Tamara Sid
Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa aking kwarto at di pa rin nakakapili ng aking isusuot sa dinner namin sa parents ni love mamaya.
Halos nailabas ko na lahat ang laman ng aking closets at puno na rin ng damit ko ang aking kama. First time ko kasi sila ma meet at sobrang kinakabahan talaga ako.
Di nyo naman kasi ako masisisi diba? Meeting with the parents ay isang nakaka kabang bagay talaga. Lalo na kung alam mo na di ka gusto ng parents nito. Parang ayaw ko na ngang lumabas pa ng aking kwarto eh.
Pero need ko lakasan ang aking loob. Para naman sa amin to ni love eh. Tsaka need ko na rin makilala ang aking mga magiging in laws.
Di rin nag tagal ay naka pamili na rin ako ng maisusuot ko. Yung dress ko na kulay white na above the knee na lang ang aking napili.
Nag makeup na rin ako pero light lang. Patapos na ako mag makeup at inaayos ko na lang ang laman ng pouch ko ng maka tanggap ako ng text na galing kay love.
"Love asan ka na? Punta ka na dito sa bahay at baka ma late tayo ng punta kila Mommy. Pinaka ayaw pa naman ni Dad eh iyong na lalate." Basa kong text nya sa akin.
Agad naman akong nag reply kay love. " Papunta na ako dyan love. Wait lang po saglit ah." Reply ko dito bago nag mamadaling kinuha ko na ang susi ng kotse ko at lumabas na.
Nag drive na ako agad pa punta sa bahay ni love ng may madaanan ako na flower shop. Huminto muna ako saglit at bumili ng isang bouquet ng tulips para sa Mom ni love at isang bouquet din ng red rose para naman sa kanya. Baka mag tampo pa iyon pag di ko binigyan. Sanay pa naman na nakaka tanggap sya ng flowers galing sa akin. Saka nag mamadali ng nag drive.
Saktong six pm ng maka rating ako sa bahay ni love. Agad naman na akong pumasok sa loob at nakita ko syang naka upo na sa living room at naka cross arms na naka tingin sa akin.
Alanganing nginitian ko na lang sya at hinalikan ang pisngi nito. "Sorry na love, dumaan pa kasi ako sa flower shop eh." Hingi ko ng paumanhin dito sabay abot ng bouquet ng rose sa kanya.
Napa buntong hininga na lang ito at inabot na lang sa akin ang bigay kong bulaklak saka inayos muna sa kanyang vase bago kami umalis pa punta sa bahay ng parents nya.
"Tara na love, baka ma late pa tayo eh. Di mo pa naman alam baka ma traffic pa tayo dyan mahirap na." Sabi nito sa akin sabay hila na sa namamawis at nilalamig kong kamay.
Napatingin naman agad ito sa akin. "May sakit ka ba love? Ang lamig ng kamay mo?" Kunot noo nitong tanung sa akin.
"Wala love. Kinakabahan lang ako." Alanganing ngiti na sabi ko dito.
"Huwag ka nang kabahan love. Tanggap na ni Dad ang tungkol sa atin. Kaya nga sya na ang nag invite sa atin na mag dinner naman daw tayo sa bahay at ng makilala ka na daw nila." Sabi nito saka bahagyang pinisil pa ang aking kamay bilang pag bibigay ng assurance.
Magkahawak kamay na kaming lumabas ng kanyang bahay. "Love ako na lang muna ang mag drive ha." Sabi ni love sa akin sa nakakaunawang tingin.
Di naman na ako nakipag argument pa sa kanya dahil nga baka di ako masyado makapag concentrate sa pag drive eh maaksidenti pa kami.
Tahimik lang kami ni love habang hawak pa rin nito ang namamawis kong kamay.
Mas lalo naman akong pinag pawisan ng malamig ng makita ko na papasok na sa isang sikat na subdivision ang kotseng minamaneho ni love.
Maya lang ay tumigil na kami sa tapat ng isang mansion. Agad naman ng bumaba si love at ako nandito pa rin naka tanga sa aking upuan.
Di ko na alam kung ano pa ang aking mararamdaman. Para na akong masusuka na iwan. Ramdam nyo rin ba iyon pag first time nyo na dalhin kayo ng jowa nyo sa kanila.
Maya lang ay binuksan na ni love ang pinto ng kotse at taas kilay na tinignan ako. "Di ka pa ba lalabas dyan?" Masungit at taas kilay na sita nito sa akin. Paano kasi hanggang ngayon ay naka upo pa rin ako dito sa kotse.
" Love, kinakabahan ako. Paano kung di pa rin nila ako magustuhan? Paano kung palayasin na lang nila ako bigla at pag salitaan ng masasakit na salita?"kinakabahang sabi ko dito.
"Hindi yan love. Tsaka andito naman ako. Di ko papayagan na gawin nila sa iyo iyan." Sabi nito sabay pisil sa kamay kung hawak nito.
Napa buntong hininga na tumango at bumaba na ako ng kotse. Pero pumunta muna ako sa backseat para kunin yung flowers para sa Mom ni love.
"Sana magustuhan ito ni Tita love. Di na ako bumili ng alak para kay Tito at baka pag nainis sa akin iyon eh bigla na lang ipukpok sa akin yung dala kong alak" Sabi ko kay love.
Napangiti na lang ito sa sinabi ko. "Sira ka talaga love" sabi nito sa akin sabay kurot sa aking tagiliran.
Nag lakad na kami papasok sa kanilang bahay. Panay naman ang bati dito ng mga nakakasalubong naming kasambahay nila.
"Manang asan na po sila Mom?" Tanong ni love sa naka salubong namin.
" Asa may living room Ma'am, kanina pa nga po kayo hinihintay eh." Magalang na sabi nito kay love.
BINABASA MO ANG
Ms. Angela Mondragon
RomanceTamara Sid Montenegro isang transfer student from States maganda, mabait, matalino at mayaman. Na love at first sight sa una pa lang nilang pagkikita ni Ms. Angela Angela Mondragon isang kilalang terror na Professor, maganda, mayaman, matalino at ma...