginawa para di ito yakapin pabalik.
Sabi ko nga sa sarili ko tama na. Ayaw ko nang dagdagan pa ang sakit na maari pa nitong ibigay sa akin.
"Please Tamara huwag ka umalis. Mag usap naman tayo oh. Please pakinggan mo naman ako kung bakit ko nagawa iyon sa iyo. Please Love." Sabi nito sa garalgal na boses. At mas lalo pang hinigpitan ang pag kakayakap sa akin.
Di naman ako umimik at dahan dahan na hinawakan ko ang kanyang kamay at inaalis ito sa pag kakayakap sa akin.
Ayaw ko ng makinig pa sa kung anuman na dahilan nito. Tama na ang binigay kung panahon dito na sana ay nag paliwanag ito. Pero ni hindi nya man lang ginawa.
Tapos ngayon kung kailan nya lang naisin na kausapin ako eh saka sya mag gaganyan. Hindi na bali na lang.
Hindi lang sya ang babae at di rin ako ka member ng mga samahang marurupok. Para lang iyon sa mga taong di kayang panindigan ang kanilang mga sinasabi at desisyon.
"Bitaw na Ma'am. Wala na rin naman tayong pag uusapan pa eh. Kung anuman iyang reasons mo eh wala na po akong paki alam dyan." Sabi ko dito at pilit inaalis ang kanyang kamay sa baywang ko.
"Love please, hear me out. Please Love !!!" Paki usap pa rin nya at mas lalo pang lumakas ang kanyang pag iyak.
"Kung gusto mong mag usap tayo eh sa ibang araw na lang. Huwag muna ngayon." Paki usap ko naman sa kanya.
"Promise? Makikipag usap ka talaga sa akin ha? Medyo tumigil na rin ito sa pag iyak pero di pa rin inaalis ang pag kakayakap sa akin.
"I miss you so much Love. Di mo lang alam kong anong pag pipigil ang aking ginawa nitong mga nakaraang Linggo na huwag kang lapitan at kausapin." Tuloy tuloy na kwento nito sa akin.
"Kung alam mo lang na gusto ko ng pag sasabunutan at pag sasampalin ang mga mahaharot na lumalapit sa iyo sa school." Dagdag pa ulit nito at ramdam ko sa tuno ng boses nya ang pagka inis nito.
Napa buntong hininga na lang ako at hinayaan na lang sya na mag kwento ng kung ano ano na di ko na papaniwalaan pa.
Paano akong maniniwala pa sa sinasabi nya na yan eh kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sila mag lambingan ng pinalit nya sa akin.
Tapos ngayon mag kwe kwento sya ng mga ganyan. At sino naman kayang tanga ang maniniwala pa sa kanya.
"Huwag na huwag ka ng pupunta pa ng bar sa susunod ha. Baka di na ako maka pag pigil pa sa susunod at maka tikim na kung sino man ang mang lalandi sa iyo doon."
"Buti nga at napigilan pa ako kanina nila Jane na huwag kalbuhin ang bitch na iyon. Kapal ng mukha nya na yakap yakapin ka. At ikaw naman eh mukhang gustong gusto mo naman."
"Pasalamat ka at kailangan kong maging mabait sa iyo ngayon. Naku kung hindi lang eh sinampal ko na kayo ng babae mo doon kanina pa." Sabi nito na nag aala dragon nanaman
Di pa rin ako umiimik at hinahayaan lang syang mag salita. Pasasaan ba at mananawa din naman yan.
"Ma'am tingin ko eh need ko ng umalis. Kanina pa kasi labas yung driver ko eh." Untag ko dito at mukhang naka limutan na ata na need ko ng umalis.
"Bakit kasi uuwi ka pa eh pwede ka naman na mag sleepover dito na syang dati mo naman nang ginagawa." Pamimilit pa rin nito sa akin at di pa rin talaga ako pinapa kawalan.
"Ma'am nag usap na tayo diba? Sa ibang araw na lang at naka inom ako baka lalo lang tayong di mag ka intindihan.
BINABASA MO ANG
Ms. Angela Mondragon
RomanceTamara Sid Montenegro isang transfer student from States maganda, mabait, matalino at mayaman. Na love at first sight sa una pa lang nilang pagkikita ni Ms. Angela Angela Mondragon isang kilalang terror na Professor, maganda, mayaman, matalino at ma...