Tamara Sid
Lumipas na ang isang Linggo at hangang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na kahit anong text oh tawag na nag e explain si Angela kung bakit nya nagawa iyon.
Para pa ngang pinagmamalaki pa nito sa buong campus na sila na ni Sir Lucas.
Wagas kasi itong makakapit sa braso ni Sir pag nag lalakad sila sa may hallway.
Di ko na ngalang sila pinapansin eh. Na kwento ko na rin ang nangyari kay Jasmine. At galit na galit nga ito kay Ma'am Angela eh.
Gusto pa nga sana nitong sugurin eh kung hindi ko lang napigilan. Sabi ko nga sa kanya hayaan na lang. Wala na din naman magagawa pa kahit sugurin nya pa ito.
Tinanga tanga na nga ako nito at bakit hinayaan ko lang daw na ganun ganun na lang iyon.
Sabi ko naman eh ayaw ko na lang ng gulo pa. Wala na rin kakong magagawa pa. Kahit na magalit pa ako sa kanya.
Magkakasakitan lang kami ng salita kako. Napailing na nga lang ito sa akin eh. Tanga ko daw talaga.
Aminado naman ako doon. Kaya nga lang eh ayaw ko na nga lang ng gulo pa. Tapos na nga eh diba.
Pumapasok na nga lang ako kasi nga ay finals na namin. Nag usap na kasi kami ni Dad na nitong bakasyon ay mag sisimula na akong papasok sa office nya.
Tuturuan nya na raw ako kung paano ang tamang pasikot sikot sa negosyoo namin.
Gusto ko na rin naman para kahit paano eh may iba akong pagka abalahan.
Pag wala kasi akong ginagawa eh naiisip ko lang siya. Kaya nga madalas eh puyat ako at kung minsan eh mugto pa ang mata ko.
Di ko kasi maiwasang umiyak pa rin dahil sa nangyari sa aming dalawa ni Ma'am Angela.
Aaminin ko na hanggang ngayon eh masakit pa rin talaga ang ginawa nya. Nag papaka tatag na nga lang ako eh.
Ayaw ko kasi na mapansin pa nila Mom na may pinag dadaanan ako. Kaya minsan eh iniiwasan ko na lang na makasabay ko sila sa pagkain.
Last subject na lang namin ngayon at tapos na ang aming exam.
" Tamara mag bar naman tayo oh." Aya sa akin ni Jasmine habang naka upo kami ngayon at hinihintay ang Prof namin.
"Wala naman na tayong exam diba? Tsaka bakasyon naman na eh. Sige na please." Pamimilit nya pa sa akin
"Titignan ko," nasabi ko na lang dito
"Ay di pwede ang ganyang sahot. Basta maya dadaanan kita sa bahay nyo ha. Nga pala naipag paalam na kita kila tita." Sabay pakita nito sa akin ng usapan nila sa text ni Mom.
"Kaya wala ka ng dahilan pa kundi ang sumama mamaya. Malay mo diba may makilala tayo doon." Sabi nito. Na tinaasan ko lang ng kilay.
" Baka nakakalimutan mo na may Ma'am Athena ka na. Maya nyan malaman nya ito eh malagot ka nanaman sa kanya." Paalala ko naman sa kanya.
"Naku di magagalit iyon. Baka nga matuwa pa yon eh. Ka kabasted nya lang naman sa akin kanina kaya huwag kang mag alala." Malungkot na sabi nya pa.
"Ha? Eh akala ko ba ay sasagutin ka na nya? Diba nga sabi mo pa sa akin ay madalas itong mag selos sa mga lumalapit sa iyo." Nag tataka ko namang tanong sa kanya.
"Ewan ko nga doon eh. Ilang beses na akong binasted pero kung maka asta kasi sa akin parang kami. Kaya nga di ako tumitigil manligaw dito eh."
"Pero nakakapagud pala na palagi ka na lang papaasahin pero wala naman talaga. Pagud na rin kasi ako Tamara. Gusto ko rin muna na magpahinga."
"Ayaw ko ng bigyan pa ang sarili ko ng hope na baka mahal nya na rin ako. Kaya nga nag lakas loob ulit ako kanina na mag ask sa kanya eh. Pero wala talaga eh."
" Ayaw ko na rin ipilit pa ang aking sarili sa kanya. Mukhang wala naman kasi itong patutunguhan eh. Para lang akong tangang umaasa sa wala." Medyo naiiyak na sabi nito.
Niyakap ko na lang sya para kahit paano eh mawala ang sakit na kinikimkim nito. Di ko na pansin na may ganito na pala itong saluubin.
Akala ko eh ok lang sya. Palagi kasing naka ngiti lang ito. Kaya wala akong kaalam alam na may ganito na pa lang nangyayari dito.
"Gi maya mag bar tayo. Daanan mo na lang ako sa bahay. Mukhang mas need mo atang uminom kaysa sa akin eh." Natatawang sabi ko na lang sa kanya.
"Salamat naman at akala ko ay mag papapilit ka pa eh. Need talaga natin iyon Tamara para gamutin ang ating mga sugatang puso." Nagkatawanan na lang kami sa isat isa.
Mukhang minamalas ata kaming dalawa ni Jasmine sa mga mapanakit naming mga mahal na professor.
"Minalas lang talaga tayo sa mga minahal natin." Ang nasabi ko na lang dito sabay buntong hininga.
"Pero tibay din ng ex mo ano Tamara. Talagang pinag mamalaki pa na boyfriend nya na si Sir Lucas eh. Kung makakapit eh parang ayaw ng pakawalan."
"Tsaka di mo ba napapansin parang masyado ata silang PDA na parang pinag sisigawan pa na sila na nga."
"Ni hindi man lang nahiya sa iyo yang si Ma'am Angela at kung umasta eh parang walang nasaktan na tao." Tuloy tuloy na sabi nito sa akin. Na di ko na lang pinansin dahil totoo naman ang mga sinabi nito.
"Sabi ko nga mandin sa iyo eh hayaan mo na lang. Last day naman na natin ngayon eh at bakasyon na. Eh di matagal tagal pa ulit bago ko sila makita."
"Malay mo naman bago mag pasukan ay naka move on na ako. Nasabi ko naman sa iyo diba na tuturuan na ako ni dad sa negosyo namin."
"Ah basta need natin uminom mamaya. Doon tayo sa bar ng pinsan ko para kahit malasing tayo eh ligtas tayo."
BINABASA MO ANG
Ms. Angela Mondragon
RomantizmTamara Sid Montenegro isang transfer student from States maganda, mabait, matalino at mayaman. Na love at first sight sa una pa lang nilang pagkikita ni Ms. Angela Angela Mondragon isang kilalang terror na Professor, maganda, mayaman, matalino at ma...