Angela
Nang mahimasmasan ako ng kunti ay tumayo na rin ako at tuluyan ng lumabas at pumunta sa aking kotse. Di na rin ako nag paalam pa kay Dad. Sobrang sama na kasi ng pakiramdam ko.
Kahit medyo nanlalabo pa ang mata ko dala ng sobrang pag iyak ay pinilit ko pa ring mag drive pauwe ng bahay ko.
Di ko na alam kong ano pa ang gagawin ko. Parang gusto kong sumigaw ng sumigaw ng mabawasan naman kahit paano ang dinadalang bigat ng aking dibdib.
Naka uwe naman akong ligtas sa bahay. Agad na akong dumiretso sa aking kwarto at humiga na agad sa aking kama.
Maya lang ay naka tanggap ako ng text galing kay Love. "Loves dito na po ako sa bahay. Medyo natagalan po kasi sa byahe dala ng traffic kaya ngayon lang ako naka uwe." Pag inform nito sa akin.
"Mag pahinga ka na dyan ha. Don't forget to double check lahat ng mga bintana at pinto mo ah." Bilin pa nyang text sa akin.
Paano ko naman magagawang layuan ang isang tulad nito. Eh napaka swerte ko na nga sa kanya. Never pa nitong pinatulan ang lahat ng pag tataray at kasupladahan ko.
Lalo naman na akong napaiyak ng mabasa ko ito. Napaka sweet talaga nito. Kahit na lagi ko na lang syang natatarayan eh parang immune na ata ito sa ugali ko. Palagi na lang nito sinasabi na mahal kasi kita kaya lahat ng iyon ay kaya kung tanggapin.
Nag reply na lang ako dito para di na sya mag alala pa. Panigurado kasi na tatawag yan pag di pa ako nag reply dito.
"Na check ko na po kanina pa. Kaya huwag na mag alala pa ang Love ko okay. Sige na pahinga ka na rin. Alam ko naman na mas napagud ka eh. Layo kaya ng drive mo kanina. Love thanks nga pala ha sobrang nag enjoy ako sa date natin kanina." Reply ko naman dito.
" Tungkulin ko na man po na pasayahin ka bilang girlfriend mo eh. Ikaw din po love pahinga ka na rin po.
I love you." Basa kong reply nya sa akin." Sige na love goodnight na. I love you too." Reply ko naman dito. Hay di ko na alam kong anong gagawin ko.
Pag di ko sinunud si Dad eh malamang may gawin tong masama kay Tamara na hindi ko papayagang mangyari iyon. Ako lang ang may karapatan dito na saktan ito.
Dahil sa sobrang pag iisip t pag iyak ay di ko namalayan na naka tulog na pala ako isama mo pa na pagud din ako sa byahe namin kanina.
Kinaumagahan.
Agad kong tinawagan si kuya Lance upang ibalita dito ang napag usapan namin kagabi ni dad.
Wala na kasi akong ibang malapitan at pwedeng pag sabihan ng mga napag usapan namin ni dad
Ilang ring lang ay sumagot na si kuya sa kabilang linya.
"Hello!" Medyo paos at mukhang kakagising lang na boses ang aking narinig kay kuya.
Nang marinig ko ang boses nito ay bigla na lang namasa ang aking mata dahil sa pinipigilan kong pag iyak.
"Kuya.!" Sabi ko dito sabay iyak na ng tuluyan..para kasing ngayon lang ako naka hanap ng kakampi ko.
"Hoy ano yan Angela? Bakit ka umiiyak ha??" Taranta naman na tanong sa akin ni kuya Lance.
"Si Dad kasi kuya eh." Hikbi kong sabi dito. "Pwede ka bang pumunta dito sa bahay ko kung di ka naman busy?" Sabi ko dito habang umiiyak.
"Bakit anong nangyari? Anong ginawa ni Dad? Sige mag bihis lang ako at pupuntahan na lang kita dyan ha." Taranta naman na sabi nito sa akin at pinatay na agad ang tawag ko.
Maya lang ay naka rinig na ako ng pag doorbell kaya agad na akong bumaba ng hagdan. Panigurado si kuya na iyon.
Di nga ako nag kamali ng pag bukas ko ng pinto at makita ko sya na sobrang nag aalala ang itsura nito.
Agad naman nya akong niyakap. Kaya di ko ulit napigilan ang aking pag iyak. Panay lang naman ang hagod nito sa likod ko upang pakalmahin ako.
Di naman sya nag tatanong kung bakit ako umiiyak. Siguro ay hinihintay nya lang na kusa na akong mag sabi sa kanya ng mga nangyari.
"Kuya Lance, alam na ni Dad ang tungkol sa amin ni Tamara." Sumbong ko dito at panay pa rin ang aking pag iyak.
"Gusto nya na hiwalayan ko na ito. Di ko kaya kuya. Please tulungan mo ako na ma convince si Dad. Di ko kayang malayo kay Tamara." Pag mamakaawa ko kay kuya.
"Huwag ka mag alala at eh try ko kausapin si Dad. Pero gagawa pa rin ako ng paraan para di na sya maki alam pa sa inyo ni Tamara." Sabi naman ni kuya
"Alam na ba ito ni Tamara?" Tanong nya sa akin.
"Wala pa akong sinasabi sa kanya kuya. Di ko kaya na masaktan sya. Tsaka ayaw ko na madamay pa sya dito. Di ko na alam kung ano ang gagawin ko."
"Gusto ni Dad na hiwalayan ko na sya agad. Dahil kung hindi daw eh sya ang gagawa ng paraan para mapag layo kami. Kilala mo naman kung gaano ka tuso si Dad. Baka kung ano pa ang gawin nya dito. At mag ka gulo lang kami ni Dad pag sinaktan nya ito." Sabi ko habang humihikbi pa rin. Di ko kasi talaga mapigilan na huwag maiyak.
"Alam ba ito ni Mom? Kasi kung alam nya ito eh panigurado na pipigilan nya ang binabalak na ito ni Dad." Sabi naman ni kuya sa akin.
"Di ko alam kuya. Wala kasi sya kagabi nung kinausap ako ni Dad eh."
"Sige ako na bahala dyan. But for the meantime eh medyo lumayo ka muna kay Tamara para di sya pag initan ni Dad habang wala pa tayong nagagawang paraan. Bilin nya naman sa akin.
BINABASA MO ANG
Ms. Angela Mondragon
RomanceTamara Sid Montenegro isang transfer student from States maganda, mabait, matalino at mayaman. Na love at first sight sa una pa lang nilang pagkikita ni Ms. Angela Angela Mondragon isang kilalang terror na Professor, maganda, mayaman, matalino at ma...